KABANATA 27

26.2K 699 36
                                    

Desperado na ako. Kailangan ko na talagang makaalis do'n kahit na patayin pa nila ako. Tutal, ilang linggo ko na talagang inaaral ang pasikot-sikot sa impyernong lugar na 'yun. Hindi ko pa man alam ang lahat-lahat, lalo na sa hangganan ng papalabas, bahala na lang siguro. Mas mabuti na siguro ang magbaka-sakali, kaysa naman ang walang gawing kahit anong paraan.

Hindi ko man sigurado ang  kahihinatnan ko, sigurado na ako na gusto ko na talagang makaalis. Kung kamatayan man ang kapalit...mas maganda. Wala na rin namang silbi na mabuhay pa ako kung habang buhay rin naman pala akong mananatiling kasama nila. Ang mas mahalaga sa akin ngayon, ang hindi ko na matunghayan at maramdaman pa ang kanilang kasamaan.

Tulad ng dati. Nakapila kami sa paglabas sa silid-sambahan. Binabantayan kami ng labing-dalawang maskarado, hanggang sa makabalik na kami sa nakatakda sa aming mga selda.

Ilang linggo na akong nagmamasid. Nagmamatyag sa lahat ng nakikita kong ikinikilos ng mga nagbabantay sa amin. Alam kong bukod sa labing-dalawang nakamaskarang parati naming nakikita,  marami pa silang kasamahang nakakubli rin ang mga mukha. Silang mga tagapagsilbi, mga gwardiya sa lahat ng sulok, at tagasunod sa lahat ng kanilang mga ipinag-uutos.

Pinag-aralan kong mabuti ang kanilang mga gawi. Ang tiyempo ng kanilang mga galaw. Ang oras ng pagganap nila sa kanilang mga tungkulin. Lahat-lahat ng kaya kong malaman, inalam ko. Tinandaan ko. Pinagplanuhan ko.

Katanghalian na sa ibabaw ng lupa--sa aking tantya, ngunit dahil magkabaliktad ang mga aktibidad ng mga demonyong ito sa ilalim ng lupa, animo'y nga kuwagong ngayon sila nagpapahinga. Maihahalintulad sila sa mga bampira. Tulog sa umaga. Gising sa gabi. Ang mga kasamahan nilang namumuhay sa tamang oras sa ibabaw ng lupa, ay yaon lamang pinakakawalan nila sa sibilisasyon, upang makihalubilo sa mga normal na tao, para sa ikapagpapalaganap ng kasamaan mula sa pinakasimple hanggang pinakamalala. Ang kanilang misyon:

Ang magsabog ng LAGIM nang walang nakapapansin; ang maging masamang impluwensiya sa marami nang walang nakakahalata.

"Kailangan kong magbanyo." Mahinang sabi ko sa tutulog-tulog na guwradya sa aming piitan.

Isa itong mataba at matangkad na lalaking sa aking tantiya'y mga edad bente-singko pataas. Nakatakip man ng bandana ang bibig nito ay nakalitaw naman ang kanyang mga mata.

Ito 'yung guwardiya na parati kong nahuhuling nakasilip sa akin. Nadalas nitong pagmasadan ang aking dibdib. Tinititigan din nito ang aking puwitan, at kulang na lang ay tumulo ang laway habang sumisilay sa aking mga hita at binti.

Sinadya kong ito ang nakadestinong guwardya para maisagawa ko ang plano ko. Ito talaga ang pinuntirya ko para naman mas madali kong maisakatuparan ang  plano kong makatakas.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Isang raw, nagpaalam ako ritong magbanyo. Binuksan naman nito ang susian ng aming selda. Paglabas ko, sinundan ako nito sa destinasyong medyo malayo rin sa aming kulungan.

Hindi ko man ito nakikita sa aking likod, malakas ang pakiramdam ko na nakatingin na naman ito sa aking puwitan. Nararamdaman ko ito dahil sa unti-unting pagbilis ng paghinga nito.  Ilang beses din itong tumikhim upang itago ang nahahalata ko namang pagkataranta.

Nasa tapat na kami ng pintuan ng banyo, nang nilingon ko ito. Nagulat ito;  nanlaki ang mga mata. Huling-huli ko kasi ito sa aktong nakatingin sa aking puwitan. Sinadya kong nginitian ito. Kinakagat-kagat ko rin ang aking ibabang labi upang sadyain ang panunukso rito.

LagimWhere stories live. Discover now