Chapter 6

1K 55 37
                                    

            Pumasok ako ng locker room. I'm not sure why I have a bad feeling about this. Wala nang katao-tao kasi uwian na rin naman, at 'yung mga naglo-locker lang naman madalas ay 'yung varsity, kaya wala na rin sigurong papasok kasi malamang nagpapractice na sila ngayon sa gymn.

Inisa-isa kong binuksan 'yung mga lock. Mukha na siguro akong magnanakaw sa ginagawa ko, pero kung hindi ko pa talaga 'to gagawin, hindi ko siya mahahanap.

Nasa number 23, 1st row na locker siya. Napapikit ito nang buksan ko at mas lalong niyakap ang sarili.

"Mia!" Sabi ko at tinulungan siyang makaalis du'n. Parang wala siya sa sarili niya, umiiyak na natatakot, na para bang may gagawin akong masama sa kanya.

"Mia, ako 'to... si Levi, 'yung boyfriend mo..." Hinawakan ko ang mukha niya pero hindi pa rin siya makatitig sa'kin. "Mia ano bang nangyari?"

"Boyfriend... boyfriend? S-sorry... sorry... susunod na'ko, susunod na'ko..." Natatakot niyang sabi at dahan-dahang inu-unbotton 'yung damit niya. This is serious. It has something to do with her past.

"Shh... Mia, look at me, please," Pakiusap ko at hinawakan naman ang kanyang kamay para pigilan ito sa kung ano man ang balak niyang gawin.

"Ako si Levi, 'yung boyfriend mo, remember?"

Hindi pa rin 'to tumitigil sa pag-iyak at panginginig. Hindi ko na alam kung ano bang gagawin ko, o sasabihin ko, mabalik lang siya sa reality.

"Mia, tell me... ano ba'ng nangyari?" Muli kong tanong.

"N-natatakot na kasi ako sa kanya... kaya nagtago ako, sorry... sorry..."

Niyakap ko siya ng mahigpit. I have no idea what she's gone through, and looking at her right now makes me visualize those terrible things that could've happened to her. She's vulnerable as a little girl, and I have the responsibility to protect her.

Hindi ko na namalayan pang nakatulog na pala siya. Pinunasan ko 'yung mga luha niya at saka binuhat. Duon ko na siya sa back seat hiniga at nilagyan ng seatbelt. She looks awful, and it's my fault. Sana pala hindi ko na lang siya iniwan.

I'm really sorry Mia.

***

Mag aalas dose na pero hindi pa rin siya nagigising. Halata sa mukha niya ang pagkalungkot, kahit walang malay. Muli kong inayos 'yung kumot. Naalala ko, dapat pala simulan ko na ang paghahanap sa pamilya niya at kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Ang dami kong tanong. Ang dami kong gustong malaman, pero ang hirap namang pilitin na sabihin niyang lahat 'yun.

I dialed Chris's number. Siya 'yung kaibigan kong gumawa lahat ng fake identity ni Mia.

"Chris," Pagbati ko.

"Hey, what's up? Balak ko pa naman matulog ng maaga ngayon. Anong kailangan?"

"Sorry, but you have to do me another favor." Natatawa ko namang sabi.

"Okay sure, malakas ka sakin e. How much this time?" Sabi na e, kailangan talaga gagastos ako.

"Haha, bahala ka na magcompute. Basta I need to find the real identity of Mia."

"What? Last time pinagawan mo lang ng fake, ngayon naman real na. Ano ba talaga?" Sagot naman nito.

"Basta bro, hanapin mo na lang base sa picture niya. Wala na'kong ibang alam tungkol sa kanya maliban sa mukha at pangalan niya e. Hindi ko alam kung sa'n siya galing."

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Where stories live. Discover now