Chapter 8

882 60 31
                                    

            "Alice!" Sigaw ko habang tumatakbo siya palabas sa gate.

Patuloy ko siyang hinabol at hinawakan sa braso mapatigil lang siya. "Please, wait lang..." Medyo hinihingal kong sabi.

"I'm sorry, I'm really sorry..." Pakiusap ko. Ayoko lang may nakikitang nasasaktan lalo pa't pakiramdam ko ako ang may kasalanan.

"For what?" Tanong niya pagkaharap sa'kin. Hindi na niya napigilan ang sarili sa pag-iyak. Sino nga naman ang magagawa pang ngumiti sa sitwasyon na'to? Napahiya siya dahil sa'kin. I made her cry.

"Kasalanan mo bang minahal kita? Ako naman pumili nito 'di ba? Kaya bakit ka nagsosorry?"

"Alice..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko para lang tumigil na siya sa pag-iyak. Wala talaga akong alam pagdating sa ganitong bagay. "Sorry..."

"Pwede ba 'wag ka ng mag-sorry! Alam ko naman na kahit anong gawin ko awa lang 'tong nararamdaman mo para sa'kin."

Lumakad ako palapit sa kanya at niyakap siya. Oo, totoong naaawa ako sa kanya. Nag-effort siyang pumunta dito tapos mapapahiya lang pala siya, at 'yung matagal na niyang tinatago, ngayon ko pa nalaman sa harap ng maraming tao.

Ayokong lagyan ng malisya 'tong yakap na 'to. I just want to comfort her as a friend. Eto lang din naman ang maibibigay ko sa kanya.

"Levi..." Mahina niyang sabi at lumayo ng onti sa'kin. "Salamat... una na'ko."

Sana kahit papaano napagaan ko naman 'yung pakiramdam niya. Pagkasakay niya sa sasakyan, pumasok na din ulit ako sa loob. Nagkakasiyahan na sila na parang wala ng pakialam sa taong nasaktan nila. Nagtatawanan sila dito habang may isang hindi makakatulog sa nangyari. Ugh. Nakakakonsensya.

Pinuntahan ko si Mia kung sa'n ko siya iniwan, pero wala siya duon. Meydo kinabahan na'ko nang hindi ko siya makita sa paligid. Sa sobrang ganda niya imposibleng hindi ko siya makita agad.

"Kate, nakita mo ba si Mia?" Tanong ko. Madalas din kasi silang magkausap.

"Oh, hi lover boy!" Pang-aasar nito at parang nakainom na yata. "May kasama siyang lalaki e. Pinagpalit ka na yata. Hahaha!"

"Malakas na tama mo, tigil mo na 'yan." Sabi ko at tinabi 'yung basong iniinuman niya.

Iniwan ko na rin muna sila para hanapin si Mia. Sinong lalaki naman 'yun? Dapat talaga hindi ko siya iniiwan e, ang dami pa namang tumitingin sa kanya.

Pumunta ako sa bandang likod ng bahay nila Samantha. Kung hindi ko siya mahanap sa maraming tao, baka sa walang katao-tao ko naman siya makita.

"Sir!" May isang kasambahay na tumakbo papalapit sa'kin.

"Kaklase niyo po ba 'yung babaeng mahaba ang buhok? 'Yung maputi?" Nag-aalala niyang tanong.

"Opo, bakit po, nakita niyo siya? Kanina ko pa nga po hinahanap e..."

"Nakita ko kasi siyang may kasamang lalaki, tapos..."

"Nasa'n po sila?" Agad kong sabi. Ayoko nang patapusin pa siya at baka magtagal pa kami.

"Sa likod lang po, tumawag na nga ho ako ng pulis kasi nag-aalala na'ko."

Hindi na'ko nakasagot pa at agad na tumakbo papunta duon. Halos gusto kong sumabog sa nakita ko. 'Yung isang waiter kanina sa party, sinasakal si Mia sa may pader. Madali kong hinila 'yung lalaki at sinuntok sa mukha. Gusto ko siyang patayin sa mga oras na 'yun. Pinagsusuntok ko siya sa galit, pero lumaban naman ito at napatumba ako.

