CHAPTER 9 | Girls' Talk

186 34 6
                                    

POV Alixa

Andito ako ngayon sa mansion nila Akie, mag-uusap kami diba?

Actually gusto ko lang malaman kung kung bat naisipan niyang pumunta sa park. Nag-alala kaya kami ng todo! Gosh! Akala namin kung napano na siya, hindi niya pa sinasagot yung calls namin.

Aarrggh! I hate wasting my time! Nakila Thea raw si Akie. Ewan ko nga kung bat nandun yon. Ang init pa naman ng dugo ng Thea na yun kay Bheshie.

Nanonood ako ng TV sa sala nila hinihintay na dumating si Akie. Feel at home na talaga ako. Sanay na eh lol.

Naabutan ko pa nga dito sina Tita and Tito na umalis na rin agad for work. She told me na pumunta raw si Bheshie kasama si Ate Rhian sa house nila Thea. Medyo close kasi si Ate Rhian at Thea. And nakauwi na pala si Ate Rhian yesterday, gusto ko na syang makita ulit >.< matagal tagal na sya sa London eh.

Ano na naman kayang pagtotorture ang ginagawa ng pinsan nya ngayon kay Akie? Haiist! Bheshie ang tagal mo. Bilisan mo na -_-

"Bheshie!! Kanina ka pa?"

After 123456789 years! Dumating na din sya!

"Oo! Halos mamuti lang naman yung maganda kong buhok sa kahihintay sayo 'no." sabay fliphair ko pa, oh diba!

"Sorry Bheshie napasarap kasi yung kwentuhan ni Ate at ni Thea eh." sagot naman ni Akie.

"So ano palang ginawa mo sa bahay ng pinsan mong Maldita?" tanong ko.

"Hmm.. Nag kumustahan lang sila ni Ate. Ewan ko nga kung bakit pa ako kailangan sumama dun eh. Nagpasama lang kasi si Ate sakin. Nakaka OP kaya." sabi niya sabay pout pa. Bat ba ng cute ng babaeng 'to pag nagpa-pout. Pero infairness, mas cute pa rin ako! Charot.

"Walang ginawang kamalditahan sayo yung pinsan mo?" mtanong ko ulit.

"Hmm.. wala naman." sagot niya

"Tss.. Di kapani-paniwala -.-"

"Tara dun na lang tayo sa kwarto ko mag-usap Bheshie." aya ni Akie

"Wait.. Asan nga pala si Ate Rhian?" tanong ko.

"Nasa labas, may kausap lang sa phone." sagot naman nya at pumunta na kami sa kwarto nya.

"Oh make kwento na? What happened yesterday?" tanong ko agad pagka-pasok namin sa room nya then umupo ako sa may upuan sa study table nya.

"Uhhm.. ganito kasi.. Hinihintay ko sa labas ng room si Brian. Nagtaka nga ako kasi kahapon lang talaga siya nawala sa tuwing lalabas ako ng room. Kaso yung mga classmates kong girls na minalditahan mo ay hindi pa tapos sakin. Di ko na nga lang sila pinapansin eh..." -Akie

"Oh tapos? Paputol putol pa sa pagku-kwento! Just continue." sabi ko naman ng medyo mag-pause siya.

"Haha wait Bheshie. Kalma. Tapos eto nga, one of those girls ay sinabunutan ako tap-"

"WHAT?!" sigaw ko. Sinabunutan siya?! Aba! Kakaladkarin ko yun sa Guidance!

"Wait okay! OA nito. Im not yet finish :3 Okay this is it. Nung sinabunutan ako, thanks God dumating si Thea. She saved me from those girls :)"

Napanganga ako dun sa sinabi ni Akie. What? Si Thea? Oh mahabaging diyos! May himala po talaga.

"Weh?" tanong ko ulit.

"Oo nga. *^_^*"

Then suddenly, the door opened at iniluwa nito ang isang magandang babae-si Ate Rhian.

Will I See You Again?Where stories live. Discover now