Tagalog

85 2 0
                                    

[11-18-23]

“ALA-ALA NA LANG”
GreeneverGardenn

nang minsan kong tanungin
ang kalawakan,
malamig na hangin
ang dumampi sa 'king katawan.
hanging may malalim na kahulugan,
at bawat segundo'y may binubulong
na nais ipabatid sa kaloob-looban.

“tama na't isarado mo na
ang aklat n'yong dalawa,
dahil hindi na siya
kailanman babalik pa.”
isang malalim na paghinga
ang aking tanging pinakawala,
resulta ng malalim na pagmamahalang
aking isinalba.

“batid niya ang tiyak na daan patungo sa 'yo, ngunit pinili niya ang daan papalayo.”
“sa bawat salitang ‘mahal kita’,
ay kapalit ang salitang ‘tigil na’.”

“hindi natin maaaring pilitin pa
ang taong pagod na,
at ang taong 'di na muling sasaya
sa piling ng kaniyang sinisinta.”

“ang taong mas nahanap na
ang kaligayahan sa puso ng iba,
at ang taong tuluyang umatras na
sa laban ninyong dalawa.”

ngayon naalala ko na ito.
nagkamali kasi ako sa punto,
na nagtanong kung mahal mo pa ba ako. sana hindi ko nalaman ito,
na ‘hindi’ pala ulit ang maging sagot mo.

paano ba kasi diktahan
ang sarili na matutong bumitaw?
kung hanggang ngayon, sinta.
nanatili ang pusong
pinipili pa rin ay ikaw.

sinubukan naman natin,
pero parang hindi nakikiayon
ang panahon.
kaya mas pinili mong tuldokan
ang namagitan sa atin,
at ako'y tuluyan mo nang sinukuan.

gayunpaman, hindi ko maiiwasan
na paulit-ulit tatanawin
ang ating nakaraan.
mga masasayang samahan,
na kahit sa ala-ala na lang ito
ay aking babalik-balikan.


---

@berde
small letters are intended.

Her Words (A Collection Of Poems)Where stories live. Discover now