Tagalog

1.1K 31 6
                                    


"TAGAHANGA"
GreeneverGardenn

Noong una kang nasilayan,
Humanga sa iyo ng biglaan.
Hindi mawaglit sa isipan
at pangalan mo ay nais malaman.
Hindi alam ang nararamdaman,
Ikaw ay palaging inaabangan.

Ako naman si Tagahanga,
umaasa na mapansin mo sana,
pero naalala ko, iba ka pala.

Pwede naman kasi, habang sikat ka-
Hangaan at mahalin din kita.
Pwede ata 'yon 'di ba?

Kapag ikaw ay may kantahan at sayawan,
Matik alam na 'yan-
Ako ang iyong 'number one fan!'

Mga suot mong palaging inaabangan,
Pati boses mo, alam ko na 'yan.

Kahit sa 'video' lang nakatingin,
Okay lang sa akin ang hindi mapansin.
Ngayon, wala ng hihilingin.

Tagahanga lang naman, at suportang walang katapusan ang galing sa akin.

-

GreeneverGardenn

NOTE: Please don't forget to put a credits to the owner and click the star button below. Thank you!

Her Words (A Collection Of Poems)Where stories live. Discover now