Chapter 12

873 49 18
                                    

            Todo ngiti si Mia habang nasa grocery kami. Tuwang-tuwa kasi siya sa mga pagkain at dahil sinabi kong kumuha lang siya lahat ng gusto niyang kainin o lutuin sa bahay. Turns out mala-bundok na 'yung trolley namin sa dami ng kinuha niya.

Okay lang, ako naman magbabayad lahat.

"Hmm... may nakalimutan pa ba 'ko?" Pag-iisip ni Mia habang tinitignan 'yung mga pinamili niya.

Wala kasi siyang listahan e, basta kung ano lang makita na masarap kuha na agad.

"I-check mo mabuti, baka may malimutan ka. Lubusin mo na. Mahigit dalawang oras pa lang naman tayo dito." Pabiro ko namang sabi. Pero totoo naman, ang sakit na ng paa ko kakasunod sa kanya.

"Aww! I'm so sorry mahal! Pagod ka na?" Bigla naman niyang sabi na may halong paglalambing at yumakap sa braso ko.

"Last na lang please...? Nakalimutan ko 'yung cereal e." Muli niyang pakiusap.

Makakatanggi pa ba 'ko.

"Oo na po. Last na 'yan ha. Gutom na talaga ako." Sagot ko. Kanina pa nag-iingay 'yung tiyan ko.

Naisip ko kasing unahin muna ang pag-grocery dahil hindi naman ako madalas nagtatagal dito. Except na lang siguro 'pag may kasamang babae. Inaabot ng ilang oras.

"Yay! Thank you babe! Promise last na!" Masaya naman niyang sabi at hinalikan ako sa pisngi.

Kanina pa niya 'to ginagawa, at ang sarap lang sa pakiramdam.

***

After so many hours of walking around the grocery store, finally makakakain na din kami. Dinala ko siya sa isang pasta restaurant. Isa kasi 'to sa mga paborito ko, masarap kasi ang pagkakaluto at nakaka-relax 'yung interior design pati 'yung music.

Kaunti lang din ang mga kumakain, kaya hindi hassle sa paghahanap ng table.

"Wow babe, ang ganda naman dito. Ang romantic ng dating." Tuwang-tuwang sabi ni Mia.

Buti naman at nagustuhan niya. Well, lahat naman yata ng puntahan namin gusto niya e.

"Lahat naman romantic sa'kin basta kasama kita." Bigla nitong sabi na parang nabasa kung anong iniisip ko.

Napangiti na lang ako at sinabi na sa waiter 'yung order namin. Habang pinagmamasdan ko si Mia at nakikinig sa mga kwento niya, napansin ko ang isang lalaki, dalawang lamesa mula sa amin.

Hawak pa niya 'yung menu, pero kapansin-pansing naka-focus ito kay Mia. I recognize his suit. Kanina sa grocery nakasama din namin siya, pero isang beses ko lang ito nakita kaya inisip ko lang, maybe he's just another shopper. But right now it's suspicious. Sa dinami-dami ng restaurant, bakit dito pa kasama namin? Well who knows kung gusto niya din magpasta. Pero 'yung titig niya talaga ang nakakabahala.

"Babe okay ka lang? Bakit parang may malalim kang iniisip dyan?" Tanong ni Mia.

Tapos na pala siyang magkwento.

"Ah, wala... wala. Kain na tayo." Sabi ko na lang, sakto dumating na din 'yung order namin. Ayoko na rin namang mag-alala pa siya.

"Ah babe... after natin kumain, magsh-shopping tayo? Sabi mo bibili ako ng damit 'di ba?"

Oo nga pala, bibili pa pala kami ng mga gamit ni Mia. Kaunti lang kasi 'yung nabili ko para sa kanya nuon, kaya madalas sinusuot pa niya 'yung mga damit ko.

"Oo naman. Bilhin mo na, pambahay, pang-alis, sapatos... make-up, uhm..." Sabi ko, trying to suggest girls' necessities.

"Okay lang kahit madami?"

"Yes, sabi ko naman sayo. Ngayong araw na'to, ikaw 'yung princess. Lahat ng gusto mo bibilhin natin." Sagot ko at muli siyang napangiti.

"Ang sweet mo talaga... thank you babe!"

Yeah sweet, pero ang budget bitter na.

"Sige na, kumain ka na muna dyan, mamaya mo na isipin 'yung mga bibilhin mo." Sagot ko naman.

Kapalit ng paggastos ko ay ang mga ngiti at saya naman ni Mia, so worth it talaga.

***

"Babe bilisan mo na lumakad!" Nagmamadali nanamang sabi ni Mia.

Excited na kasi siyang bumili ng mga damit, kaya pagkatapos na pagkatapos kumain, minadali na niya 'kong lumakad.

"Alam mo mauna ka na, magwiwithdraw lang ako saglit ng pera." Sabi ko nang mapansin ko nanaman 'yung lalaking kanina pa sumusunod sa amin.

"Saglit ka lang ha? Diyan lang ako." Sagot naman niya sabay turo sa pinaka-malapit na clothing store.

"I'll be right back, Mia." I kissed her forehead and watched her walked inside.

Tumungo ako sa pinaka-malapit na ATM machine habang pinagmamasdan 'yung kilos ng lalaki. Nasa tapat ito ng bookstore, kunyari tumitingin ng mga libro pero kitang-kita ang kanyang pagmamatyag.

Maya-maya pa ay may binunot siya mula sa kanyang bulsa. Isang patalim. Lumakad ito palapit sa store kung nasaan si Mia.

Ngunit bago pa niya magawa ang kanyang plano, agad kong inagaw 'yung kutsilyo at hinila siya sa gilid. Inikot ko din ang kanyang braso para hindi makapalag.

"Sino ka? Anong balak mong gawin kay Mia?" Pagalit kong tanong.

"S-sir...s-sorry ho... inutusan lang ako... inutusan lang ako..." Nauutal at natatakot niyang sabi.

"Inutusan kang patayin ang babaeng 'yun?"

"O-opo... manganganib lang ang buhay niyo sa babaeng 'yan. Papatayin nila ako kapag hindi ko nagawa 'yung utos nila."

"Sinong sila?!" Galit kong sigaw na naka-agaw ng atensyon ng mga security guards.

Agad nila kaming inawat at hinila 'yung lalaki palayo sa'kin.

"Sir, ano pong nangyayari dito?" Tanong ng isang guard.

"He's trying to kill my girlfriend." Naiinis kong sabi at tinapon 'yung patalim. "Please do an investigation."

"May asawa na ang babaeng yan!" Biglang sigaw nung lalaki habang nagpupumiglas makawala. "Kailangan siyang mamatay!"

Paulit-ulit niyang sinasabi ito habang hawak na siya ng mga gwardya.

Lumabas naman agad si Mia para makita kung anong nangyari, marami na rin kasing mga tao ang nakiusisa sa eksena.

"Mia..." Mahina kong sabi nang lumapit ito sa'kin.

Hinila ko siya palapit at niyakap ng mahigpit... I'm glad she's safe... but then again, may nalaman nanaman akong hindi maganda sa kanya. Hindi ko na talaga alam kung anong kwento ang paniniwalaan ko tungkol kay Mia.

Kung totoong may asawa siya, paano na'ko?

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Where stories live. Discover now