KABANATA 22

31.8K 790 34
                                    

"Ano ba ang kailangan n'yo sa 'kin?" Tanong ko sa mga taong nagdala sa akin sa tinatawag nilang altar.

Hindi ako sinagot ng mga ito. Iniupo lang ako ng mga ito sa isa sa mga pews doon, at saka nagmamadaling nagsialis.

Tiningnan ko ang buong paligid. Dalawa na pala kaming naroro'n. May natanaw akong tao sa kabilang sulok. Isa itong lalaking nakakurbata at puting pang-itaas na may mahabang manggas. Marumi at gusot-gusot ang damit nito. Bangas-bangas din ang mukha nito at tila nalulugmok ang ulo nito kung saan mang direksyon ito napapapakiling.

Habang nakatitig ako rito, narinig ko na naman ang pagbalik mga taong nagdala aa akin ro'n kanina. Bitbit naman ngayon ng mga ito ang isang babaeng nagpupumiglas; isinalampak ito ng mga ito sa tabi ko.

Hindi ko kilala o namumukhaan man lang ang babae. Mukhang galing kasi ito sa ibang selda. Isang tingin ko pa lamang rito, nabatid ko na agad na hindi nagkakalayo ang aming edad. Maganda ito, maputi at maganda ang hubog ng katawan. Mukhang sadya itong inayusan ng makapal na kolorete sa mukha. Nakaayos din ang buhok nito. Magara ang suot nitong pulang damit, na may tamang tabas na sukat na sukat sa balingkinitang pangangatawan nito.

Sandali kaming nagpakiramdaman. Kapwa sumusulyap sa isa't isa. Hanggang sa hindi ko na natiis kaya ako na ang nangunang kumausap sa kanya...

"Alam mo ba kung bakit tayo naririto?" tanong ko.

Umiling ito. Sa ikinikilos nito, nahalata ko ring mahiyain ito; nagmumukha lamang na hindi, dahil sa postura nito.

"S-saan ka nila kinuha?" muli kong tanong.

"S-sa..."

"Saan?"

"S-sa bahay namin."

Tumango ako. "Ilang taon ka na?"

"E-eighteen."

"Magkasing-edad pala tayo."

"Eighteen ka rin?" Nanlaki ang mga mata nito.

"Oo."

Ipinagpatuloy ko ang pagmamasid sa kabuuan ng silid. Mukha itong maliit na kapilya ng mga Katoliko, bagama't mamula-mula ang mga pader nito na yari sa laryo (1). Mayro'n itong tig-aanim na bintanang makipot sa kaliwa; maging sa kanan at sa likurang pader. Ang bawat stained-glass ng mga bintana'y may imahe ng demonyo. Ang bawat isang imahe ng demonyo'y nakatungtong sa isang pedestal, At sa bawat pedestal ay may nakaukit na pangalang nakasulat sa esoterikong alpabeto.

May malapad na bintanang may stained-glass din sa altar. Sa stained-glass na ito'y nakaukit naman ang wari'y simbolo ng pabaliktad na tala na nasa gitna ng dalawang hugis pabilog. Ang mas maliit na bilog sa loob ay nakakulong sa mas malaking bilog sa labas. Ang simbolo ring ito'y kinapapalooban ng kumplekadong mga disenyo, simbulo o mga alpabetong hindi ko maintindihan.

Ang harapan ng bintana ng altar ay may isang matangkad na lamesita kung saan ay naaninag ko ang mga sumusunod:

Isang malaki at makapal na itim na aklat na maihahalintulad sa biblia. Nakasara ito at nakapatong sa isang book rest na bahagyang nakatayo. May nakatatak na simbolo sa pabalat nito, na katulad na katulad naman ng nasa stained-glass sa altar. Sa magkabilang gilid ng aklat ay may dalawang itim na kandilang may sindi--na pareho namang nakatirik sa ibabaw ng dalawang maliit na bungong yari sa bakal.

LagimTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang