lxxv (Narration)

154 8 21
                                    


Suggested Song:

Maybe this Time- Sarah Geronimo version (^^^)

Maddison

"Hi Maddie!" Sigaw ni Detty mula sa sasakyan. Bagong dating lang sila.

Dali dali siyang bumaba para yakapin ako pero bigla siyang natumba kaya tumawa ako.

Tutulungan ko na sana siya nang biglang lumabas si Jace at nagulat sa posisyon ng fiancée niya.

Walang kwenta rin tong fiancé niya kasi tumatawa rin.

"Detty naman. Sabi ko hinay hinay lang, eh," Tumatawa parin si Jace habang tinutulungan si Odette.

He whispered something on Odette na hindi ko narinig tas umiling naman si Detty habang nakanguso at sinabing, "Okay lang ako. Stop laughing na kasi. Ang mean mo."

Nang lumingon siya sa'kin, bumalik naman yung ngiti niya at dali daling yinakap ako.

"I missed you!" She did a little dance. Napaka-wholesome ng babaeng 'to.

"Detty, dala mo ba yung make-up?" Tanong ko.

"Yes! Did you bring face masks? Tsaka, yung matchy pajamas din natin," Tanong din niya kaya tumango ako.

"May netflix ba don?" Sabi ko habang inayos yung bag ko.

"Yes, I think. Let's watch together! Anong sinusunod mo?" Tinulungan niya ako sa mga gamit ko.

"Hmm. Wala naman. Pero gusto kong manuod ng kdrama," Sabi ko.

"Oooh... yay! Let's do that nalang!" She did a little jump and placed my things sa back part ng car.

"Sana all may plano," Pumasok naman si kwentuhan namin ni Detty si Kyle.

Detty went back to the shotgun seat at binuksan ko ang pintuan sa likod nang biglang lumabas si Kyle.

"Dito ka na sa gitna, Maddie," ngumisi siya. Napatingin ako ulit sa sasakyan nang makita ko si Oli na tahimik lang naka-upo don.

"Ikaw na. Bet ko naman sa gilid," Tumanggi ako at umupo sa gilid, malayo kay Oli nang biglang pumunta sa Kyle sa isang side at tinulak si Oli sa gitnaan para magkatabi kami.

"Aray!" Oli glared at Kyle.

"Sorry, pre. Bet ko rin sa gilid," Ngumisi siya at inandar na ni Jace ang sasakyan.

I awkwardly glanced at Oli and he did the same kaya umiwas kaming dalawa.

"Sinong nakaconnect sa speaker? Paki-play naman 'Wag kang pabebe kasi fit sa mood dito," Walang kwentang sabi ni Kyle.

"Gago, tumahimik ka," Binulungan ni Oli si Kyle pero narinig ko pa rin.

"Ako yung nakaconnect! Sorry Kyle, wala ako niyan," Sabi ni Detty.

"Oh! I have this though!" She excitedly typed on her phone and the music changed.

Two old friends meet again
Wearing older faces
Talk about the places they've been
Two old sweethearts who fell apart
Somewhere long ago~

A Touch of Velvet (APS#2)Where stories live. Discover now