♠️15

2.2K 31 2
                                    

That One Night
Chapter 15

"The past is always the answer of everything."

Niniana Velaroza

Nakangiti ako habang hawak ang kamay ng isang bata na hindi ko maaninag ang kanyang mukha nasa anim na taong gulang siguro. Papasok kami sa isang Orphanage. Napatingin ako sa sumalubong sa amin. Isa iyong lalaki na may hawak din na batang babae na hindi ko rin maaninag ang mukha. Nang magkalapit kami ay napangiti kami sa isa't-isa. Kaagad na kinawayan ng kasama niyang bata ang hawak kong bata.

"Hello! Ako nga pala si Kiana!" Masiglang sabi nito.

Napakapit naman sa akin  ang batang hawak ko na tila nahihiya.

"Hi...ako si Mice..." Sabi ng batang hawak ko na nahihiya pa rin.

"Tara! Laro tayo!" Masiglang sabi nung Kiana saka hinila ang hawak kong bata.

Habang nakangiti ko silang pinagmamasdan ay biglang nanlaki ang mga mata ko nang may apoy na palapit na patungo sa kanila at unti-unti silang nilalamon non.

"HINDEEEEE!"

Bigla akong napabalikwas ng bangon, ramdam ko ang panginginig ng katawan ko at pawis sa noo ko. Isa ba iyong panaginip o bangungot? Napayakap ako sa sarili dahil sa takot na nadarama. Kaya ayokong nakakatulog ng tanghali.

"Mice! Mice!" Patuloy akong umiiyak habang patuloy na tinatawag ang pangalan ng kapatid ko.

"Miceeee nasaan kaaaaa!" Nanginginig na ako sa takot.

Maya-maya ay bumukas ang kwarto ko at siya ang bumungad.

"Ate?"

Pumasok siya at kaagad akong niyakap.

"Ano'ng nangyari?" Buong pag-aalala na tanong niya.

Ako naman ay sinipat-sipat siya kung may natamo ba siyang sugat o ano. Kasi ang panaginip ko ay parang totoong pangyayari.

"Salamat naman at maayos ka kapatid ko!" Niyakap ko siya habang patuloy ako sa pag-iyak.

Nagtataka man siya ay niyakap nalang niya ako pabalik.

"Shhh, tahan na ate. Panaginip lang 'yon okay? Hindi naman nagkakatotoo ang mga panaginip diba?" Pagpapakalma niya sa akin.

Nanatili ako na yakap siya. Pakiramdam ko ay totoong nangyari ang panaginip na iyon. Pero imposible...

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siya.

"Basta Mice, lagi kang mag-iingat ha?" Hinaplos ko ang buhok niya.

Ngumiti siya. "Oo naman Ate."

Napatingin ako sa wall clock.

"Nako, oras na pala para mag prepare ako." Sabi ko sabay tumayo at kinuha ang robe ko.

That One NightWhere stories live. Discover now