Chapter 13

799 48 19
                                    

            Madaling araw na nang muli akong nagising. Isang oras palang yata akong nakatulog kakaisip nu'ng sinabi ng lalaki...

"May asawa na ang babaeng yan!"

I tried my best not to think about it, but it just keeps on bothering me. I then turned on the laptop and checked my mails. Puro promotions o 'di kaya advertisements lang, except sa isang naka-mark as important message—from Chris.

"Hey, I know you told me to stop searching about her, but I got another info and I think you should really know about this. Hindi ako sigurado kung fiancé o asawa na ba niya si Richard Fermano, 'yung taong naghahanap sa kanya ngayon. These are just rumors I found out in his workplace. Btw, he's the son and heir of GC Corp. kaya madami siyang connections, and anytime pwede kang kasuhan ng kidnapping. I've been telling you Levi, let go of that girl."

Napabuntong hininga na lang ako sa nabasa ko. It was a fun whole day for Mia and I, bakit kailangan pang magkaganito ulit?

I stared at her while sleeping silently on my bed. She's beautiful, but innocent that makes her vulnerable from any attacks. Pero paano ko nga ba siya po-protektahan kung hindi ko alam 'yung totoong nangyari sa kanya?

She stirred and gradually opened her eyes. "Levi?" Tanong nito. Nagtataka siguro siya kung bakit gising na'ko at nakatitig lang sa kanya.

Dahan-dahan siyang bumangon habang pinupunasan ang kanyang mata.

"Hindi ka ba makatulog?" Muli niyang tanong.

"Mia..." Habang nakatitig ako sa kanya, gusto ko ng sabihin 'yung mga nalaman ko. Gusto ko ng itanong kung ano ba ang totoo.

But I realized I might not be ready for her answer. What if she says yes, she has a boyfriend, fiancé, or a husband... would I be able to accept it?

I slid my hand around her waist and gently kissed her. I've gone crazy about her, and I'm probably more than scared to lose her.

Napangiti siya between our kisses and was suddenly unbuttoning her shirt. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.

"Not now, Mia..." Pabulong kong sabi. "Not now..."

I lay her down and tuck her into the bed.

"Sorry for disturbing you. Matulog ka na... dito lang ako." I said while holding her hand.

I can't have her yet, not until I'm sure that she's not someone else's...

***

"Aaahh!"

Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula dito sa kwarto. Napabangon agad ako nang mapansin kong hindi ko na pala katabi si Mia.

Madali akong bumaba. Sa amoy pa lang ng kitchen, masasabi kong nagluluto na siya para sa agahan namin. Pero hindi ko ineexpect ang pagkagulat niya sa natanggap na package.

Nasa may pintuan siya, nakatayo habang nakatitig sa isang malaking box na nabitawan.

"A-anong nangyari?" Tanong ko ngunit halos hindi na siya makatingin sa'kin.

Lumuhod ako para silipin kung ano 'yung nasa kahon. Wedding invitation at wedding gown na tinapunan ng dugo.

'Richard and Aurora, request the pleasure of your company at the celebration of their union. On Saturday, the 15th of April 2015 at 6:00 in the evening.'

Eto 'yung nakasulat sa invitation, saktong April 15 ngayon.

Nagawa nilang puntahan ang bahay ko, so ibig sabihin hindi na safe si Mia dito.

Tinakpan ko 'yung kahon at agad na tinapon. This is a threat. Ngayon alam ko nang someone's tracking her, and I failed to protect her again.

"Mia, listen to me," Sabi ko at hinawakan siya sa balikat. "Aalis tayo sa bahay ngayon din."

"S-saan tayo pupunta?" Nanginginig niyang tanong.

Niyakap ko siya ng mahigpit para kahit papaano ay mabawasan ang kaba niya. "We'll find a place where they cannot find you."

Nagmadali na kaming mag-impake just in case masundan pa nila kami. Dalawang malaking maleta ang hinanda ko, at dalawang bag para sa'min ni Mia.

"Nakuha mo na ba lahat? Wala ka nang nakalimutan?" Tanong ko habang binubuhat pababa 'yung iba pang gamit.

"Yung mga pagkain! Wait lang." Agad naman niyang sabi. Oo nga naman, sayang 'yung mga pinamili namin kahapon kung maiiwan lang din.

"Ilagay mo na lang yan sa isang bag. Dadalhin ko lang 'to sa sasakyan."

Palabas na 'ko para unahin na 'yung mga mabibigat na maleta sa sasakyan kong minsan lang magamit nang biglang may nagdoorbell.

Wala naman akong ineexpect na bisita ngayon. Next week pa dadating si Daddy, at tatawag 'yun kung magpapasundo na sa airport.

Napatigil si Mia at napatingin sa'kin. Kinuha niya 'yung bag at lumapit sa'kin.

"Paglabas ko, dumeretso ka sa sasakyan. Bubuksan ko na 'yung pintuan, ilalagay ko na din 'yung ibang gamit." Sabi ko, trying to be cautious this time.

Tumango lang ito at sumunod sa'kin pagbukas ng pinto. Nilagay ko muna 'yung mga gamit namin sa likod ng sasakyan bago dumeretso sa gate.

"Going somewhere with my wife?" Isang lalaking nakabusiness attire ang bumungad sa'kin.

Wife? He must be Richard.

"Sino ka?" I don't want to play his game, at hindi niya 'ko malolokong asawa niya si Mia.

"I'm your girlfriend's husband-to-be."

Wala akong pake.

"Sorry but I'm in a hurry. Kung wala kang sasabihing matino, buti pa umalis ka na. Nagsasayang ka lang ng oras." Sabi ko at ilalock na san 'yung gate nang bigla naman nyang hinarang ang kamay niya.

"You can't leave with her, Levi Danes." Nakangisi nitong sabi. "Thanks to your friend, I was able to find you."

Chris.

"W-what do you mean? Anong ginawa mo?" For the first time kinabahan na talaga ako.

Ngumiti lang ito at umatras ng onti. "Who knows. Goodluck with your trip. Make sure to put some thrill in this hide and seek, kasi ang dali niyong hanapin."

Sumakay na ito sa kanyang motor at mabilis na nagpaandar. Madali naman akong pumunta sa sasakyan. Nasa front seat na din si Mia, walang imik.

"L-levi... natatakot ako..." Mahina niyang sabi.

Hinawakan ko ang kamay niyang hanggang ngayon nanginginig pa din. "I'll protect you, Mia."

I wish I can.

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Where stories live. Discover now