KABANATA 13

38.3K 965 76
                                    

"Bakit mo 'ko binabantayan?" Matapos ang makaubos lakas naming pag-iisa.

Grabe ito. Hindi na halos ako makapagsalita sa sobrang galing nito sa kama.

"Hindi ko alam kung alam mong matalik na magkaibigan ang Papa mo at ang Papa ko." Nakapikit ito habang nagsasalita. Halatang nanlalambot pa sa ginawa namin kanina. "Dati silang magkasama sa isang kulto, kung sa'n tumiwalag ang Papa ko nang maglaon."

"Kulto?" Tiningnan ko ang mukha nito. Nakapikit pa rin ito. "Anong klaseng kulto?"

"Kulto ng mga sumasamba sa demonyo."

"Sumasamba sa demonyo ang Papa ko at Papa mo?!"

"Ang totoo. Ang Papa mo lang." Sagot nito, bahagyang iminulat ang mga mata. "Sumanib ang Papa ko, sa pag-asang, maililigtas nito ang Papa mo. Pero nabigo ito. Sa halip na mailigtas, s'ya pa itong unti-unting nalubog sa pagsali ro'n. Naging mitsa 'yun ng pagkakapahamak ng kapatid kong si Anna."

Nagulat ako nang hinalikan nito ang noo ko, bago nito tinitigan ang mukha ko.

"Anong nangyari sa kapatid mo?"

"Mahabang istorya." Nagbuntong-hininga ito. Halatang nahihirapang alalahanin ang nangyari sa kanyang kapatid. "Bata pa 'ko no'n. Bata pa rin s'ya. No'ng gabing ipinanganak ka. Naro'n kami ni Papa, kaya alam kong pagkaiyak mo lang ng kaunti, binawian ka na ng hininga. Lingid sa kaalaman namin ni Papa. Dinukot pala nila si Anna. Walang awa nila itong pinatay sa harapan ng altar ni Satanas. At sa pamamagitan ng rituwal ng mga mangkukulam, inilipat nila sa 'yo ang kanyang kaluluwa. Halos takasan kami ng bait ni Papa, nang malaman namin ang totoong nangyari sa kanya. Simula no'n. Sinusundan ka na ni Papa, kahit saan ka magpunta."

"Ibig mong sabihin? Kay Anna ang kaluluwang nasa katawan ko ngayon?!"

"Hanggang sa ika'y nag desi otso. Oo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nakalaya rin ang kaluluwa ng kapatid ko, dahil nasa rituwal na mananalitli lamang ito sa katawan mo, hanggang sa humantong ka sa edad na desi otso."

"Kung gano'n? Paanong nabubuhay pa rin ako?"

"Ang Papa." Muli itong nagbuntong-hininga, "isa ang papa sa mga kaluluwang naglalabas-masok sa katawan mo ngayon. Sinubukan nitong gawin ang rituwal ng mga mangkukulam upang mapalaya si Anna sa katawan mo bago ka pa tumungtong sa tamang edad. Ngunit dahil wala itong inialay na taong may kaluluwa, hindi naging maganda ang resulta no'n. Dahil sa halip na kaluluwa ni Anna ang umalis sa katawan mo, ang kaluluwa ni Papa ang humiwalay sa katawan nito at hindi na ito nakabalik pa. Simula noon, nagpapagala-gala na ang kaluluwa nito. At dahil gumamit ito ng itim na mahika, na siya mismong ikinamatay ng kanyang katawang-tao, hindi rin ito makapasok sa lagusan patungo sa kabilang buhay."

"Labas-masok? Hindi permanente? Pero pa'nong nangyari 'yun? Hindi ko maintindihan Nathaniel."

"Alam mo ba kung bakit sinusundan ka rin ng mga espiritu? Ng mga demonyo at ng mga taong namatay na?"

"Hindi."

"'Dahil 'yun nag-uunahan silang makasanib kahit ilang saglit man lang sa katawang tao mo. Ano nga raw kasi ang silbi ng isang kaluluwang walang katawan 'di ba?"

Kinilabutan ako sa mga sinabi n'ya, kahit na, hindi ko pa rin lubos na maunawaan ito.

"Sumasanib lang sa 'yo ang Papa, kapag may lumalabas na iba, dahil hindi maaaring magtagal ang mga kaluluwang hindi sa 'yo sa 'yong katawan, nang hihigit pa sa tatlong araw kung wala itong rituwal. Kusa silang ibinubuga ng katawan mo. Nakabantay ang Papa para punuan ang bawat ligtang, upang manatili kang buhay."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.    

"Pero bakit? Bakit kailangan n'yang gawin 'yun? Bakit hindi n'yo na lang hayaan na mamatay na lang ako, para tapos na?"

Hindi ito sumagot.

"Nathaniel?!" Niyugyog ko ito."Bakit?!"

"Tatlong dahilan." Seryosong sagot nito; nakatitig ito sa kesame. "Una, kailangan ka ni Papa, upang mahanap pa nito ang paraan, kung papaano s'ya makakatawid sa lagusan patungo sa kabilang-buhay. Pangalawa," Tiningnan ako nito ng matama, "Kailangan ko munang makahanap ng paraan, kung pa'no ka magkakaroon ng sarili mong kaluluwa, na hindi gumagamit ng karunungang ipinagbabawal ng Diyos."

"Sabi mo tatlong dahilan? Dalawa lang 'yun ah. Ano ang ikatlo?"

"Ikatlo."

Tinitigan ako nito ng mas matalim.

"Ano ang ikatlo?"

"Ang ikatlo, mahal kita Victoria. Hindi ko hahayaan na basta ka na lang mamatay nang hindi man lang ako gumagawa ng paraan kung paano kita natutulungan. Ang problema ko lang..."

"Ay?"

"Kapag sinasaniban ng masasamang espiritung pakawala ng diyablo ang katawan mo, upang sirain ito, at ang mga taong nakapaligid sa 'yo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ka nag-iisa sa mundo, Victoria." Anito, "maraming mga katulad mo sa buong mundo, na sadyang ginagamit ng diyablo, upang magawa nito ang lahat kanyang kagustuhan nang hindi man lamang namamalayan ng mga tao. Ginagamit nito ang mga katawan ninyo, kayong mga indibiduwal na hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay (1), upang magsilbing katawang-tao ng kanyang mga kampon. Ang mga kampon ng demonyo, na inaatasan nitong maghasik ng LAGIM sa ibabaw ng mundo nang walang nakapapansin. Naroon na ang mga popular at maipluwensyang indibiduwal na iniidolo, upang magamit n'ya ang mga ito sa ikapapariwara ng napakaraming taong taga-sunod ng mga nito. Naro'n na rin 'yung mga nakatoka sa mga simbahan na nagpapanggap na mabubuti, upang makapagturo sa mga tao ng maling kaalaman tungkol sa Diyos...katulad ng Papa mo. Maraming ginagamit si Satanas. Kanya-kanyang toka; kanya-kanyang kaparaanan para makapaghasik ng kasamaan. Isa sa mga layunin nito ang mapasama at mapalayo sa tunay na pananampalataya sa Diyos ang mga tao. Upang ang lahat, mapunta sa impyernong nakadestino na para sa kanya (2), at bilang ganti na rin nito sa Diyos na nagtakwil sa kanya."

"Para sa'n pa ang ilaban mo ang buhay ko, kung mapupunta rin pala ako sa impyerno dahil sa patong-patong na kasalanan ko?"

"Ito ang tatandaan mo Victoria. Inabsuwelto na tayo ng Diyos sa mga kasalanan natin, kaya hindi na ang mga kasalanan natin ang makapagbubulid sa atin sa apoy ng imp'yerno."

"Pero 'yun ang nakagisnan kong paniniwa--"

"Tinubos na ng Diyos ang mga kasalanan natin Victoria, kaya inuulit kong hindi 'yun ang magdadala sa atin sa apoy ng impiyerno!"

"Kung hindi ang mga kasalanan, eh ano?"

"Ang kawalan ng pananampalataya sa tunay Diyos! 'Yun ang tunay na makapagdadala sa atin sa dagatdagatang apoy. Sapagka't sa bawat mga kasalana natin, may kapatawaran, ngunit sa kawalan ng pananampalataya, wala."

***

Footnotes:

(1) Aklat ng Buhay: (Book of Life) The book where the names of all living beings--who are authorized by GOD to live, are written.  Exodus 32:33, Psalm 69:28, Daniel 12:1, Revelation 13:8, 20:12-15, 21:27.  There are "living beings," on earth right now which is believed to be not written in the book of Life. Among these are the spirits of the Nephilims (6:1-4), all living things--animals/human/plants that are cloned or hybrids that are made to exist only by human manipulation and enhancements, or those that continue to exist due to the forbidden occult practices, and supernatural means, powered by the devil.

(2) Matthew (Mateo) 25:41 Hell was initially not intended for human beings, but for the devil and his angels. 

[Itutuloy]

LagimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon