CHAPTER 18 | Confrontation

115 22 2
                                    

POV Akie

Kumakain ako ng breakfast ngayon.

At sa di ko alam na kadahilanan ay bigla na lang may nag-text sakin na hindi kilalang number habang kumakain ako.

Medyo nagtaka lang ako dahil wala namang ibang nakaka-alam ng phone number ko maliban na lang sa mga malalapit kong kakilala.

[From: 095555555555

Di ko alam kung ano bang meron sayo kung bakit ganun ka nila itrato! Ano bang espesyal sayo?! Makikita mo ang hinahanap mo! Mali ka ng kinalaban Ayesha! Wanna know kung sino ako? You'll see kung lalabas ka dyan at kung mahahabol mo ako.]

Huh? Ano bang pinagsasasabi nito? Ano na naman bang nagawa ko? Wrong send lang ata.. pero panong andito ang pangalan ko? Ayesha? Hindi nya ginamit ang nickname kong 'Akie'.. hindi ko sya kilala. Mga malalapit lang sakin ang tumatawag saking Akie so that means hindi sya isa sa mga taong yon. Pero ano bang ibig nyang sabihin?

At ng mag-sink in na sa utak ko ang nakalagay sa huling sinabi ng kung sino man yon, bigla akong napatayo at bigla na lang nagpatakbo palabas.

Tinanong pa ako ni Ate ng 'Akie, where are you going?' nang makita nya ako pero hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo.

Kailangan kong alamin kung sino man yon.

Nang makalabas ako ng gate, tumingin tingin ako sa paligid.

Maraming mga bata ang naglalaro sa may tapat ng kalsada ng katabing mansyon namin. Kasama nito ang mga magulang nila na nakatingin lang sa mga batang naglalaro habang nag-uusap usap. Parang reunion ata nila.

Tumingin tingin pa ako sa paligid kung meron pa bang ibang tao.

At may nakita akong babae na may hawak na phone sa medyo kalayuan. Lakad pabalik balik ang ginagawa nito na parang hindi sya mapakali at ang lalim ng iniisip.

...si Thea.

Kumunot ang noo ko ng magtama ang mga paningin namin. Iba ang ikinilos niya dahil parang nagulat pa sya saka ito tumalikod at tumakbo.

Sinundan ko rin siya ng takbo. Siya ba ang may gawa ng text na yon?

Hindi ko maiwasan na di mag-isip ng ganoong bagay sa kanya dahil sya ang nakita ko sa labas.

Napagod na lang ang ako sa katatakbo, hindi ko siya nahabol dahil nakalayo na siya. Hindi ko na sya mahagilap. Iba pa ang dinaanan niya, hindi sa daan papunta sa bahay nila.

Kinuha ko ang phone ko at nag-text sa number kanina.

[To: 09555555555

Sino ka ba? Ano bang ibig mong sabihin?]

Antagal na pero walang reply. Sinubukan ko itong tawagan pero hindi ko na ma-contact.

Nagsimula na lang akong maglakad pauwi.

Maya-maya lang habang naglalakad ay may napansin ako sa likod ng isang kotse.

..isang babae. Naka-jacket itong black na may hood na tumatakip sa mukha nito. At.. at.. nakasuot ito ng skater skirt na pula at sandals na pink, tulad ng suot ni Thea kanina. Hindi ko lang makita kung naka shirt rin ba ito tulad ni Thea dahil nga sa naka-jacket sya.

"T-Thea?" sinubukan kong lumapit sa kanya. Nakita kong ngumisi sya saka tumakbo.

Sinubukan ko ulit siyang sundan pero bigla rin naman itong nawala ng parang bula tulad kanina.

Si Thea nga ba yon?

Pero may parte pa rin sakin na hindi naniniwala na siya nga ang may pakana nun. Dahil bakit nga ba? Ano bang motibo nya para pag-tripan ako ng ganun?

Will I See You Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon