Act 6{Girls Like You}

1 0 0
                                    

GENEVIEVE
"Anong kalimitang ginagawa nyo tuwing nagprapractice kayo nang wala pang script Omi?" Tanong ko kay Omi habang tinutulungan ko syang maghanda ng tanghalian.

May morning practice sina Izumi at ang Natsugumi. Kaya tumulong nalang ako kay Omi na magprepare ng pagkain. Nakakahiya naman kung wala akong gagawin. May hiya din naman ako noh.

"Ah, mostly, nagprapractice kami magimprov. Minsan naman etudes ang ginagawa namin." Tumango ako. "Bukas, kami ang may morning practice. Gusto mo sumama?" Tanong nya sakin habang nakangiti.

Gulat na tiningnan ko naman sya. "Ha? Ok lang? Baka hindi ako payagan ni Izumi eh." Sabi ko naman.

Umiling sya. "Sigurado naman akong papayag sya. Assistant Director ka naman eh." Tumango ulit ako tsaka sya nginitian. "Sige, tatanungin ko nalang sya mamaya. Excited na ako." Tumawa kami pareho.

*****
"Waaah! Beef Curry!" Excited na sabi ni Izumi nang makalabas sila ng practice room. "Si Genevieve ang gumawa." Nakangiting sabi ni Omi.

Nahihiyang tumawa naman ako. "Hindi ako ganon kagaling magluto pero sana magustohan nyo." Sabi ko naman.

"Great, curry again for today." Sabi ni Yuki pagupo nya sa upuan. "Ano ba Yuki! Maganda nga yun! Iba naman na type ng curry ngayon eh."

"It's still curry though.." Sagot naman nya. Nagsimula na silang kumain. Umupo na din kami ni Omi sa bakanteng upuan para kumain.

"Hm!" Pumalakpak si Izumi. "Ang sarap!" Sigaw nya tsaka nagthumbs up sakin. Tumawa naman ako tsaka nagthank you sa kanya. "Waah, meron na tayong another great cooker ng curry! No cap!" Sabi naman ni Kazunari.

Tumango silang lahat. Enebe charot. "Gen~ Anong paborito mong shape? Ako triangle~" Sabi ni Misumi habang nagform sya ng triangle gamit ang kamay nya. Ang cute!

"Ha? Bakit mo naman tatanungin si Genevieve kung ano ang gusto nyang shape?" Tanong naman sa kanya ni Tenma. Tumawa ako. "Ok lang, paborito ko din ang triangle." Nakita kong nagningning ang mga mata ni Misumi.

Ang cute ng batang toh.

"Talaga? Let's search for triangles together with Kumon then! Diba Kumon?" Tumango si Kumon. "Tapos maglaro din tayo ng catch pagkatapos!"

"Nagbabasa ka ng manga ate Gen?" Tumango ako. "Talaga? Nabasa mo na ba yung--"

Nagsimulang magkwento si Muku about sa mga nabasa nyang mga manga. Yung iba nabasa ko na, meron din namang mga hindi ko pa nababasa. Madami syang nirecommend na manga na pwede kong basahin.

Alam ko na toh, kasi kitang kita naman sa A3 ang pagkachaotic ng Natsugumi pero ang saya din pala ng pagkachaotic nila. Maingay pero masaya.

Pinagusapan din namin yung pagiging professional actor ni tenma. Puro bara naman itong si Yuki kay Tenma. Napakashow off daw nya, wala naman daw may paki sa pagiging pro actor nya sa tv.

"Meron kaya! Si Genevieve!" Turo nya sakin. Napatigil ako sa pagnguya. "Ha? Ah, oo haha" Nadamay pa tuloy ako!

Tumawa si Izumi. "Sorry Gen ha. Ganyan sila basta may bago silang nakikilala." Umiling ako. "Hindi! Ok lang, masaya nga eh. Doon kasi sa bahay, madalas akong magisa. Dalawa lang kami sa bahay ng ate ko. Minsan lang sya nakakauwi dahil sa trabaho nya."

"Magisa ka lang?" Tanong naman ni Omi. Tumango ako. Natahimik silang lahat. May masama ba akong nasabi? Di ko ba dapat yun sinabi?

"Ah, natahimik ata kayo." Sabi ko sabay tawa. "Palagi ko naman kasama yung kaibigan ko. Tsaka umuuwi din naman yung ate ko. Kaya hindi ako entirely na magisa." Napakamot ako sa ulo ko.

Where Tangents MeetWhere stories live. Discover now