Act 4{New Assistant Director}

5 1 3
                                    

GENEVIEVE
Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"Ulap?" Hala, patay na ba ako? Nasa heaven na ako! Bakit naman ganyan! Gusto ko lang naman isave yung bata eh!

Tumingin ako sa baba at nakakita ng mga buildings at mga bahay. Hala, full view pala dito eh. Teka, bakit parang feeling ko unti unti akong bumababa?

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong mafeel na mahuhulog ako. "TEKA ANO TOHHHHHHHHHH?!!!" Sigaw ko habang mabilis akong nahulog galing langit.

"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!" Pinikit ko ang mga mata ko nang makitang malapit na ako sa lupa. Mamatay ba ulit ako? Huhu, bakit naman dalawang beses ako mamamatay?

Binuksan ko ulit ang mata ko at may nakita akong isang lalake na gulat na gulat na nakatingin sakin bago tuluyan ko syang madaganan.

"Aray ko. Jusko. Nabalian na ata ako ng buto." Sabi ko sabay himas sa likod ko. Himala di ako namatay sa taas ng hinulugan ko, kaso mukhang may nabali ata.

May narinig akong umaray din sa tabi ko kaya agad konv tiningnan yung lalake. Baka nasaktan din sya. Aba sino ba naman ang hindi masasaktan kung may nahulog na tao sayo. And by nahulog, as in literal na nahulog sayo.

"Naku, kuya. Ok ka lang? Sorry!" Hinarap ko sya at napatigil tsaka napanganga. Tama ba tong nakikita ko? I gasped at tumuro sa kanya. "Hala, sino ka? Totoo ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Inayos nya ang kanyang salamin at tiningnan na parang naweweirduhan sya sakin. Oo na, alam kong weird ako pero kasi!

Tumingin sya sa taas at tinanong ako kung saang puno daw ako nanggaling. Tumingin ako sa paligid at tumawa. "Wala namang puno dito eh." Napakamot ako sa batok.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Yun na nga. So, saan ka nanggaling?" Nginitian ko sya at tumuro sa taas. "Doon?" Kumunot ang noo nito tsaka tumayo. "Sinong totoong tao ang mahuhulog galing langit?"

Tumawa ulit ako. "Ako?" Lumakad ito palayo kaya agad agad ko syang tinawag. "Teka! Chikage!" Napatigil ito at gulat na tumingin sakin. Nilapitan nya ako at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

"Aray naman! Masakit!" Inalis ko yung hawak nya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Nagkibit balikat ako. "Sa mundo kasi namin, madaming nakakakilala sayo. Kasali na ako dun."

"You mean, sa langit?" Umiling ako. "Hindi! Di naman ako taga langit eh! Mukha ba akong patay?" Ay, come to think of it, patay na nga pala ako. Patay na nabuhay ulit. Ay ewan ko.

"Anong ibig sabihin mo sa mundo nyo?" Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko. "Wag na nga lang. Hindi mo din naman maiintindihan." Nginitian ko sya ulit. Tumayo na ulit ito at sinamaan ako ng tingin.

Naglakad na ulit ito palayo kaya hinabol ko ito. "Teka lang! Ano.. Haha, may alam ka bang pwede kong matirahan dito?" Tumigil ito sa paglalakad. "You're homeless?" Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Hala hindi noh! May bahay ako! Kaso nga lang, nadoon sa mundo ko, wala akong bahay dito. Hindi naman kasi ako taga dito eh." Kumunot nanaman ang noo nito. "Anong gusto mong gawin ko?"

Napangiwi ako. Ano ba yan. Ang slow mo Chikage. Akala ko pa naman matalino ka. "Kung may alam ka po bang pwede ko kako matirahan?" Umiling ito at naglakad na ulit paalis.

"Sungit!" Sigaw ko sa kanya bago sumunod ulit. "Sa bahay mo nalang kaya?" Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Sinamaan nya ulit ako ng tingin. "No. Leave me alone." Sinimangutan ko sya.

"Wala nga akong matitirahan eh! Ang sama mo naman! Malapit na kayang maggabi oh! Paano kung may mangyari sakin?" Tumigil ulit ito sa paglalakad.

"First, I don't know you. And second, I don't care. Third, I don't like girls." Kumunot noo ko. "Ah, so bakla ka? Di ko alam na bakla ka pala."

"Ano? I'm not gay." Tumawa ulit ako. "Joke lang naman eh!" Tinuro ko ang sarili. "Di mo ba alam na guardian angel mo ako? Nanggaling ako doon, para iguard ka dito!"

"Guardian Angel? Di ka naman mukhang anghel." Nawala ang ngiti ko at tsaka napangiwi. "Ah ganon? Hindi mukhang anghel. Ang sama ng ugali mo!" Naglakad na ako palayo.

"Hey! Diba sabi mo wala kang matitirahan? Where are you going??" Sigaw nya. Tiningnan ko sya at ako naman ang tumingin sa kanya ng masama. "Wala na akong gana! Ang sama mo! Maghanap ka ng bagong guardian angel!!"

*****

Aware ako na di gusto ni Chikage sa mga babae pero di naman ako aware na nag menopausal pala yung tao. Inis na sinipa ko yung bato. Imbis na masaya na sana ako dahil nakita ko na in person ang favorite fictional character ko, nawala na tuloy ako sa mood.

This feels so unreal though. Bakit sya nandito? Nananaginip lang ba ako? O patay na talaga ako? Imposible namang totoo sya dahil fictional character lang naman sya eh. Ah teka! Kinapkap ko ang bulsa ko para icheck kung nandito ba ang cellphone ko.

Naexcite ako nang mahawakan ko ang cellphone ko at nilabas ito agad. Tiningnan ko yung app ng A3 at binuksan ito.

"Huh? Bakit ayaw bumukas?" Nandoon parin naman yung app pero di ko sya mabuksan. Napatigil ako sa paglalakad at pinindot ulit ang app.

"Aray!" Nabitawan ko ang cellphone ko dahil may nakabungo sa likod ko. Napatingin ako sa likod ko at may nakita akong isnag magandang babae. Hala, ang ganda nya. Pero parang familiar din..

Tinulungan ko syang tumayo. "Ah, thank you!" Ngumiti sya sa akin. Hala ang ganda talaga nya! Para' syang goddess! Nakakainggit! Ngumiti din ako sa kanya. "Ok ka lang po ba?" Tumango sya.

"Opo, ok lang ako. Ikaw ba?" Tumango din ako. "Ako nga pala si Izumi. Ikaw?" Nanlaki ang mata ko. "Izumi... TACHIBANA IZUMI?"

Tumango sya. "Ah, kilala mo po ba ako?" Sinong hindi?? Eh ikaw ang director ng mankai eh! Ahhh! Kaya pala familiar sya! "Ah! Opo, haha. Director ka po ng Mankai Company diba?" Tumawa sya.

"Ah, oo haha. Fan ka?" Umiling ako agad. "Hindi naman po sa fan uhm... Yung friend ko po ang fan! Ah, ako nga pala si Genevieve!" Tumawa ako. Tumango sya. "Sige, una na ako ha? Ingat sa paguwi!"

Maglalakad na sana sya pauwi nang pigilan ko sya. Teka kung nageexist sina Chikage at Izumi, edi pati na din yung iba nageexist na din!

"Uhm, meron ka po bang alam na place na pwede ko pong tirahan?" Nahihiyang nginitian ko sya.

*****

"I'm back!" Sigaw ni Izumi nang makapasok kami sa bahay nila. Tiningnan ko ng maigi ang buong bahay nila. Mas maganda pala in real life ang bahay nila. Ang laki din!

"Director! Welcome back!" Sigaw ng isang lalake na sa palagay ko ay si Sakuya? Naku, ang cute nya in person! Ang sarap pisilin ng pisngi nya!!

"Director, nadito ka na pala. Pagusapan na ulit natin kung kelan ang kasal natin." Si Masumi yan noh? Ay ang gwapo pala talaga ng batang toh, bakit di mo nalang pakasalan Izumi eh gwapo naman yung bata, loyal pa.

Ah, oo nga pala. Bata.

"Masumi. Walang kasal na mangyayari dito. Bumalik ka na nga dun sa kusina!" Si Tsuzuru ba yan? Hala, ang tangkad, nahiya ang height ko. Ang gwapo din! Grabe, pwede na akong mahimatay sa tuwa.

"Welcome home, director." Sabi naman ni Tsuzuru kay Izumi tsaka sya nginitian. Agad naman syang napatingin sa direksyon ko. Pati si Sakuya napatingin din.

"Director, sino sya?" Turo sakin ni Tsuzuru. Hala, kung makaturo! Inakabayan ako ni Izumi at tsaka sya ngumiti. "Guys, meet Genevieve. Uh, ano nga ulit ang apelyido mo?"

"Easton po." Napatango naman ito. "Genevieve Easton! Our Assistant Director." Nanlaki ang mga mata ko. Tiningnan ko sya. "PO?"

Hala, makikitira lang sana ako. Bakit naman ako naging assistant director?

Where Tangents MeetWhere stories live. Discover now