Kabanata 7

58.8K 1.5K 407
                                    

"Where do you think you're going?" Masungit na saad ni Gray.

"Uuwi?" Hindi ko pa siguradong tugon.

"Ihahatid na kita. Baka kung saan saan ka pa magsususuot, gabi na."

Napataas ang kilay ko, "Eh ano naman kung saan ako magsususuot?"

"Gabi na, may trabaho pa bukas." Simple niyang saad. "Pumunta ka na sa garage at mag-aayos lang ako. If you still know how to start a car, istart mo na para pagbaba ko ay aalis na lang tayo. Ihahatid kita."

Bago pa ako makapagsalita ay tinalikuran na niya ako para bumalik sa kwarto nya.

Tignan mo 'tong lalaking 'to, ang bastos!

Pala-desisyon yarnz?!

Wala na rin akong nagawa. Hinanap ko ang mga tao sa bahay at nagpaalam na uuwi na ako. Sinabi ko rin na ihahatid ako ni Gray para hindi sila mag-alala.

One thing I love about this family is that they don't treat others harshly. Hindi sila matapobre at matulungin pa sa kapwa. They also care about the people their family members care about. Kumbaga mahal din nila ang mahal ng kapamilya nila and that's cute. Minsan ka lang makakita ng ganong pamilya.

Pagkatapos kong magpaalam ay dumiretso na ako sa garahe at inistart ang kotse niya gaya ng sabi niya. Their house is still the same. Pakiramdam ko, parang kahapon lang nang umalis ako sa bahay na'to. Ang mga susi ng kotse ay nasa keybox sa garahe at may mga label kung anong sasakyan at kung kanino ito.

Gray taught me how to start the engine of a car. We always do this dahil parati kaming nalelate kapag siya pa rin ang magsstart ng kotse. Ang bagal kasi niya kumilos tuwing umaga parang palagi na lang tinatamad.

Ang tagal naman non!

Inikot ko ang aking paningin dahil naiinip na ako at may biglang nahagip ang mata ko. I saw the keychain of our favorite anime, seven deadly sins, na nakasabit sa rear view mirror. It was my simple gift on his 21st birthday. Wala na kasi akong maisip na kailangan niya pa dahil lahat naman ay meron siya at nang makita ko yung keychain, siya agad ang naalala ko kaya dali dali ko 'yon binili.

I smiled. Naalala ko kasi kung paano niya ako kinulit para ibigay ko ang regalo ko sa kaniya noon. I was shy to give it at first dahil syempre, hindi na maiiwasan 'yon. Ano ba naman ang keychain lang sa mga regalo sa kaniya ng pamilya at kakilala niya. Pero when I saw his smile, his genuine smile, my heart jumped from happiness.

Isinasabit niya 'yon sa kotseng ginagamit niya. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay na sakanya pa rin 'to.

"Nainip ka ba? Sorry." Nagising ang diwa ko nang makita siyang nakatingin sa akin mula sa labas ng pinto ng driver's seat na nabuksan na pala niya.

"Nako! Hanggang ngayon makupad ka pa rin." Iling iling na sabi ko na lang at humakbang na papunta sa passenger seat.

"Ikaw naman, tamad pa rin bumaba ng kotse." Balik ganti naman niya sa akin. Eh sa nakakatamad naman talaga.

"Hmp. Iuwi mo na nga lang ako." Tinawanan pa ako ng loko bago siya umalis sa garahe.

Habang na sa daan kami ay biglang nagring ang cellphone ko. Nang tignan ko ay si Rayne ito kaya sinagot ko.

"Nasaan ka, bes?"

"Pauwi na ako, Rayne. Umuwi ka na rin. May pinuntahan kasi kami ni boss at dahil gabi na, didiretso na ako sa bahay. Mag-ingat ka ha?" we said our goodbyes and dropped off the line.

Hindi ko pa tuluyang naibababa ang telepono ko nang may tumawag na naman. It was Jesse. Bakit naman kaya?

"Hello, Jesse?" I answered the call and to my surprise, it was not Jesse's voice who was on the other line.

The Billionaire's ChildrenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon