Tagalog

742 20 4
                                    


INA”
GreeneverGardenn

Isang salita, ngunit mahalaga.
Tatlong letra, magbilang ka.
Tatlo. . . dalawa. . . isa!
Siya ay si INA,
Ang kapares ng AMA.

Tinatawag na, ilaw ng tahanan.
Pagmamahal niya'y bihira.
Isang ‘superhero’ na may malaking kapangyarihan.
Nagbibigay liwanag sa panahon ng kadiliman.
Nag-iisa lamang siya, ngunit kaya kang ipaglaban.

Mga pagpapala sa langit, siya ay kaakit-akit.
Isang bihirang tao,
na kayang magsakripisyo,
maibigay lamang lahat sa iyo.
Naging iyong guro't tagapagluto,
tagagamot at tagaalis ng lungkot.

Sa siyam na buwan,
Ika'y dala-dala niya sa sinapupunan.

INA,

Isang regalo ng Diyos sa ating buhay;
Tagapagtanggol, taga-gabay,
Nag-aalaga't halaga'y ibinigay.

Simula ng ika'y isinilang, siya ay kasa-kasama.
Ang matamis na ngiti,
nakaukit sa kaniyang labi.
Sa ilalim ng gabi,
Hanggang kinaumagahan, kasama sa nararamdaman,
ang mainit na yakap
at sariwang hangin na nalalanghap.
Kasama ng malamig na himig ni INAY,
at mga awit n'yang walang nakapapantay.

Siyang nagturo sa atin,
na magkaroon ng kompyansa, at tiwala sa sariling atin.
Siyang nagbibigay saya
at pag-asa.

Pag-ibig niya'y walang katapusan,
'di mapapantayan at makalilimutan
kahit kailan pa man.

Mga anak at kabataan,
Ina ay mahalin at pasayahin,
Ingatan at alagaan,
Dahil siya'y 'di mapapalitan
kailanman.

-


Siya'y isang INA, na INAalagaan ka. . .”
“Every day will always be a MOTHER'S day. . .”

-Green-

NOTE: Please don't forget to put a credits to the owner and click the star button below. Thank you!

Her Words (A Collection Of Poems)Where stories live. Discover now