Act 8{I Believe You}

1 0 0
                                    

Author's Note!
Still has some KniRoun spoilers here!

GENEVIEVE
Practice has started sa Harugumi. Kasali din ako sa practice nila as assist kay Izumi. Malamang, yun nga role ko diba? May alam din naman akong kaunti sa acting.

Yesterday, nagmeeting ulit sila Izumi at yung incharge pati narin yung director ng game. Kasama din doon sina Tsuzuru, Yuki at Azami.

Itaru is discussing about the characters. It seems na dedicated talaga sya sa play na ito. Sino ba naman ang hindi. Eh kung ako i-act ko ang paborito kong character sa paborito kong game eh I will do my best rin noh.

"......Well, for the time being, that's about it, I guess." Pagkatapos ng pagkahaba haba nyang leksyon about sa game eh umupo na sya. "That wasn't one thing at all." Bulong ni Tsuzuru.

He really likes KniRoun huh?

"Natapos mo na yung game director?" Tanong ni Itaru kay Izumi. Umiling sya. "Nasa final dungeon na ako. Ang lakas nung middle boss eh."

Tumango sya at bumaling sakin. "It might be easier if you learn the final fire spell."

"Ikaw Gen?" Tumango din ako. "Kakatapos ko lang kagabi." Tumango ulit sya. "As expected. GJ." Tumango lang ulit ako at nginitian sya.

Wag mo muna ako idistract Itaru pleasee! Pinapakilig mo naman ako kahit kinakausap mo lang ako eh. Nagsusulat pa ako dito! Nagtake notes ako sa sinabi ni Itaru para kung sakaling may makalimot eh makatulong naman ako.

Na-clear na din ni Chikage ang IV. Madali lang daw eh dun nga ako nahirapan. Lies!

"Ehh~? It takes time." Sabi naman ni Izumi. Nagkibit balikat si Chikage. "Clumsy ka lang kamo." Sabi naman ni Chikage. "How mean!"

Ship ko naman sila eh kaso may isang parte sa puso ko ang kumikirot. Char, ang drama mo Gen!

                                            *****

"ngh, break!" Sigaw ni Itaru at umupo sa sahig. Lumapit ako at inabutan sya ng tubig. "Ayos ka lang boss?" Tanong ko. Kinuha nya ang tubig at uminom.

"Oo, boss. Masyadong madami lang sword fighting." Teka naki-boss din sya. I can now rest in peace. Close na ba kami? Charot.

"Gawain has a fair amount too." Sabat naman ni Chikage habang umiinom din ng tubig. "Wag mo akong idamay sa cheat athletic ability mo."

"Hmm, how about we ask Autumn Troupe for advice?" Suhestyon ni Izumi. "Sounds good! Basta action, it's autumn troupe!" Sabi naman ni Citron.

They do need advice pero napakaunfit ni Itaru. "How about you guys put together an exercise menu to follow too while you're at it? Lalo na at meron kayong tulad nito na ang unfit." Turo ko kay Itaru.

"Walang ganyanan." Sabi nya at tinaboy ang kamay ko na nakaturo sa kanya. Tumango si Sakuya. "That's a good idea! We can all run with Tasuku before morning practice!"

Nag-agree silang lahat and surprisingly, pati si Itaru eh go din.

                                            *****

Lumabas ako sa terrace ng dorm. Maganda pala talaga dito. Baka magkaroon ako ng inspiration dito. Sumandal ako sa railings at kinuha ang phone ko. Baka pwede nang mabuksan ang app ngayon, nasa game kaya ako? Ang ganda nun kung nasa game nga ako.

Pinindot ko ang game pero ayaw padin talaga nito magbukas. Aba, anong problema nito? Wala namang sinabi na under maintenance ang game eh. So anong problema? Dahil ba nandito ako?

"Ano yan?" Napasigaw ako at muntik nang mabitawan ang phone ko. Tumingin ako sa likod ko at nakita si Itaru na may hawak na chichirya. Anong ginagawa nya dito? Diba dapat naggagaming sya ngayon sa kwarto nya?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. " Kumuha ako ng makakain. Ikaw, anong ginagawa mo dito? Ano yang pinipindot pindot mo sa phone mo?"

Tinago ko ang phone ko sa likod. "Wala, email lang yun." Tumango sya. "Ah ok.." Tumalikod sya at akmang aalis na nang bigla nyang inabot ang phone ko sa likod ko.

