CHAPTER 8 | Remembering Somebody You've Never Met?

177 40 7
                                    

"Miss.."

Then inabot nya sakin yung eyeglasses ko na agad ko rin namang kinuha at sinuot.

Whoah. Ang gwapo nya..

Wahh! erase erase! Parang nagtataksil na ko neto. May boyfriend ka Akie! Pinagsasampal ko yung sarili ko sa utak ko, ano-ano kasi pinag-iiisip eh! Bahala na, OA na kung OA. Esa gwapo sya eh.

Nag-bow ako ng ulo ng konti sa kanya,  "Thank you."

"You're careless as ever." umiling iling pa sya.

"Saka bakit ba kinakapa mo pa pag alam mong nahulog na yung glasses mo? Alam mo bang pwede kang masugatan?" dagdag pa nya.

He looks familiar. Pati boses niya parang narinig ko na somewhere. Pero hindi ko talaga siya makilala, kahit hinukay ko na sa kailalim-ilaliman ng utak ko. So ayun, nagtanong ako..

"D-Do I know you?"  kinunot ko pa ng konti yung noo ko para naman mapansin nya na di ko talaga sya kilala. Kung maka-panermon pa sakin akala mo kung sinong ka-close ako eh -.-

Napa-"ohh" siya nun then he chuckles. Ang cute niya tignan na tumatawa siya, para kasing lagi lang siyang seryoso eh.

"Ganun na ba kalabo mata mo when you don't wear your glasses?"  medyo natatawa nya pa ring tanong.

Di ako sumagot, yumuko lang ako. Okay, medyo na-offend ako dun. Di ko naman siya kilala eh, pero parang magaan pa rin naman yung loob ko sa kanya. Parang wala naman siyang gagawing masama sakin.. I hope so.

"I'll take that as a 'yes' and uhhm.. sorry?'"  he said.

Napansin niya ata na hindi naging positive yung reaction ko dun sa sinabi nya kanina kaya siguro nagso-sorry sya ngayon.

Then the next thing I know is tinapat niya yung kamay niya sa mukha ko as if nakikipag-shake hands sya.

"H-Hi? S-Sorry ulit ahh, parang na-offend ata kita sa sinabi ko kanina. But anyway, nice to meet you, I'm Hiro. Hiro Anderson."  sabi nya sakin habang nakangiti. Ang cute nya.. (Oh. Erase that idea! >.<!!)

Parang ang rude ko naman kung ii-snob ko sya 'no, kaya nakipag-shake hands na lang rin ako.

"Ayesha. Ayesha Hilton."  then I smile at him.

Ilang seconds pa eh parang naririnig ko na naman yung phone ko na nagri-ring. Naalala ko na nag-ring rin nga pala 'to kanina. Sino kaya yung tumatawag?

Hinanap ko sa bag yung phone ko, at nakita ko sa screen yung name ni Bheshie.  

"Hmm excuse lang ah sasagutin ko lang."

"Ah sige." sagot nya

Lumayo ako ng konti para kausapin si Bheshie.

[Oh hi Bheshie! Bat napatawag ka?]

[Alixa:Hoy babae! Nasaan ka hah?! Alam mo ba na yung driver nyo eh ako ang kinukulit? Hanapin ka daw ba sakin! eergg! Bat ba hindi ka sumasagot sa calls? Go and text your driver kung nasaang lupalop ka ng earth. Alalang alala ako sayo Bhesh! Hayaan ka daw ba nitong gunggong na 'to.  (narinig ko si Brian na nag'a-"ouch" at nagso-sorry kay Alixa. Pinipingot siguro ni bheshie yung tenga nya.) Hindi pa tayo tapos Bheshie, mag-uusap usap pa tayo. Umuwi ka na muna at magpahinga, okay? Bilisan mo na ah at baka hindi ako makapag pigil at tuluyan ng matanggal ang tenga ng lalaking to!]

Nilayo ko pa ng konti yung phone ko kasi halos sumisigaw na siya don sa kabilang linya. Okay.. medyo confused ako sa mga nangyayari.

[Alixa: Hindi mo pa nga pala nasasabi sakin kung nasaan ka huh?]  pahabol pa nya.

Will I See You Again?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang