lii (Narration)

153 7 35
                                    

Suggested Song:

Kathang Isip- Ben&Ben (^^^)

풋사랑 (Innocent Love)- Astro

tw: mentions of car crash; blood; fighting parents; broken family; suicidal thoughts

Maddie

"Ate, wala pa ba si Papà?" Tanong ni Chloe habang nagsusuklay. Binaba ko ang cellphone ko at nilapitan siya.

"Wala pa, Clo, eh. Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Palagi nalang kasi siyang wala," Yumuko siya.

"Baka busy lang siya, Clo," I comforted her. Nginitian niya lang ako.

Lumabas ako para magpaalam kay mama na may lakad ako bukas kasama si Oli.

"Ma!" Linapitan ko si mama na naghuhugas ng plato.

"Ma, may lakad sana ako bukas," I played with my fingers, "Pwede po ba?"

"Oo naman basta umuwi ka ng maaga, ha," She kissed my forehead.

"Thank you, mama," Yinakap ko siya at yinakap niya ako pabalik.

Pagkatapos non, bumalik ako sa aking kwarto.

Ehe.

Date ba yung bukas?

Tumitili ako habang nasa isip ko si Oli nang biglang tumawag si Mia. Sinagot ko naman kaagad.

"Hello?"

"Sana all may date," Sabi niya.

"Hindi naman 'yon date ih," Deny ko naman.

"Mads, magconfess ka na kaya," Payo niya.

Confess?

Ako?

Kaya ko ba 'yon?

"Ayoko nga," Umiling iling ako.

"Mas lalaki 'yang nararamdaman mo kapag hindi mo inaamin,"

"Ano naman?"

"Maddie, mas masasaktan ka kapag 'di mo inaamin,"

"Sus. 'Di 'yan. Okay lang ako," Tumawa ako.

"Pano kung huli na ang lahat?" Tanong niya.

"Epal mo," Umirap ako.

"Pero pano kung ganon?"

"Kung huli na, edi huli na," 'Yon lang ang sinabi ko bago ako nagpaalam kay Mia.

Oo nga noh?

Paano kung....

Hindi. Ayokong magconfess.

To be honest, I thought Oli was just a happy crush. But as we spent more time together, mas naging malalim yung nararamdaman ko.

I don't want us to be distant.

Nakatulala lang ako sa ceiling habang nakahiga sa kama ko nang biglang pumasok si Chloe na umiiyak.

"Ate," Humagulhol siya at yinakap ako.

"Clo, bakit ka umiyak?" I asked her.

But when I heard what was going on outside, I understood her. I immediately covered her ears while a tear fell from my eye.

"You have no right to reprimand me! Cazzate! (Bullshit!)" Sigaw ni papà.

"What do you mean I have no right to reprimand you? I'm your wife! You always come here drunk! Hindi ka ba naaawa sa mga anak mo?" Sumigaw na rin si mama na parang umiiyak.

A Touch of Velvet (APS#2)Where stories live. Discover now