"Gotcha!" Sabi nya tsaka taas sa phone ko. HALA! BAWAL! LOCKSCREEN KO SI CHIKAGE!!!

"WAH! Teka waggg!" Sigaw ko habang inaabot ang phone ko. Binuksan nya ito. Buti nalang hindi nya masyadong nakita ang lockscreen ko dahil pilit ko inaabot ang phone.

"Game? A3? Bago ba toh? Bakit hindi ko toh alam?" Bakit lahat ba alam mo? Ah oo nga pala. Pero kahit na! Ikaw ang character sa game na yan eh syempre hindi mo alam!

"Si Sakuya ba yan?" Napatigil ako nang sinabi nya yun. Si Sakuya nga pala ang icon ng game! Kinuha ko agad ito nang mapansin kong natigilan din sya.

"Hindi noh! Kamukha lang nya.." Dahilan ko. Alam kong hindi sya maniniwala but it's worth a shot din. "Hindi eh, parang si Sakuya talaga yun eh." He crossed his arms. "Explanation?"

Bumuntong hininga ako. Sige, ganito nalang. Sasabihin ko ang totoo, aakalain nyang hindi yon totoo tapos hindi na nya ako gugulohin kasi iisipin nyang wierdo ako.

"Sasabihin ko sayo, pero don't expect na maniniwala ka sa sasabihin ko." He tilted his head. Cutely. Waaahh, bat naman nya ginagawa yan? Ang cute kaya!

"So, magsisinungaling ka?" Umiling ako. "Hindi noh, totoo tong sasabihin ko." Tumango sya. "Sige go."

"So... Hindi ako taga dito na mundo." Tinaasan nya ako ng kilay. "Tapos, mga characters kayo sa game."

Tumango tango sya. "Wala kang sasabihin?"

"I believe you." Nanlaki ang mga mata ko. Huh? Akala ko iisipin nyang nakahithit ako ng shabu, eh mukhang sya naman ang nakahithit ng shabu saming dalawa eh.

"Seryoso?" Tumango sya. "So, you're from another world right?" Tumango ako. "Ang cool, So what's your world like?" Nagkabit balikat ako. "Parehas lang? Ang pinagkaiba eh hindi kayo nageexist." Napatakip agad ako sa bibig ko.

Tumango ulit sya. "I see.. So i'm only fictional huh?" Napasimangot ako. Yes, fictional ka lang! Nakakainis!:(

"Teka teka teka. Bakit ka nga pala naniniwala?" Tanong ko sa kanya. "Not exactly na naniniwala ako. Pero given na bigla ka nalang nagappear dito eh kapanipaniwala naman sya konti. Plus yung mga pangyayari pa dito is not exactly normal so.."

Tumango ako. "Besides, friends believe each other. Am I right? Boss?" Wha-- Boss? "May tawagan na nga tayo, diba boss?" Inakbayan nya ako at tsaka ako nginitian.

"Anong boss boss ka dyan? Normal lang yang tawagan na yan dun samin!" Sabi ko sabay tulak sa kanya palayo. Mahirap na baka atakihin ako sa sobrang kilig.

"Ganon ba? Pwes, hindi ganon ka normal dito samin. Pano ba yan?" Inakbayan nya ulit ako tsaka ako hinila paalis sa terrace. "Tara boss, pagusapan natin ang mga ginagawa nyo doon sa mundo nyo."

Napabuntong hininga nalang ako. Balak ata akong patayin ni Itaru.

                                           *****

"Tell me about the game." Sabi nya habang nakahiga sa kabilang sofa habang ako naman ay nakaupo lang. "Well, it's mainly about Mankai." Tumango sya. "Otome game?" Umiling ako. "Hindi noh, joseimuke game sya."

"Huh, so alam mo na na KniRoun ang next play namin bago pa napagdesisyunan ang next play?" Tumango ako. "Hmm, since it's your fave. game, you must have a fave. chara too?"

Umiwas ako ng tingin. "Wala noh, gusto ko naman lahat ng chara sa A3."

Tumango ulit sya. "Ah, akala ko sasabihin mo, Chigasaki Itaru." I mean, hindi naman sya mali eh.

Ano nanaman ba tong napasok ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Where Tangents MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon