CHAPTER 5 | LQ

248 37 6
                                    

*Morning at School*

POV Akie

Kakarating lang namin ni Brian sa school.. Umalis na rin kasi siya para puntahan mga kaibigan nya. Lagi na kasi kami ang magkasama, di na kami masyadong nakakapag-bonding sa iba pa naming mga kaibigan. Kaya ayun, hinayaan ko muna sya na sa mga kaibigan nya naman sya sumama ngayon.

Hmm.. nasan na kaya si Bheshie?

Medyo naging busy na kasi kami pareho. Bigla kasing nag-iba ang schedule at di na kami classmates sa mga klase namin.

Ahh! :D ayun na sya!

Lumapit agad ako sa kanya.

"GOOD MORNING BHESHIE!!! ^___^ I MISS YOU! *hug*" grabe! na-miss ko talaga yung Bheshie ko.

"What's 'good' in the morning?! Kutusan ko kaya mga brain cells mo?! Buti naalala mo pa ko 'no? -__-" ayan nagtampo na -.-

"Bheshie naman! Tampo ka agad. Sowie na. Busy eh. *pout* *puppy eyes*" Ganito ang gamot sa Bheshie kong matampuhin.

Tinignan lang nya ako at nginisihan.

"At dahil na-miss kita, magma-mall tayo sa Sunday.. WALANG AANGAL!" magsasalita pa lang ako nang....

"Walang. A-A-NGAL." pagdidiin pa nya.

"*pout*" wala naman akong choice.

"Wag ka ng umarte pa. Sige na, malapit na mag-start yung mga klase. Kaimbyernang schedule naman kasi yan! Bat pinalitan pa no? Di na tuloy tayo classmates." -Alixa

"Oo nga eh. Ge, baka ma-late pa tayo sa klase natin. Bye Bheshie!!"

"Bye na rin Bheshie!!"

Tumalikod na kami sa isa't isa para pumunta na sa kanya kanyang classroom.

**

Habang nasa classroom, naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko na nasa loob ng bag ko, nag-text si Bheshie..

[From: Bheshie Alixa

"Malapit na ba matapos yung teacher nyo sa pagkatak? Andito ako sa labas, sabay tayo mag-lunch."]

Pagkatingin ko sa labas, nandun nga sya. Kumaway kaway pa sya.

[To: Bheshie Alixa

"Ok Bheshie, ilang minutes na lang siguro."]

Tinignan ko lang sya sa labas pagkatapos ma-sent ng message.

Tumango-tango lang sya sakin saka naupo dun sa mga upuan sa labas ng room.

Ilang minuto lang ay narinig ko na ang magic word ng teacher namin.. "Class Dismissed. Good Day."

"Gooooood Daaay Maaa'am!" bati ng buong klase saka naglabasan.

"Sorry sa paghihintay Bheshie." -ako

"I'm fine. Maganda pa rin naman ako. *fliphair*."

*Cafeteria

Habang kumakain kami ni Alixa, bigla na lang dumating si Jake.

Naupo lang sya sa may tapat namin. Di sila nagpapansinan ni Bheshie. Anong meron? LQ?

*BOOGSH!* "Ayy abnoy ka!" napasigaw pa tuloy ako.

Muntik na kong mapatalon sa gulat ng bigla na lang may nagbagsak ng tray na may lamang pagkain sa table namin. Tinaas ko ang tingin ko para makita kung sino yon.

Will I See You Again?Kde žijí příběhy. Začni objevovat