Chapter 01

9.3K 332 165
                                    

Chapter 01

Sa School ay may isang binata na pinipili ang laging umupo sa dulo ng silid aralan upang mas mapagmatiyagan niya ang kaniyang mga kaklase.

Wala siyang mga naging kaibigan sa kaniyang mga kaklase ngunit wala rin naman siyang mga nakakagalit o hindi nakakasundo dahil sa madalas ay gusto niya ang mapag-isa at hindi makihalubilo sa kanila.

Sa room nila ay may nagtatawanan, nagki-kwentuhan at ang iba pa ay nagtatalo, medyo magulo ang kanilang room ngunit mas masaya ang mga studyante dito kumpara sa ibang room.

Habang nakangiting nag-uusap ang apat na magkakaibigan na kaklase ng binata ay pinagmasdan niya ang mga ito at napaisip siya.

'Bakit? Bakit pinipilit pa rin nilang magkunwaring mabait sa isa't-isa kahit na hindi naman talaga nila gusto ang isa't-isa?'
Isip niya dahil sa lagi niya rin silang pinagmamatyagan at kahit na hindi niya sila nakaka-interact masyado ay basang-basa niya na ang mga ito.

Ang binatang laging nasa huli ay nagngangalang Zac Morgan, Itim ang kanyang medyo magulong buhok at ang kaniyang mga mata ay itim rin. Maayos ang hulma ng kaniyang panga at matangos naman ang ilong niya, masasabi na average lamang ang kanyang hitsura hindi kagaya ng iba na artistahin sa ganda at gwapo. Pero may isang bagay sa kanya na kakaiba, ang kanyang mga mata.

Ang mga mata niya ay para bang walang hanggan na abyss, walang emosyon.

Ang height niya ay anim na talampakan, ang kutis niya ay maputi ng kaunti.

Kagaya ng normal ay pinagmamasdan niya lamang ang mga kaklase niya dahil sa maagang natapos magturo ang kanilang guro kaya umalis agad ito.

Ilang minuto ang nakalipas ay biglang tumunog na ang bell ng school, senyales na tapos na ang klase at maaari na silang umuwi.

Pagkatayo ni Zac ay kinuha na niya ang bag niya upang umalis ngunit napahinto ito at napatingin sa baba niya dahil sa bigla na lamang lumiwanag ito.

Pagkatingin niya ay isang maliwanag na pabilog na simbolo ang nakita niya, may mga marka rin ito na hindi niya maintindihan. Lumiwanag ito ng lumiwanag hanggang sa napapikit na lamang si Zac.

Habang nakapikit ay bigla namang namuo ang pawis sa noo ng binata dahil sa biglang nag-iba ang pakiramdaman niya sa paligid, na para bang napunta siya sa ibang lugar.

Napalunok ang binata sa kaba ng marinig niya bigla ang malakas na hangin na tumatama sa mga puno at huni ng mga ibon.

Hindi makapaniwala ang binata at para bang ayaw niyang imulat ang kanyang mga mata, ngunit sa huli ay pinilit pa rin niya itong imulat upang siguraduhin kung totoo ba talaga na bigla siyang napunta sa ibang lugar.

Pagmulat niya ng mga mata ay nagtataasang mga puno ang kaniyang nakita, at mga ibon na humuhuni sa taas ng mga ito.

"Ha? Bakit parang nag-iba ang pakiramdam ko sa katawan ko? Para bang may nabago saakin?"
Tanong niya sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang kinukuyom-kuyom niyang kamao.

Pinagmasdan niya ang paligid at wala siyang ibang nakitang kaklase niya.

'Nasaan na ang mga kaklase ko? Ako lang ba ang napunta dito?'

Tumalon-talon at nag exercise ng halos tatlumpong minuto ang binata pero kahit katiting na enerhiya ay walang nabawas sa kaniya, para bang hindi man lamang siya napagod.

Kung kagaya ito ng dati ay siguradong pinagpawisan na siya dahil sa hindi naman siya araw-araw nag e-exercise.

"Bakit gan'on? At nasaan ang mga kaklase ko?"
Sambit niya habang sinusuri pa rin ang katawan niyang mas lumakas.

Supreme GodWhere stories live. Discover now