KABANATA 1

75.5K 1.2K 265
                                    

Pasukan na naman, pero tila ako lang yata ang hindi nasasabik pumasok sa eskwelahan? Ano ba kasi ang exciting sa muling pag-uumpisa ng panibagong school year sa mga tulad kong...bulakbolerang wala namang ipinagbago at ipinagkaiba sa dati. Wala naman akong bagong damit; wala ring bagong gamit. Edad lang ang nag-iba, dahil kung seventeen ako last year, eighteen na ako this year.

"Victoria," Pagtawag sa 'kin ng isang pamilyar na tinig.

"Rico?" Ang nobyo ko, pero sikreto lang.

Propesor kasi ito sa Unibersidad na pinapasukan ko, at tulad ng patakaran sa ibang paaralan, bawal din dito ang aming relasyon.

"Ano na naman ba ang tinitingnan mo?" Nilingon nito ang isang sulok ng classroom kung saan nakatutok ang aking mga mata.

May dalawang bata kasi ang nakikita kong nakatayo ro'n; nasa tantya kong nasa edad apat hanggang lima ang mga ito. Nakaharap ang mga ito sa pader; patalikod sa aking anggulo.

"H-ha? W-wala." Pasulyap-sulyap ako sa dalawang batang sa wari ko ba'y kambal. Parehong-pareho kasi ang tabas ng mukha ng mga ito. Kaunti rin lang ang pagkakaiba sa kanilang taas at mga nunal sa mukha.

"Wala?" Muli itong sumulyap sa tinitingnan ko, "Eh bakit nakatingin ka ro'n at namumutla ka pa?" Hindi nito kasi nakikita ang nakikita ko.

Sa halip na sumagot, tumayo ako at sinugod ko na lamang ito ng halik.

"Na-miss kita, Victoria." Aniya, sa gitna ng nagtutunggali naming mga labi.

"Na-miss din kita." Sagot ko, bago ko sadyang mariing ipinikit ang aking mga mata. Dahil ito sa biglang pagsulpot ng bagong pangitain sa gilid ng aking kanang mata. Isa itong multo ng isang maputing babaeng may mahabang buhok. Nakalapit ang mukha nito sa amin, na tila ba, pinagmamasdan nitong mabuti ang detalye ng aming paghahalikan.

Oo. Nakakakita ako ng mga multo. Mga multong nasa paligid; mga kaluluwang nakikihalubilo sa mga tao. Mga espiritung hindi ko malaman kung tumatambay lang o naliligaw. Karamihan kasi sa mga ito, tila ba, nawawala sa kanilang mga sarili, o 'di kaya nama'y walang kamuwang-muwang na patay na sila.

Paroo't Parito ang mga ito. May mga nakalutang; mayro'n ding naglalakad lang. Mayro'ng nakahinto, mayro'n din namang nakikisabay sa paglalakad ng mga mag-aaral.

"Victoria, I want you now!" Hinahagod ng mga labi ni Rico, ang aking magkabilang leeg.

"Huwag dito, Rico." Malambing na bulong ko. "Mag-motel naman tayo."

"H-hindi ko na kaya, Victoria. Dito na lang sige na..."

Hindi na ako nakatutol, lalo na nang binuhat na ako nito--pasaklang sa kanyang harapan. Inilapag ako nito sa ibabaw ng teacher's table, bago nito nagmamadaling tinanggal ang kanyang sinturon.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"Shit, Victoria!" Itinapon nito ang kanyang sinturon. "Bakit ba ngayon ka lang muling nakipagkita sa 'kin?" Binubuksan naman n'ya ngayon ang ply ng kanyang pantalon. "Ano ba ang ginawa mo no'ng sembreak?" Gigil na gigil na tinanggal nito ang panty ko, bago nito hinila ang mga hita at ipinuwesto ang kanyang sarili sa gitna.

"N-nagbakasyon..." Kasabay ng pagdiin nito sa akin ng kanyang 'sibat'. Napakagat ako sa kanyang ginawa.

'Yun lang ang idinahilan ko, pero nagsinungaling ako. Ang totoo, hindi naman ako nagbakasyon. Umiiwas lang talaga ako sa kanya hangga't maaari.

"Saan?"

Sa bahay.

"Sa Laguna."

"Grabe ka Victoria!" Hindi na ito magkamayaw sa panggigigil sa akin. "Ang sarap mo talaga..." Bulong nito sa tenga ko

LagimWhere stories live. Discover now