❤️ 18

1.8K 21 4
                                    

That One Night
Chapter 18

The one who saves you is yourself.

NINIANA VELAROZA

Mula sa apoy na unti-unting nilalamon ang buong kapaligiran. Napaupo na lamang ako habang nakatanaw sa apoy na umaabot na sa alapaap ang taas.

"Mice!!! Mice!!! Mice!!!" Paulit-ulit kong sigaw at hinahanap siya sa mga nagtatakbuhang mga tao.

Gusto kong suungin ang apoy ngunit palaki na ito ng palaki. Kapag nagtatangka akong tumakbo paloob.

"Kuya! Pupuntahan ko siya! Nasa loob pa  si Mice!!!" Pilit akong kumakawala sa kanya sapagkat ayaw niya akong hayaang magtungo sa loob.

"Hindi maaari!" Sabi ni Kuya.

Ngunit nagpumilit pa rin ako. Binigay ko na ang buong lakas ko upang makawala kay Kuya Rat. Mabilis akong tumakbo at sinuong ang papalaking apoy.

"Ninianaaaaaaa!" Rinig ko na lamang na sigaw ni Kuya Rat sa pangalan ko.

Paulit-ulit akong umuubo dahil sa usok na nalalanghap ko.

"Miceee!" Pilit kong sigaw.

"Kianaaaaa!" Nadinig ko naman ang isang batang lalaki na isinisigaw ang hinahanap niya.

Napatingin ako sa kanya, gayon rin siya. Kita ko rin sa mga mata niya na determinado na siyang mahanap ang hinahanap niya.

"Ateeee Ninianaaaa" Napalingon ako sa pinagmulan ng boses.
Nakita ko si Mice sa pagitan ng salaming pader. Pilit na kinakatok iyon upang makawala siya. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sapagkat palapit sa kanya ang pagkalat ng apoy.

"Kiana! Kiana! Gumising ka! Kiana!!!" Naririnig kong sambit ng batang lalaki. Nakita kong kinakatok niya rin ang salaming pader kung saan nandoon din ang hinahanap niya.

"Mice nandiyan na ang ate, ililigtas kita!" Pilit kong sinisipa ang nakaharang na salamin.

Pero wala na akong nagawa sapagkat lumapit na ang apoy. At muling umalingawngaw ang malakas na pagsabog.

Kitang-kita ko ang lahat...

"MICEEEEEEEEE!"

Napahandusay ako habang nakatulala sa apoy na siyang palapit na rin sa akin.

--

Bigla ay napamulat ako sa kung anong tunog na bell na narinig ko. Hingal na hingal ako. Ramdam ko ang pawis sa noo at leeg ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Mukhang nasa isang private hospital bed ako.

Ang huli kong naaalala ay may lumabas na apoy sa torch. Sa pagkakaalam ko kasi ay nagbilin ako sa organizer ng event na ayaw ko ng apoy. Pero bakit pa rin sila naglagay non? Ano ang dahilan?

Napahawak ako sa sentido ko dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko. Parang hinimatay lang naman ako grabe naman at naka private room na ako pero hindi bale galing din pala ako dito kanina bago magpunta sa event.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That One NightWhere stories live. Discover now