xliv (Narration)

156 4 6
                                    



Maddison

Matapos kong mag text sa mga bruhas ay dumeretso ako agad sa resto para tulungan yung staff. Nang matapos kami ay dumeretso kami sa venue. Pagdating namin ay tinulungan ko silang buhatin ang mga gamit.

I looked around in awe. Maraming nga statue ng mga ballerina ang nasa reception.

Malaki talaga itong ENPC. Dito yung studio ng mga dancers, museum ng mga outstanding dancers of the Philippines tsaka may theater na rin sila.

I did a research at nalaman ko na ginawa ito ni Adam Ortega in honor of his late wife who loved dancing.

Sana all.

Nang dumating kami sa lugar kung san kakain yung mga guests ay nagsimula nang magset-up yung crew. Medyo sosyal din ang mga Ortega kasi may pa-cater pa bawat show.

"Madam, upo ka muna diyan. Kami ra rito," Sabi ni Barbie kaya tumango ako. Ilang sandali ay pumasok sa loob si Adam Ortega. He was in a suit and he looked like he was in his late 40's. Lumapit ako para batiin siya.

"Good afternoon, sir! We're starting to set up the tables na, po. Yung dishes naman mamaya pang hapon," Bati ko sa kaniya. Tumango lang siya.

"Don't mess this up, okay?" Sinabihan niya pa ako. Agad naman akong tumango-tango.

Scary pala siya.

Hindi na siya nagsalita at lumakad paalis. Bumalik ako sa aking upuan.

Lumipas ang ilang oras ay natapos na kaming mag set-up at dumating na rin yung mga pagkain. May dumating na rin na mga guests. Since big event ito and ayokong mafail, ako na rin yung nag-accompany sa iba.

Hindi ko na nache-check yung phone ko pero palagi itong nag-bbeep. Kung si Oli man 'yon, bahala siya.

Sila ba ni Ramona?

I looked around and saw the guests enjoy their food. That's good.

"Excuse me," tawag sa'kin ng boses babae kaya nilapitan ko siya sa table.

"Yes? How may I help you, ma'am?" Nginitian ko siya.

"May number ka ba sa may-ari nito? Gusto ko kasing mag-inquire nito,"

"Oh, ako po 'yon, ma'am!" Excited kong sabi.

"Oh, really? Your dishes taste good, ah. May I know kung saan located yung Cari Madi?" She complimented.

Binigyan ko siya agad ng address at yung mga guests na kasama niya sa table. Inisahan ko rin silang binigyan ng mga business card.

Ilang sandali ay magsstart na yung show kaya pumunta lahat sa theater area. Pumasok si Mr. Ortega kasama ang isang lalaki, assistant niya ata.

"Good job, Ms. Moretti. I've heard good reviews about the food," He said in monotone.

"Thank you, po,"

"You all can enter the theater anytime you want. I'll go now," Sabi niya at umalis.

"Madam! Pasok tayo!" Excited na sabi ni Barbie.

"Tapusin muna natin itong iligpit tas punta tayo don, g?" Sabi ko sa kanila.

"G!" They said in sync kaya napatawa lang ako.

We finished early kaya pumunta kami sa loob ng theater. Tinignan ko muna yung poster bago pumasok.

"Swan Lake"

Oh! Ito yung pinapanood ko noon!

Kapangalan pa ni Odette yung bida. Napatawa ako dun.

Pagpasok namin, mukhang nasa gitnaan na yung play. Sumasayaw yung prima ballerina sa gitnaan. She danced with so much grace and poise. Ang galing niya!

A Touch of Velvet (APS#2)Where stories live. Discover now