Chapter 4

1.3K 62 29
                                    

            "Grabe ha, halos isang oras lang naman akong nakatayo dito at naghihintay." Bungad ni Alice pagbukas ko ng gate.

"Sorry..." Nahihiya kong sabi. Naalala ko nanaman tuloy si Mia, parang gusto ko nang bumalik at makita siya ulit.

Dere-deretsong pumasok si Alice habang nakasimangot pa din. Ang taray talaga nito.

"Wow, talagang naghanda ka pa ha. Research paper lang naman gagawin natin." Biglang nag-iba 'yung timpla ng mood niya. Kung kanina halos hindi na maipinta ang mukha, ngayon naman nagliliwanag ang mukha sa tuwa.

"Nag-abala ka pa... thank you." Sabi nito at umupo na sa dining table. "Kain muna tayo."

"Uhm, kumain na kasi ako e..." Sana pala niligpit ko muna 'yung mga hinanda ni Mia. Nakakahiya tuloy na wala man lang siyang alam sa pagpunta ni Alice.

"So ano? Ako lang mag-isang kakain? Papanoorin mo lang ako? Wag ka ngang KJ. Kaya mo nga hinanda 'to para sabay tayong kumain 'di ba?" Pagpupumilit pa niya kaya napasubo tuloy ako.

"Okay, pero desert na lang siguro sa'kin." Kumuha ako ng cupcakes na binake ni Mia. Hindi ko pa rin naman 'to natitikman.

"Wow, nagbebake ka din pala. Nakakatuwa naman, parang ang special tuloy ng araw na 'to." Mahina niyang sabi pero rinig na rinig ko, at kitang kita ko sa mga mata niya na masaya talaga siya, as if iniisip niyang para sa kanya talaga 'yung mga nakahandang pagkain.

Narinig kong bumukas 'yung pintuan sa kwarto ko. Malamang napansin din ni Alice 'yun.

"May kasama ka sa bahay? Akala ko ba ikaw lang mag-isa?"

"H-ha? Baka 'yung hangin lang, minsan kasi bigla-biglang nagbubukas lang 'yun." Nagpapanic kong sabi at tumayo muna para umakyat.

"Ganu'n ba? O sa'n ka pupunta?"

Hindi ko na siya nasagot pa. Nakita ko kasi si Mia na palabas na ng kwarto.

Tinakpan ko agad ang kanyang bibig bago pa siya makasalita at muling ipinasok.

"Sino 'yun? Sino 'yung babae mo?" Naiinis niyang tanong. Kasama ba sa chip ang pagiging selosa ng isang tao?

"Ha? P-pano mo nalaman... wait, she's not my girl, Mia. Friends lang kami, okay? 'Di ba sinabi ko sa'yo na school project lang 'to?"

"Okay." Sabi niya at muling ngumiti.

Napangiti na din ako sa kacute-an niya. Hindi ko akalaing ang bilis lang pala niyang mapa-kalma, o sadyang kasama na ding na-manipulate ang temper niya.

"Basta 'wag siyang lalapit sa'yo ha... kundi magagalit talaga ako." Dagdag pa niya.

"Opo, basta dito ka lang ha?" Sagot ko naman.

Muli akong lumabas at pinuntahan naman si Alice. Hinuhugasan na niya ang pinagkainan niya.

"Alice, iwan mo na lang muna 'yan dyan. Eto na pala 'yung research paper natin." Sabi ko at inayos ito sa sala. Sinet-up ko na din 'yung laptop para sa presentation namin.

"Nahugasan ko na rin naman, onti lang naman 'to." Sagot niya at sumunod na din sa'kin. Umupo siya sa tabi ko at saka kinuha 'yung papers para aralin.

"Ano 'to? Emotion manipulator?"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad ko itong kinuha; baka malaman pa niyang nagamit ko na ito, at sa taong hindi ko pa masyadong kilala. "Ah, wala... dating research papers lang ni Daddy."

"E b't mo kinuha? Malay mo makatulong sa'tin 'to."

"Hindi, nabasa ko na 'to, hindi na pwede kasi outdated na 'yung document." Sabi ko na lang at itinabi na 'yun. Sana hindi niya nabasa 'yung tungkol sa chip.

"Thank you ulit ha, sa hinanda mo. Ngayon ka lang ba nagkaron ng bisita kaya sobra ka din maghanda?"

Okay, so mukhang big deal na sa kanya 'yung paghahanda kong 'yun, kahit na hindi naman talaga ako ang naghanda. Kung kanina ako 'yung gulat at natuwa sa nakahandang pagkain, ngayon ibang tao naman ang nakinabang.

"Oo e, minsan lang kasi talaga may bumisita sa'kin."

"Hindi mo naman sinabi, don't worry simula ngayon palagi na'kong bibisita."

Oh, no. Bakit naman kasi 'yun pa ang sinabi ko, mas pupuntahan tuloy ako lalo.

"Ah, actually okay lang... madami din naman kasi talaga akong ginagawa, tsaka madalas wala ako sa bahay."

"Talaga? O bigla mo lang na-realize na ayaw mo pala ako dito?" Paghahamon pa niya. I hate these kinds of question. It's like a trap.

"No, it's not like that..."

"Joke lang, 'to naman masyadong seryoso. Anyway i-type mo na muna 'to."

Hindi ko alam kung ano ba talagang gustong palabasin ni Alice. I know somehow she likes me, pero gaya ng sinabi ko, ayoko na siyang paasahin pa at the same time ayokong maging rude sa kanya. So sana lang hindi masira ang pagkakaibigan namin sa ganitong paraan.

***

Hinatid ko na muna si Alice hanggang sa gate bago bumalik ulit para ligpitin 'yung nakahandang pagkain. Kaso pagbalik ko, andu'n na si Mia at siya na mismo ang nagliligpit.

"Ako na dyan..."

"Pwede mo kong tulungan, pero 'wag mo kong paalisin." Agad niyang sabi.

"Okay ka lang? Galit ka ba?" Tanong ko. Napansin ko kasing hindi pa siya ngumingiti.

"Ngingiti lang ako if you do me a favor." Strikto niyang sabi.

"Uhm, sure... ano 'yun?"

"I want to study. Kasama ka." Seryoso niyang tugon habang nakatingin lang sa'kin.

"Well... hindi ko nga alam kung anong school mo dati e, or if may family ka na naghahanap sa'yo. Wala ka pa ngang sinasabi sa'kin kahit ano tungkol sayo."

"School? Family? Ang alam ko lang dapat kasama kita, at tama lang na pareho tayo ng school para tayo ang partner hindi si Alice."

Wow. Tungkol pala sa'kin 'to.

"Wala ka ba talagang memory? O naaalala tungkol sa buhay mo? Kahit onti?"

Lumapit siya sa'kin at niyakap ako sa leeg. Ngumiti siya habang nakatingin sa mga mata ko. "All I remember is that I love you so much and you are mine."

Muli niya 'kong hinalikan ng madiin sa labi. Kung hindi ko pa pipigilan ang sarili ko baka kung saan na kami mapunta nito.

"So payag ka na babe? Magkasama tayo sa school?" Excited niyang tanong.

"Kaya mo ba ko kiniss dahil du'n?" Pabiro ko pang sabi.

"Pwede... pero 'pag nakikita kasi kita gusto kitang i-kiss palagi." Sagot niya at hinalikan pa 'ko sa magkabilang pisngi. 

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Where stories live. Discover now