♠️17

3.3K 47 19
                                    

That One  Night

Chapter 17

 Everyone deserves to be free.

NINIANA VELAROZA

Ngayon ay nasaksihan ko na. Hindi ako makapaniwala na. Nakaharap ko na siya. 

Naramdaman kong ipinasok niya ako sa loob ng sasakyan. Nananatili lamang akong nakapikit. Iniiwasan ko na hindi niya mahalata na siyang alam ko ang nangyayari.  Nang paandarin niya ang sasakyan ay minulat ko ang aking mga mata nang hindi niya namamalayan. Dahan-dahan akong napalunok. Hindi ko maiwasan kabahan ng sobra. 

Pero alam kong kakayanin ko ito, para sa kanya.

Kay Pierre.

Nagpatuloy lamang ako sa pagpapanggap na walang malay hanggang sa inihinto niya ang sasakyan sa isang parking lot ng isang kilalang Condo tower kung saan nandirito rin ang unit ni Irish at nung Doktor.

At nakahanda sila para rito sa ginagawa ko.

Lumabas siya ng sasakyan at iyon ang kinuha kong pagkakataon upang may kuhanin sa bulsa ng suot ko at pinakahawakan iyon. Muli akong bumalik sa pagkakahimatay. Naramdaman ko ang muli niyang pagbuhat sa akin.

Pumasok siya sa elevator ng parking lot. At nagsimula na iyong umandar pataas. Nakarating kami sa unit niya at naramdaman kong inihiga niya ako sa isang couch. Pigil hininga ako habang nararamdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko pababa sa leeg ko. Pagkatapos ay sinisimulan niya akong bigyan ng mga pinong halik sa aking leeg at balikat. Tiniis ko iyon upang hindi ako mahuli.

"Gising na aking mahal..." Bulong niya sa akin.

Sinunod ko siya, kasabay na ginawa ko ang itinuro sa akin upang isipin lamang nito na tumalab sa akin ang isinaksak niya. Pero ang totoo ay napalitan iyon ng placebo.

Direkta lamang na nakatingin ako sa pader na tila walang alam sa nangyayari.

Hinaplos niya ang buhok at mukha ko.

"Ganyan nga mahal ko, akin ka sa gabing ito." Bulong niya muli.

Hindi pa rin ako kumikibot. Walang emosyon lamang akong nakatulala tulad ng sabi sa akin.

Tumayo at tumalikod. Nagtungo siya sa isang silid. Napatingin ako sa dalawang wine glass na may laman. Mukhang nakahanda iyon na iinumin namin.

Mabilis kong ibinuka ang hawak ko kong gamot na pinulbos. Mabilis kong inilagay iyon sa dalawan wine glass parang kahit ano ang maibigay niya sa akin ay maiinom niya ay nilagyan ko ng ganon at muling bumalik sa pagkakatulala ko.

Lumabas na siya sa silid na pinasukan niya at tulad ng inaasahan ko ay kinuha niya ang dalawang wine glass at ibinigay sa akin ang isa.

Pinag cheers niya mga wine glass namin.

"Sabay natin inumin..." Sabi niya.

Sinunod ko siya at dahan-dahan kong inilagay sa bibig ko ang wine glass. Tuluyan niyang ininom ang kanya. Habang ako ay isinasayad ko lamang sa labi ko ang laman ng wine glass.

"Ano'ng problema? Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong niya.

Nagtaka siguro siya dahil hindi pa nababawasan.

Ibinaba ko ang wine glass. At napatingin sa kanya.

Napahawak siya sa sentido niya.

"Ano'ng nangyayare... Bakit ang labo ng nakikita ko!" Simulang sigaw niya.

Tuluyan akong napatayo. At may ibinulong sa kanya.

"Magiging masaya ang gabing ito para sa ating dalawa, h'wag kang mag-alala." Pagkasabi ko non ang ngumisi ako.

That One NightWhere stories live. Discover now