Act 2{He Who Doesn't Exist}

2 1 0
                                    

GENEVIEVE
Nakakainis naman. Dagdag trabaho na nga ako, under maintainance pa ang A3. Kung minamalas nga naman. Pero ok na rin para di ako madistract habang ginagawa ang trabaho ko. Kahit tamad ako di ko din naman gustong mawalan ng trabaho dahil lang dito. Sungit sungit pa naman ng boss namin akala mo nagmenopause.

Tumunog ang cellphone ko kaya dali dali ko itong tiningnan. Napasimangot naman ako nang makitang hindi ito notification sa A3 pero agad din napangiti nang makita ang message ng napakabait kong bestfriend.

 Napasimangot naman ako nang makitang hindi ito notification sa A3 pero agad din napangiti nang makita ang message ng napakabait kong bestfriend

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinilig naman ako don. Sanaol ganyan ang bestfriend diba. Ginagahan na tuloy ako tapusin ang trabaho ko. Bait talaga ng bestfriend kong toh! Pag talaga nakilala ko in person si Chikage, babawi ako sa kanya. Bibigyan ko sya ng 1 million. Char.

Nagunat ako at saka sinuot ang glasses ko na anti-radiation para di lumabo mata ko.

"Let's Goooo!"

*****

Tinigil ko ang pagtype ko nang may narinig akong kumatok sa pinto ko. "Pasok!"

Pumasok si ate Annaliese na may dalang pagkain. Nagningning naman ang mata ko nang makita ito. "Yown oh, sakto gutom na gutom na ako. Salamat ate!"

"Tapos na ba yan? Kanina ka pa dyan sa laptop mo eh." Tumango ako at saka kuha sa pagkain na inabot sakin ni ate. "Konti nalang, patapos na. Bakit ate?"

"Yung utang mo, di mo pa nababayaran." Nabilaukan naman ako sa narinig ko. Ay oo nga pala, yung utang. "Di pa ako nakakawithdraw ate. Mamaya promise!" Nginitian ko sya kaya napahawak nalang ito sa noo.

"Sige, tapusin mo na yan para makapagpahinga ka na." Tumango ako saka sya lumabas ng kwarto ko. Tiningnan ko naman kung pwede na ba ulit laruin ang A3. Tapos na ang event nito kaya nagupdate nanaman ang game.

"Yown, Nakuha ko ang card ni Masumi! Pati na rin yung cards nina Hisoka at Sakuya." Kahit kapalit non ay 300 gems huhu

Tiningnan ko yung mga cards ni Chikage. I sighed. Bakit naman ang gwapo? He's too good to be true.. Ay teka, di nga pala sya totoo. Kaya pala mukhang perfect na nga sya.

Out of all of them, nagustohan ko talaga ang backstory ni Chikage. Isa syang secret agent na nag bagong buhay at naging actor. Napakamysterious nyang tao. Hindi naman sa masungit sya, madami lang talagang sikreto na tinatago.

Mabait naman sya eh. Magalang pa at matulungin. Ewan ko nga lang kung sinong demonyo ang sumapi sa kanya nung muntik na nyang kidnapin ako--este yung director nila habang buhay. Na role ng mga naglalaro ng A3!.

Minsan nga nakakakilig pa sya. Napaka-tease pa. Ay ewan, basta nung una kong nakita yung preview ng game about sa kanya, na love at first sight agad ako.

Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko noon pero natry ko nang humanap ng lalaking katulad ni A3. Yun nga lang, wala eh. Sino ba namang matinong tao na magiging secret agent habang nagtratrabaho sa isang publishing company? Ewan, sino kaya?

Nilapag ko muna sa table ko ang cellphone ko tsaka kinuha ang laptop ko at tinuloy ang ginagawa ko.

*****

"Ate, labas muna ako! Magwiwithdraw lang!" Sigaw ko habang sinusuot ang sapatos ko. "Sige, ingat ka!"

Naglakad ako papunta sa convenience store na kay layo layo sa bahay namin, ano ba yang convenience store na yan. Napaka-inconvenient. Charot, ako pa talaga ang nagrereklamo.

Nakakatakot talaga dito sa eskinitang toh ang faming nagiinuman, di kagaya sa korea o japan o sa ibang bansa pa yan. Nakakapagemote pa yung mga tao, wala kasi ibang tao na tumatambay sa labas.

Kung magemote kaya ako dito? Wag nalang, baka mapadala pa ako sa mental hospital. Pumasok ako ng convenience store at binati agad ako ng guard don.

Ngitian ko naman sya at dumeretso dun sa withdrawhan. 1k lang naman ang babayaran ko kay ate pero dagdagan nalang natin ng 2k pa. bibili kasi ako ng perfume na kaamoy daw ni Chikage. Ganda talaga basta bagong sweldo.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng store. Di muna ako bibili ng pagkain. Mahal din yung perfume eh. Pero ang bango nung siopao eh! Napatigil ako para magisip isip bago gumawa ng desisyon! At yun ay!!

*****

Nagpatalo nanaman ako sa katakawan ko. Napabuntong hininga nalang ako. Bahala na. Sulit naman.

Pagkauwi ko ay binayaran ko agad si ate Annaliese at dumeretso agad sa kwarto ko para maglaro. Tanging swerte lang ata sakin ngayon ay nakuha ko yung SSR card ni Chikage.

Excited na binuksan ko naman ang backstory ng SSR card nyang yun. Ang gwapo pa naman nya dun, kita ang noo, nakasmile pa. Ay nakakatunaw.

"If you really like it, how about eating it every morning?"

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa yun. Enebe Chikage, pinapaasa mo naman ako eh!!

"Just kidding."

Napasimangot naman ako. Anong kidding kidding, di ako nakikipagbiruan! Pakasalan kita dyan eh. Charot lang. Kung nageexist ka lang talaga eh papakasalan talaga kita agad agad. Kahit ayaw mo, wala ka talagang magagawa.

Where Tangents MeetWhere stories live. Discover now