Tagalog

194 4 0
                                    


[05-30-23]

“SAAN?”
GreeneverGardenn

Sa bawat hakbang na tatahakin,
’Di na alam kung ano ang dapat sundin.
Simula pa lang ay nasasaktan,
Panigurado, ito’y masusundan.

Saan? ’Di na alam kung saan tutungo.
Isip na’y gulong-gulo.
Mapanakit, nakalilito.
Anong klaseng mundo ito?

Hindi naman ito ang nais ko.
Gusto ko lang naman mabuhay,
Iyong, payapa at matiwasay.
Pero, bakit nagkaganito?

Pabigat nang pabigat ang bawat paghinga,
Ang realidad ay nakasasakal na.
May pag-asa pa ba na sumaya?
Kagaya noong bata pa’t malayo sa problema.

May lugar pa ba ako?
Pwede pa ba akong pumwesto?
Kaya pa bang pumunta sa unahan?
Saan naman? At nang aking mapuntahan.

---

NOTE: Please don't forget to put a credits to the owner and tap the vote for appreciation. Arigato! ^^

Her Words (A Collection Of Poems)Where stories live. Discover now