Kabanata 16

53.5K 1.4K 238
                                    

"You will go back with me to Manila. You, together with the kids will stay in the house. My family should know the existence of my children." Walang pakundangan niyang saad.

"Isn't it too sudden?"

"No, it's not. We've waited years long, Aviva. Don't be so selfish." He answered back. Napasabi ko yata nang malakas ang dapat na sa isip ko lang, na naman.

"Okay, I'm sorry. I will talk to my mama about this matter first." I said, at aba! Tinalikuran ako bigla?! "You know, you don't need to be rude even though you're mad at me." Hindi ko na napigilan ang bibig ko.

"Yes, Aviva. I'm really really mad." Balik tingin niya sa akin at tuluyang lumabas ng pinto. And where does he think he's going?

Bahala na siya sa buhay niya. Matanda na siya.

I went upstairs at dumiretso sa kwarto namin. Nakaramdam ako ng sobrang pagod sa lahat ng nangyari ngayong araw kung kaya't paghingang paghiga ko ay dumilim na rin ang paningin ko.

-

Nagising ako sa galaw ng kamang hinihigaan ko. Pagmulat ko ng mata ay sumalubong sa akin ang tumatalon talon sa kama si Leigh.

"Baby, baka mahulog ka." Napapaos ko pang saad. Bumaba rin naman siya nang napagtantong gising na ako.

"Gising na po si mommy!" Leigh announced outside the door and went back beside me. "Mommy, dinner's ready na po. Daddy cooked our dinner. I'm excited!" I can see the shine in her eyes.

"Okay, mommy's gonna freshen up muna and I'll follow downstairs." she nodded and happily went downstairs.

As I've said, nag-ayos muna ako ng sarili ko bago ako sumunod sa baba.

When I entered our dining area, nakita kong nakaupo na silang lahat at ako na lang ako hinihintay kung kaya't umupo na ako sa natitirang bakanteng upuan sa tapat pa rin ni Gray na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Problema nito?

Nagdasal muna kami na pinamunuan ulit ni Leigh bago nagsimulang kumain.

"I'll go back to Manila tomorrow morning. Grace called me at pinapauwi na niya ako. Sayang at siguradong mamimiss ko ang lugar na ito kahit sandali pa lang ako rito namamalagi." Grandma started.

"That's good, grandma. Sabay sabay na tayo. I'll talk to mom for us to extend a day or two. I believe that Aviva needs to talk to her mother first." Sabay tingin niya sa akin nang parang wala man lang kaemo-emosyon.

"Ma, we will talk later ha?" I held her hand and squeezed it. She understood and nodded.

That ended the short discussion as we finished our meals.

Naghugas muna ako ng pinagkainan namin habang as usual, naghaharutan na naman ang mag-aama sa salas.

Pagkatapos kong masiguro na wala nang natitirang hugasin ay pumunta muna ako sa salas para magbilin.

"Leigh, Van." I called their attention. "If it's already sleeping time, stop na ha? Tomorrow nalang ituloy yung ginagawa. Pasama muna kayo kay daddy nyo. I'll just talk to mama." then I faced Gray, "Doon ka na sa kwarto matulog sa tabi nila. Tatabi na lang ako kay mama matulog." parang may nakita akong pag-alma sa mga mata nya o guni guni ko lang yon? Pero um-oo naman siya kaya iniwan ko na sila sa at dumiretso sa kwarto ng mama.

"Ma?" kumatok ako nang tatlong beses tsaka ko narinig ang sagot niyang 'pasok.'

Pinihit ko ang doorknob at nakita ko siyang nakasandal sa headboard ng kanyang kama habang nagbabasa ng libro. Isang bagay na namana kong hilig niya, ang pagbabasa.

The Billionaire's ChildrenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon