Chapter 05

545 79 20
                                    

Chapter 05:

Parehas na naglalabas ng nakakasindak na aura ang dalawang binata. Kapag nagpakawala sila ng atake ay siguradong magkakaroon ng sakuna sa kapaligiran, ngunit kahit alam nilang mangyayari ito ay wala pa rin sa kanila ang naglakas loob na pumigil dahil sa pagkatao ni Red.

"Kung hindi mo ako pinuno ay ma-e-enjoy mo pa sana ang 'yong mga sandali sa mundong 'to." Aroganteng sabi ni Red.

I-a-atake na ni Red ang kaniyang apoy ng bigla siyang makarinig ng mga hakbang.

Napatingin siya sa pinto ng adventurer's guild at nakita ang babaeng gustong-gusto niya. Pawis na pawis ito pero kahit gan'on ay hindi nabawasan ng kahit kaunti ang taglay niyang ganda.

"Red! Kapag hindi kapa daw tumigil ay magagalit na si Master! Alam mo ang pasensiya ni Master!" Pasigaw na sabi niya kay Red habang hinahabol ang kaniyang hininga.

Nang marinig ni Red ang sinabi ni Fae ay bigla siyang napahinto sa planong pag-atake. Namuo rin ang mga pawis sa noo niya at nagsitulo ang mga ito. Ang napaka arogante niyang ekspresyon ay biglang naglaho na parang bula at napalitan ng matinding takot.

"N-nandito ang Guild Master?"

Kahit ang katawan niya ay nanginig sa takot ng marinig na nandito ang Guild Master. Kahit ang kanilang pinuno ay hindi handang makipaglaban sa Guild Master para lang sa kaniya.

Kapag nagkaroon ng laban sa pagitan ng leader ng Flame Faction at ng Adventurer's Guild Master ay siguradong mawawasak ang balanse ng kapangyarihan sa siyudad at marami ang ma-a-apektuhan dito.

Kahit si Red ay hindi alam kung sino ang mananalo kapag naglaban ang pinuno ng faction nila laban sa Guild Master. Ang alam niya lang ay magkakaroon ng matinding sakuna.

Inihinto ni Red ang kaniyang atake at lumakad palayo para lumisan. Ang aroganteng si Red ay tumakbo na parang isang duwag palayo dahil lamang sa pagbanggit ni Fae ng salitang Guild Master.

Kahit siya ay hindi na komportable at pakiramdam niya ay may masamang mangyayari kapag nagmatigas siya at hindi pa umalis. Kung alam niya lang rin na nandito ang Guild Master ay siguradong hindi siya bibisita sa Guild.

"Haaa." Nakahinga ng maluwag ang binata ng makita ang pag-alis ni Red.

'Pero mag-i-ingat ka. Sa oras na lumakas na ako ay itutuloy rin natin 'to.'

'Ha? Napagod agad ako ng sobra sa maikling oras na 'yon?' Nanlaki ng kaunti ang mga mata ni Zac ng bigla niyang maramdaman ang pagod. Kung tutuusin ay imposible na dapat kahit ang pagtayo para sa kaniya dahil sa pressure na natanggap niya kay Red. Nagagawa niya lang tumayo dahil sa napaka espesyal ng kaniyang katawan.

"Ayos kalang Zac?" Nag-a-alalang tanong ni Fae sa binata.

"Ayos lang naman ako. Napagod lang ng kaunti." Nakangiting tugon ng binata. "Sige na pala. Babalik na muna ako sa Inn para magpahinga. Babalik nalang ako bukas para kumuha ng misyon." Dagdag pa niya at lumakad na ito palayo ng tumango si Fae bilang tugon.

Habang naglalakad ang binata ay bigla siyang napahinto ng makarinig siya ng tunog sa kaniyang isipan.

'You've recieved an Special Quest!'

[Special Quest: Kill the genius Red of Flame Faction.

Rewards: Unknown.]

Huh? May mga quest rin pala?

Napahinto saglit ang binata sa gulat pero agad rin siyang bumalik sa kaniyang sarili at tumuloy sa paglalakad.

Kung may stats kagaya ng sa laro ay siguradong may mga mission o quest rin. Kaya naman medyo inaasahan na ito ng binata.

Supreme GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon