“PAGLISAN”
GreeneverGardennSabi mo, huwag mangamba sa tulin ng panahon.
Kapag madadapa man, dapat ay muling babangon.
Ngayon, may karagdagan na naman ang aking taon;
Tuloy sa pakikilaban, hampasin man ng alon.Kaya ako ay umaasang ika’y may magagawa;
Iyon ang lumaban, gaya ng aking ginawa.
Sa iyo aking mahal, ako’y nagmamakaawa.
Sa buhay ko’y nais kang makasama, parang-awa!Akala ko kay kamatayan ika’y maitago;
Subalit, sa halip na bumangon, ika’y sumuko.
Sa panahong ito, ako na naman ay nabigo;
Sa pag-asang tayo ay ’di maghiwalay’t magkalayo.Kasabay sa lamig ng hangin, siyang paglubog ng araw.
Ngayon sa malayo ako ay muling nakatanaw.
Bakit? Ikaw ay biglaang sumuko at pumanaw,
Mismo pa sa aking pinakaimportanteng araw. . .•••
“Every human has its own destiny, tells own story, and has own roles to play.”
-GreeneverGardennNOTE: Please don't forget to put a credits to the owner and tap the star button. Thank you!
YOU ARE READING
Her Words (A Collection Of Poems)
Poetry"Write to express, not to impress." "A poems, a memories. " @GreeneverGardenn (Jan 20, 2021)