lxxxvii (Narration)

161 6 10
                                    



Maddison

"Did you sleep well?" Rinig ko ang boses na bumungad sa araw ko. Binuksan ko ang aking mga mata nang makita ko si Oli na may dala dalang food tray at nilapag sa aking kama.

Dumaan na pala ang dalawang linggo mula nung inilabas yung issue. Tinawagan na rin ako nina Mama at Clo at sinabihang pupunta sila rito as soon as possible. Si Clo kasi pinapunta ko muna sa probinsya para hindi na siya madamay sa issue.

"Trespasser ka, ah!" Inasar ko siya.

"The last time I checked, binigyan mo ako ng susi," he shrugged. Tinawanan ko nalang siya at tinignan ang mga pagkain sa food tray.

Nakita ko ang isang hotdog na nakavertical, a heart-shaped egg sa gitna at mga bacon na nakaporma ng letter U. Sa isang bowl naman ay may kanin.

"Sinong nagturo sa'yo nito?" I asked, trying to hide my laugh.

"Bakit? 'Di ba maganda?" He scratched his head.

"Corny mo," hinampas hampas ko siya.

"Gagong yun," He murmured.

"Huh? Sinong gago?" Pagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Jace," Sumimangot siya. I assume siya yung nagturo sa kaniya.

Tumayo si Oli kasi nakarinig kami ng doorbell. Kumain nalang ako habang tinitigan ang mga ginawa ni Oli.

"Ate Maddie!" Rinig ko ang sigaw ni Percy at dali dali siyang umupo sa gilid ko.

"Ate Maddie! May sasabihin ako," He glared at Oli. Si Oli naman mukhang nalilito.

"Anong ginawa ko?" Tanong ni Oli kay Percy.

"Yung kaibigan mo kasi, kuya! Anong ngang pangalan non?" He looked at the ceiling to think, "Yung ano... Ramona! Balita ko siya yung nagkakalat na ikaw yung anak ate! Hindi po fake news kasi may proof talaga. Kuya naman ang epal ng kaibigan mo!"

"Sabi na, eh," bulong ko. I took a glance at Oli and he looked confused and furious at the same time.

"Ew. Kuya naman! Ikaw gumawa niyan?" Biglang napunta ang atensyon ni Percy sa pagkain ko na may heart heart. Nakita ko ang kaniyang mukha na nagccringe.

"Kesa naman sa'yo na 'di nagluluto. May pagkain sa labas. Kain ka nalang muna don," sinamaan siya ng tingin ni Oli at sumunod naman si Percy. He, then, sat next to me.

"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kaniya.

"I'll confront her later. Dito muna ako ngayon," He hugged my waist.

"Hindi ka pa kumakain?" Tanong ko habang sumubo ng kanin. Umiling siya.

"Eto, oh."

Kumuha ako ng kanin, nilagyan ng bacon at sinubo 'yon kay Oli nang biglang bumukas ang pintuan ko.

"Mads!" Liningon ko ang pintuan at nakita si Detty na may dala dalang bouquet sa kamay niya. Nasa bibig parin ni Oli ang kutsura at naka estatwa. Bigla siyang naawkward and blinked thrice.

"Uh... Percy let me in pero I can come back later," she smiled awkwardly.

"Hindi! Halika Detty!" Binitawan ko ang kutsara at pinuntahan si Detty. Binigay niya sa'kin yung bouquet.

"Taray," I smelled the flowers.

"Okay ka lang?" She pouted. Tumawa lang ako at tumango.

"You know dumaan ako sa resto mo-"

"Okay lang, Detty. Tanggap ko naman."

"No, what I mean is... your business is still going on. Marami paring kumakain don," Tumango tango siya.

A Touch of Velvet (APS#2)Where stories live. Discover now