Chapter 02

655 82 8
                                    

Chapter 02

'Nakuha ko naman na ang mga impormasyon na kailangan ko, sigurado rin ako na pagkatapos kong iligtas ang buhay niya ay walang kasinungalingan sa mga sinabi niya.'

Habang patagal ng patagal ang lakad kasama si Zac ay mas lalong lumakas ang pagiging hindi komportable ni Tori.

'Pero mukhang hindi maganda ang  planong ito. Siguradong malalaman ng mga villagers at baka maging wanted pa ako sa mga siyudad, lalo na sa Edo.'

Kaya naman binura rin ni Zac sa isip niya ang planong pagpaslang kay Tori ng ma-realise niya na hindi ito magandang plano.

Biglang bumalik sa dati ang atmosphere at unti-unti ng nawala ang pagiging hindi komportable ni Tori, pero hindi na rin siya nagsalita hanggang sa makarating na sila sa kalsada.

Mas binilisan na niya ang kaniyang lakad para makabalik na agad siya sa village at makapagpahinga dahil sa kahit na wala siyang ginawa ay nakaramdam pa rin siya ng pagod sa biglaang pressure na nagmula sa masamang plano ng binata, binilisan rin naman ni Zac ang kaniyang lakad kaya mas mabilis nilang narating ang destinasyon nila.

Sa kanan ng kalsada ay ang gubat kung saan nanggaling ang mga goblins. Ang kalsada naman ay diretso lang at kapag nilakad ito ay ilang kilometro lamang ang kailangan at ilang liko lang para tuluyan na siyang makarating sa siyudad ng Edo.

"Maraming salamat Mister Tori."
Nakangiting sambit ni Zac gamit ang inosente niyang mukha.

"Walang anuman! Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay Zac."
Nakangiti ring tugon ni Tori habang makikita ang mga pawis sa kaniyang noo bago naglakad pabalik sa Tona.

"Base sa impormasyon ni Tori ay hindi maganda ang dumiretso agad ako sa Edo, siguradong may ilan doong adventurer na pagdidiskitahan ako."

"Kailangan ay magpalevel-up muna ako." Sambit ng binata at ipinasok niya sa pouch ang mga gamit na ibinigay sa kanya.

Pumasok sa kagubatan si Zac at naghunt siya ng naghunt ng mga goblins, sa loob ng halos apat na oras ay naka patay siya ng tatlumpong goblins at umangat rin ang level niya ng dalawa, kahit na wala siyang nakukuhang bagong skill tuwing nag lelevel-up siya ay nararamdaman niya pa rin na ang katawan niya ay mas lalong lumalakas ng lumalakas.

Kasalukuyang nagpapahinga si Zac sa taas ng halos dalawang metrong taas na puno at pinagmamatyagan ang mga goblins na papalapit sa kanya.

Galit na galit ang mga ito dahil sa amoy na amoy nila ang mga dugo ng mga namatay nilang kauri sa harap ng puno na pinagpapahingaan ni Zac.

"Mas lalong lumakas ang katawan ko, pakiramdaman ko ay hindi na basta-basta magagawang masugatan pa ng normal na patalim ang katawan ko." Nakangiting sabi niya habang pinagmamasdan ang labing dalawang goblin na papalapit sa kanya.

Tumalon ang binata pababa sa puno at pumulot ito ng isang bato sa sahig. Ibwinelo niya ang kanang kamay niya at malakas na inihagis ang bato sa papalapit na mga goblin ilang metro ang layo.

Tumama ang bato sa ulo ng isang goblin at tumagos ito dito, pero kahit tumama na ito sa isang goblin ay parang kaunting pwersa lang ang nabawas at dire-diretso pa rin ang bato hanggang sa mapatay nito ang ika-limang goblin.

Pito na lang agad ang natira sa mga goblin at mabilis na ring tumakbo ang binata pasugod sa mga ito.

Nang nasa harap niya na ang mga goblin ay tumalon si Zac sa isa at tinuhod niya ang ulo nito. Wasak ang ulo ng halimaw at hindi na ito nakagalaw pa pagbagsak ng katawan niya.

Ang pangalawang goblin naman ay siniko niya sa ulo, tumusok ang siko ni Zac sa ulo ng goblin na para bang isa itong patalim na isinaksak.

Mabilis na pinagpapatay ni Zac ang mga halimaw hanggang sa isang goblin nalang ang natira, nang mapansin ng goblin kung paano pinaslang ng binata ang mga kasama niya ng walang kahirap-hirap ay bigla itong nakaramdam ng takot.

Supreme GodWhere stories live. Discover now