Chapter 04

449 79 12
                                    

Chapter 04

Flashback

(Ito yung nangyari habang natutulog kanina si Zac sa carriage.)

Sa kagubatan ay may halos sampong tao ang mabilis na tumatakbo patungo sa pinanggalingan ng laban ni Zac at ng dalawang bandido.

Bawat isa sa kanila ay malaki ang katawan at naglalabas ng matinding pagkahayok sa dugo, dahil sa nalaman nilang pinatay ang dalawa sa miyembro ng grupo nila..

Kung mga halimaw lang sa gubat ay siguradong kaya ng magkapatid ito, ilang buwan na sila sa gubat na ito at halos kabisado na nila ang mga bagay-bagay sa paligid. Kaya imposible ang mapatay sila ng mga halimaw, kaya ang isang posibilidad lang ay pinatay sila ng mga adventurer.

Bawat isa sa mga ito ay may tattoo ng langgam sa kanilang batok, sa harap nila ay ang pinakamalakas sa grupo nila, ang leader ng kanilang division.

Kahit na mabilis silang tumatakbo ay nakafocus pa rin sa paligid ang kanilang leader para handa sila kung sakali man na may mang ambush.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na sila sa pinaglibingan ni Zac ng katawan, nakatingin sa lupa ang kanilang leader at nasa likod naman ang siyam.

"Isang bata?" Saad ng kanilang pinuno. Naisip niya agad na isang bata ang pumatay sa kanilang kasamahan dahil sa inilibing nito ang bangkay ng dalawa, bata lamang o mga adventurer na wala pang masiyadong experience ang susubuking itago ang bangkay ng kanilang pinatay sa ilalim ng lupa, para hindi mahanap ang bangkay nila.

Pero kahit na parang walang mali sa pagkakalibing ng bangkay ay may naramdaman pa rin ang pinuno, dahil sa dami na ng kaniyang mga experience sa laban ay malakas na ang pakiramdam niya sa mga delikadong mangyayari.

"Umatras muna kayo." Utos niya sa mga kasamahan at agad naman nila itong sinunod ng walang pagdadalawang isip.

Umupo ang bandidong leader na halos wala na ring buhok, marami itong marka ng sugat sa mukha at mas matangkad rin ito kay Zac.

Hinawakan niya ang lupa na para bang may pinapakiramdaman siya dito, iginalaw-galaw pa niya ang palad niya at ng mapalakas ng kaunti ang dikit ng palad niya ay may kaunting lupa ang bumagsak sa Frigid Qi na binalutan ni Zac ng maraming mana.

Nanlaki ang mga mata ng bandido at binalutan niya ng mana ang katawan niya.

"ATRAS!" Malakas na sigaw niya at mabilis na umatras ang mga kasamahan niya.

Ngunit mas mabilis pa rin ang pagsabog ng Frigid Qi, napakabilis na nabalot ng crystal na yelo ang buong paligid ng limampong metro at hindi nakatakas ang siyam na bandido.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng limampong metro, para bang kahit ang oras ay huminto dahil sa sobrang katahimikan.

Ang buong paligid ay nabalot ng crystal na yelo, ang mga puno, ang sahig at ang mga bandido. At lahat ng 'yon ay hindi nakaligtas sa kamatayan.

Iisa lamang ang natira at nakaligtas sa biglaang pagsabog dahil sa bilis ng responde niya ng maramdaman niya ang pagsabog ng Frigid Qi.

Kung gaano kabilis nabalot ng yelo ang katawan ng mga bandido ay ganoon rin kabilis nawala ang kanilang buhay.

Pinagmasdan ng pinuno ang mga kasama niya na halos pare-parehas na gulat na gulat ang ekspresyon bago sila maging yelo.

Nakaramdam ng kirot sa dibdib ang bandido. Kahit na bandido sila ay matagal na silang magkakasama at marami na rin silang hinarap na mga delikadong sitwasyon.

"PAGBABAYARAN MO 'TO! HINDI KITA TATANTANAN HANGGA'T HINDI KITA NAPAPATAY!" Galit na sigaw ng pinuno at biglang nabasag ang lahat ng bagay na nagyelo sa buong paligid niya gamit lamang ang kaniyang boses, patunay na mas malakas siya ng ilang beses sa binatang gumamit ng yelo.

Supreme GodWhere stories live. Discover now