Prologue

5 2 0
                                    

"Ayoko naaaaaaa!"

Napatingin sakin ang office mate ko kaya napatikom ako ng bibig. Umupo ako ng maayos at nginitian ito saka nagsorry dahil sa biglaang pagsigaw.

"Uy, ayos ka lang? ano namang sinisigaw sigaw mo dyan?" pabulong na tanong sakin ng kaibigan kong si Cristine. Tiningnan ko sya na parang naiiyak iyak na. "Wala eh, di parin ako tinatamaan ng inspiration. Baka nga di para sakin ang pagsusulat ng libro. Hanggang taga-publish nalang talaga ako ng libro ng mga authors na pinagpala sa pagsusulat"

Natawa naman ito at siniko ako. Sinamaan ko sya ng tingin. "Ano ba Cristine! Ang sakit kaya non!" Lalo naman itong tumawa.

"Wag mo na muna yang isipin. Baka bago ka pa tamaan ng inspirasyon eh alam na ng buong company ang pagiging bruhilda mo." Sabi nito tsaka bumalik sa desk nya.

Aba! Napakasamang kaibigan naman ang meron ako. Tawagin ba naman akong bruhilda. Pero tama nga sya. Baka sa sobrang init ng ulo ko dahil dito eh mabulgar na di naman pala ako isang mature at independent na adult ina-admire. Pinagtitingalaan pa naman ako dito. Tularan nyo please.

Napabuntong hininga nalang ako at sinara ang website kung saan ako nagsusulat. Lord, alam kong madami akong kasalanang ginagawa pero bat ganto naman ganti mo lord huhu

Napatigil naman ako sa page-emote nang may nag-notify sa cellphone ko.

Tiningnan ko muna ang paligid ko at nang makasigurado akong walang nakapaligid sakin ay tiningnan ko agad ang aking cellphone.

Na-excite naman ako bigla nang makita ang isang notification na kanina ko pang hinihintay. Binuksan ko ito at umayos ng upo.

Bumukas ang front page nito at narinig ko ang isang pangalan na palagi kong kinababaliwan.

"A3!"

Where Tangents MeetWhere stories live. Discover now