Chapter 7

1K 55 34
                                    

            "Guys! Pumunta daw kayo sa birthday ni Samantha bukas. Sa bahay nila! Bongga daw 'yung party." Sigaw ni Seph, kablock namin na tropa ni Samantha.

Oo nga pala, kapag nagb-birthday kasi siya, iniinvite niya talaga kami lahat sa bahay niya. Ang bait din kasi ng parents niya e. Halos lahat binibigay sa kanya kaya siguro mas tinatamad din mag-aral.

"Levi Danes! Mia!" Pagtawag naman niya pagkakita sa'min. "Pumunta kayo ha." Masaya nitong sabi. Nasa good mood siya ngayon ha.

"Party? Sige!" Excited na sagot naman ni Mia.

"Oo girl, semi-formal ang attire ha. Alam mo naman kung pa'no pumunta Levi 'di ba?"

"Yea, every year ka naman kasing nagb-birthday." Sagot ko.

Kapag hindi ka kasi pumunta, buong week ka niyang kukulitin at iinisin. Nangyari na 'yun sa ilang mga kaklase ko kaya 'pag nag-invite talaga 'to, walang tumatanggi.

Si Alice lang talaga ang hindi pumupunta kaya siguro mortal enemy na sila ngayon. Mga isip bata pa kasi.

"Anong oras 'yun? Excited na'ko!" Natutuwa nanamang sabi ni Mia.

"7 pm ang start. Buti pa si Mia sobrang natutuwa. I love you na!" Sagot naman ni Samantha at niyakap siya.

"I love you too!"

Okay, new found friends. Dumeretso na 'ko sa upuan ko, at agad naman akong sinundan ni Mia matapos makipagyakapan kay Samantha.

"Mga plastik." Pagpaparinig ni Alice habang nagbabasa ng libro. Mukhang matatapos nanaman niya 'yung binabasa niyang novel.

Every week kasi halos may bago siyang binabasa, 'pag madami lang talagang ginagawa tsaka siya tumitigil.

"O talaga? Hindi kagaya mo na loner!" Sagot naman ni Samantha. Wala na yatang araw na hindi sila nagkasagutan.

"So inamin mong plastik ka?"

"What? Ano bang problema mo? Naiinggit ka ba na close na kami ni Mia? Well kung sa bagay, pa'no mo nga naman magiging close ang girlfriend ng mahal na mahal mo!" Tumawa ito ng malakas para maasar pa si Alice, pero ako na yata ang naiinis sa ginagawa niya.

"Mahal ni Alice ang boyfriend ko?!" Dagdag pa ni Mia.

"Hindi mo alam? OMG, girl, kaya dapat layuan mo ang babaeng 'yan. Kasi baka agawin niya siya sayo."

Napatingin na lang sa'kin si Mia at hindi nagsalita. Akala ko mas magagalit pa siya at awayin nanaman si Alice, pero mukhang mas pinili niyang manahimik na lang.

"Oo na! Pupunta na'ko sa birthday mo bukas! Masaya ka na? Tigilan mo na 'ko pwede ba?" Sabi ni Alice at lumakad papunta sa'kin.

"Titignan ko pa kung makakapasok ka! Hahaha!" Pang-aasar muli ni Samantha pero hindi na lang niya 'to pinansin.

"Eto na 'yung flash drive ko, andyan na 'yung presentation natin para sa Friday." Sabi ni Alice at inabot na ito sa'kin. Kami kasi 'yung unang grupo na magpepresent at sa isang araw na 'to.

"Thank you Alice ha. 'Wag mo na lang pansinin si Samantha, gusto lang nu'n pumunta ka sa birthday niya."

"Tss. Sinabihan mo pa 'ko sanay na 'ko dyan. Pupunta na nga ako e, tapos na rin naman 'yung preparations natin para sa defense."

"Ilang araw ka na yatang nagpupuyat e." Pansin ko na kasi 'yung eyebags niya.

"Madami lang talaga akong ginagawa."

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Where stories live. Discover now