xix (Narration)

201 3 5
                                    




Maddison

"Ate, may punta ka ngayon?" Tanong ni Chloe, kapatid ko.

Kay Chloe kasi muna ako nakitira. Plano kong magpatayo ng bahay para kay Clo... tsaka para na rin kay mama na nasa probinsya. Nagpunta lang kasi dito si Clo para mag-aral. Matagal tagal na ring hindi ko nakita si mama. Namiss ko na siya.

Si Clo naman matagal na ring hindi nakita si daddy. Nasa Italy kasi siya. Medyo sikat si daddy doon kasi may malaking business siya roon.

"May catering pa ako, Clo. Tsaka, mukhang tatagal pa ako," Nagpaalam ako sa kaniya.

"Okay, ate. Ingat ka," Nginitian niya ako.

Napatingin ako sa salamin. Nakasuot ako ng black turtleneck top, partnered with a gray high-waisted plaid skirt and black ankle boots. Sinuot ko ang isang gold necklace na may heart design and a velvet ring. I wore a red bag and applied make-up and red lipstick.

Lumabas ako sa bahay at dumiretso sa resto para tulungan ang mga staff.

"Good noon, madam! Sobrang fresh fresh mo ngayon! Mas fresh ka pa sa niluto ng chef!" Sabi ni Barbie, resto manager ko.

Chef din ako rito pero naghire ako ng iba pa dahil hindi ko kakayanin mag-isa. Supposedly, magquit sana ako after ako magpatayo ng restaurant pero gusto kong magluto, eh.

"Anong mas fresh ako? Dapat mas fresh 'yon, Barbie," Sinamaan ko siya ng tingin.

"Syempre naman, madam. Joke lang 'yon," Bawi niya agad.

"Ready na ba tayo?" I asked her.

"Yes po, madam. Sa venue rin po, tapos na sila don," Tumako nalang ako sa sinabi niya. Tinulungan ko silang ilagay ang mga pagkain sa truck. Sumakay ako sa sasakyan ko at sinundan sila.

Ilang minuto ay dumating na kami sa VGU. Napansin ko na may mga renovations sa mga building pero mukhang ito pa rin ang VGU na kilala ko.

Tinulungan ko rin sila sa pag-organize sa mga pagkain. Nakita ko na may mga dumating na rin na ka-batch ko. Ilang sandali ay napuno na yung venue.

Sayang wala sina Char at Lu rito. Sa college ko lang kasi sila nakilala sa Italy. Pero umuwi kaagad si Lu after a year tapos si Char naman 2 years. Swerte nga lang ako kasi hindi kami nawalan ng communication.

"Maddison?" May tumawag sa'kin. Liningon ko kung sino iyon.

"Mia!" Lumapit ako sa kaniya at yinakap siya.

Siya yung bestfriend ko sa high school pero simula nung lumipat ako sa Italy, hindi ko na siya nakausap.

"Daya mo, ghoster ka!" hinampas hampas niya ako.

"Sorry na. Nagkaproblema lang, eh," Tumawa ako.

"Kumusta ka na? Omg, miss na kita," Kinalog kalog niya ang aking braso.

"Okay lang naman. Ikaw?" Tanong ko.

"Okay lang din. Nurse na ako ngayon,"

"Talaga? Congrats!"

"Ikaw? Sabi nang sa'yo tung catering na 'to, eh. Pamilyar kasi yung pangalan," Napaisip siya. Tumango nalng ako sa sinabi niya.

"Sama ka! Punta tayo sa table," Hinila niya ako.

"Ah.. may inasikaso pa ako Mia. Susunod na lang ako," Kawawa naman sila Barbie paghinayaan ko.

"Sus! Madam, ako na bahala rito!" Singit ni Barbie. Nakikinig pala siya sa'min?

"Sure ka?" Tanong ko at tumango siya kaya sumama ako kay Mia.

Sinundan ko lang siya pero bigla siyang umupo kaya umupo ako sa gilid niya. Napatingin ako kung sino sino yung mga nasa table. Nandon ang mga parte ng classmates ko noon, sina Wendy, Ren, LJ, Jan, Carlo, Kaye at.... Oli.

A Touch of Velvet (APS#2)Where stories live. Discover now