"Hindi mo kilala ang babaeng 'yan. Dapat siyang mamatay." Sabi nito bago pa man tumakbo at makatakas.

Hahabulin ko pa sana siya nang bigla akong tawagin ni Mia. Mahinang-mahina ang boses niya, na para bang kanina pa niya pinipilit lumaban.

"Mia..." Niyakap ko siya sa sobrang pag-aalala. May pasa siya sa leeg at braso. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, pero nagsisisi ako't iniwan pa siya.

"Sorry, I'm late... sorry hindi kita naprotektahan."

Hindi na siya nakaimik pa at yumakap na lang din sa'kin.

Sino 'yung lalaking 'yun? Bakit kung magsalita siya, parang dapat kong layuan si Mia?

Nu'ng gabing din 'yun, nakatanggap ako ng email mula kay Chris. Sabi niya medyo nahihirapan daw siya sa paghahanap ng impormasyon tungkol kay Mia.

"Bro, isesend ko na lang sayo 'yung complete document kapag kumpleto na 'yung information. Basta right now, I suggest you don't involve yourself too much on her. For your safety na rin. I have a feeling she isn't just an ordinary girl."

Eto 'yung message niya sa'kin. Paano ko naman hindi i-iinvolve 'yung sarili ko kung hindi ko na siya pwedeng iwan ngayon. Ano ba talaga ang meron sa kanya? Anong klaseng pagkatao ba ang meron siya?

Sino ka ba talaga, Mia?

***

Ngayon 'yung defense namin ni Alice kaya mas maaga kaming pumasok sa school. Sana kahit may hindi magandang nangyari kahapon, maayos pa rin kaming makapagpresent.

Si Mia naman, balik sa dating kakulitan na parang hindi maalala 'yung tangkang patayin siya. Ewan ko ba pero tuwing naaalala ko 'yung sinabi nu'ng waiter at ni Chris, parang kinikilabutan ako.

Sa ngayon isang produkto ng imbensyon si Mia. Pero 'pag nalaman ko kung sino talaga siya, kaya ko kayang tanggapin?

"Levi, kita na lang tayo mamayang 10 para sa defense. Siguro naman naaral mo na rin 'yung sasabihin mo." Seryosong sabi ni Alice.

Halos lahat ng naka-schedule sa defense ngayon kinakabahan, except sa'min ni Alice. Confident na kasi ako, lalo pa't sobrang responsable ng partner ko. Si Mia naman, mag-iispecial na lang since hindi na nakahabol.

"Goodluck babe! Kaya niyo 'yan!" Paulit-ulit na sinasabi ni Mia hanggang sa oras na ng defense namin. Ang kulit niya talaga, pero nakakatuwa naman kasi sobrang supportive talaga niya.

Sa una nakakakaba, lalo na't seryoso 'yung panel. Pero nu'ng pinepresent na naman namin ni Alice 'yung paper namin, naging okay naman. Buti nga at may tiwala pa rin kami sa isa't-isa, kahit na nagkalamat na 'yung pagkakaibigan namin. Well, at least in terms of academic matters, we make a good team.

Pagkalabas namin, andu'n pa din si Mia at agad akong binati na para bang napili kaming best thesis kahit na research paper pa lang naman ang ginawa namin.

"Hay salamat, makakahinga na rin ako." Sabi naman ni Alice at huminga nga ng malalim.

"Thank you Alice, natapos din tayo."

"Babe! Halika na magcelebrate na tayo!" Muling pangungulit naman ni Mia at gusto na'kong hilain.

"Sige Alice ha, una na muna kami." Pagpapaalam ko nang bigla naman niyang hawakan 'yung isang kamay ko.

Tumingin muna ito kay Mia, na mukhang hindi nagustuhan ang nakita. Mas lumapit pa si Alice at hinalikan ako sa pisngi. Napatingin na lang ako sa kanya sa sobrang gulat at pagtataka ko.

"Para lang 'yan sa ginawa mo kahapon, a thank you kiss. Bye!" Sabi nito tsaka lumakad paalis.

What is she up to? Bakit niya ginawa 'yun sa harap pa mismo ni Mia, na napabitaw na lang din sa'kin at tuluyang nanahimik. 

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Onde histórias criam vida. Descubra agora