Kabanata 2

68.9K 1.8K 414
                                    

Two last questions and the game will be finished, sabi ng emcee. Tatlong pairs na lang kaming natitira rito at yung iba ay kanina pa tanggal.

"Ok, mommies. Ano ang favorite ice cream flavor ng mga anak niyo?"

That's easy. My baby is obsessed with strawberry flavored ice cream, just like him. So I wrote 'strawberry'.

And when the time is up, itinaas na namin ang whiteboards namin.

"Yehey! Correct na correct, mommy." Nang makita ni Leigh ang sagot ko. I smiled dahil kahit na busy ako sa trabaho, hindi ko nakakalimutang kilalanin ng mabuti ang mga anak ko.

Tumama rin kami sa last question at ang ibang pairs ay mali. That means we are the winner.

Bumalik rin kami agad sa upuan namin nang makuha namin ang prize namin for being the winner.

My kids actively participated in every game. Hindi ata mauubusan ng energy 'tong dalawang 'to.

"Ok, kids and parents. We will continue the activities later. We will give you a one hour break to eat your lunch. You can go now inside the sports center. Naroon po nakalatag ang boodle fight natin. Enjoy eating!" Sabi ng emcee at lahat kami ay pumunta na sa sports center beside the amphitheater.

They said that this is also part of the bonding of the families today.

Pumwesto kaming apat sa isang banda nang magkakatabi.

"Sanay ako rito." Pangunguna ni Jesse. I can see that when we started eating. Their family is the richest in the province pero kilala rin sila bilang mapagkumbabang pamilya. The Adrianos are a down to Earth family. Ang mga anak ay sa public school nag-aral ng high school kung kaya't naging kaklase ko si Jesse.

We enjoyed the boodle fight. Minsan ay sinusubuan ako ng mga anak ko gamit ang kanilang maliliit na kamay at malugod ko iyong tinatanggap. Dinadagdagan din ng aking prinsesa ang space ni Jesse ng pagkain at masayang kinakain din naman nya ito. We were like that hanggang sa matapos at maubos na namin ang pagkain.

"Grabe, mommy. Busog na busog ang prinsesa!" Tudyo ni Van sa kapatid niya habang nakasandal sa kaniya si Leigh na himas himas ang kanyang tyan.

"Kuya naman eh! Ang sarap kasi." we all laugh at her reply.

Pinagpahinga lang kami sandali dahil kakakain nga lang namin at nagpatuloy na ulit ang mga activities.

"And for the last game, we will need the whole family to join. Ang walang kamatayang sack race!" Tawa ng emcee at nakitawa rin kami.

"Ayaw nyo sumali?" Tanong ko ng nakangiti, expecting them to join pero nanatili silang nakaupo.

"Whole raw po, mommy. Wala naman tayong daddy eh." Kibit balikat na saad ni Van na para bang normal lang 'yon.

Nawala ang ngiti ko.

"Kung gusto niyo, bossing will act as your father in the game. Sali tayo dali!" Nilingon ko si Jesse at nginitian ako.

"Talaga po, bossing?" Napatayo si Leigh nang tanungin niya 'yon.

"Oo naman. Malakas kayo sa akin eh. Lalo na ang mahal na prinsesa." Nag-bow pa siya na para bang isa siyang knight.

"Tara na! Tara na!" Ayan na naman si Leigh sa panghihila niya. Si Van ay hinihila niya para tumayo sa kaniyang kinauupuan. Nagpadala naman ang panganay ko dahil sa kakulitan ng bunso ko.

"Thank you." Hindi ko mapigilang sabihin kay Jesse. Ginulo niya lang ang buhok ko at tumango.

Sumali kami at nakaplace kami ng third place. My kids don't mind not being the champion and I can see happiness in their eyes.

The Billionaire's ChildrenWhere stories live. Discover now