Act 3{Accident}

2 1 0
                                    

GENEVIEVE
"Ayos ka lang?" Tanong sakin ni Cristine. Umiling ako. "Mukha ba akong ok? Nakita mo ba tong eye bags sa mata ko?" Turo ko sa eye bags ko saka pinatong ang ulo ko sa lamesa ko.

Nagread through ako kagabi pagkatapos kong maglaro at napagtanto na meron palang mga errors kay inayos ko yung mga errors. Inabot din ako ng ilang oras kasi kada ayos ko, may bago nanamang nadadagdagan. May galit ata sakin ang laptop ko.

"Diba kasi, sabi ko sayo, magpahinga ka din konti. Wala namang sinabi si sir na ngayon mo na agad ipasa eh." Umiling ulit ako. "Gusto ko kasi, wala na akong ibang iintindihin mamaya kundi ang A3. Nakakapagod ding magmultitask noh."

Napabuntong hininga nalang si Cristine at sinabihan ako na bahala na daw ako at saka pumunta sa desk nya. Nag read through nalang ulit ako para sigurado na wala talagang mali na sa pagtype ko.

                                            *****

Ninenerbyos na tiningnan ko si sir Lane habang binabasa nya ang manuscript. Nilagay nya ito sa lamesa nya at tiningnan ako.

Napalunok ako. Wag mong sabihing ipapaulit nanaman nya yan kasi may nakita nanaman syang isang maliit na mali. Tiningnan nya muna ako ng matagal.

Konti nalang talaga, pagkakamalan ko nang may crush sakin ang boss namin. Ano ba yan. Sabihin nalang kaya nya agad? Di yung tinititigan pa nya ako.

Hinubad nya ang ano nya.. Yung ano. Charot, hinubad nya yung glasses nya at nagsalita. "Good job. Akala ko magkakamali ka nanaman. May hinanda pa naman akong ipapagawa sayo kung nagkamali ka nanaman."

Napanganga ako sa sinabi nya. Hala ano daw? Ang laki ata ng galit sakin ni sir ah? Pinatay ko siguro sya sa past life namin. "Pwede ka nang lumabas. And your mouth, kindly close it. Baka may pumasok na langaw."

*****

"HAHAHAHA! Seryoso? Sinabi nya yon? Ibang klase!" Napahawak si Cristine sa tiyan nya at tumawa ng malakas. Naku, Cristine. Sana marealize mo na pinagtitinginan ka na.

"Huy, ano ba. Ayusin mo nga sarili mo. Ang daming tumitingin!" Napatigil si Cristine at pinunasan ang namumuong luha sa mata nya sa kakatawa. Inayos nya ang upo nya at tumawa ng mahina. "Pero seryoso, ano bang ginawa mo kay sir para pahirapan ka niya ng dahil lang sa isang typo?"

Nagkibit balikat lang ako at kumain ng sandwich. Napahawak sa bibig si Cristine at gulat na tumingin sakin. "Hala, baka may gusto si sir sayo tapos para maging close kayo eh magmamaldito sya sayo!"

Sinamaan ko sya ng tingin. "Ano toh, koreanovela? Ewan ko sayo." Sumimangot ito. "Sabagay, kahit naman magkagusto sayo si sir, wala naman syang pagasa. Eh baliw na baliw ka sa Chikage mong yan."

Ako naman ang tumawa. "Buti alam mo!" She rolled her eyes. "Di naman totoo." Hay, yung nga lang. Di totoo. Kung totoo lang yung trip to another world na yan edi sana nagpasagasa na ako sa truck sa una palang. Pero hindi eh!

"Oh! Ano yang mukha mong yan? Papasagasa ka noh? Tara dali, akong sasagasa sayo. Tingnan natin kung makikita mo ba yang Chikage mong yan o hello satanas ka agad." Sinamaan ko nanaman sya ng tingin.

May lumapit na group of juniors sa department namin. "Hello po, ate Cris, ate Gen." Bumati din kami at tinanong kung ano ang kailangan nila. "Ah, meron po sanang gathering mamaya sa department natin. Itatanong lang po namin if sasama po kayo?"

Ngumiti ako. "Naku, sorry. Busy ako eh---" Siniko ako ni Cristine at sya naman ang ngumiti sa kanila. "Sure. Sasama kami ni Genevieve. Diba Gen?" Cristine glared at me.

Bumuntong hininga ako at ngumiti ulit. "Sige. Pupunta kami. Saan ba?"

*****
"Ano ba yang nginunguso nguso mo dyan? Diba maganda nga na sumama ka sa gatherings nyo para may makilala ka namang ibang tao. Di yung si Cristine lang palagi mong kausap!" Sabi ni ate Annaliese habang inaayusan ang buhok ko.

Where Tangents MeetWhere stories live. Discover now