Chapter 17

17 2 0
                                    




Chapter 17

Lloyd's POV

Ilang araw ko sinundan si Kate. Hinalungkat ko lahat ng records niya sa school at isa lang ang lumalabas. She was supposed to transfer from another school, two years ago pero hindi siya natuloy. Hindi ko alam kung bakit pero hula ko may kinalaman ito sa mga nangyayari.

Yung namatay na si Isabela, malakas ang kutob ko na siya ang gumawa 'nun dahil tinawagan kaagad ako ni Manong Wawi nung nakita niya ang balita at sinabing 'iyun ang babaeng nagpunta sa bahay nila at sinabing kukunin niya daw ang sasakyan.

Nakita ko siya na galing sa bahay nila Tito Zac. Hindi siya sumabay kila Cindy at Vin. Nagtungo siya sa kanto at doon nag-abang ng masasakyan.

Pinagmamasdan ko lang siya mula sa malayo. Hindi ko alam kung anong balak niya.

Ilang saglit lang ay nakita ko na may dumating na isang sasakyan. Ang sa tingin ko ay isa itong Grab car. Sasakay n asana siya pero may kinausap siya bigla sa telepono. May sinabi siya sa driver tapos umalis na ang sasakyan na dapat ay sasakyan niya.

Napakunot noo ako.

Bakit hindi siya sumakay?

Ilang minute din siyang nakatayo roon bago dumating ang isang motor.

"Angkas?" Napakunot noo ako lalo dahil hindi siya nag sasakyan at mas pinili niya mag motor.

Knowing Kate, she will never ride a motor. Except kung emergency o nagmamadali siya.

Sinundan ko kaagad ang sinakyan niyang motor. Medjo nawala pa dahil mabilis makalusot ang motor sa trapiko pero nahabulan ko naman.

Bumaba siya sa lumang bahay nila Bella. Mas kinabahan ako dahil ang alam ko matagal ng walang tao doon dahil simula nang mamatay si Bella ay hindi na sila bumalik pa sa Piipinas.

Ilang minute akong nag hintay pero hindi na siya lumabas.

Binalak ko sanang silipin pero nag ring bigla ang telepono ko. Si Chloe ang tumatawag.

"Lloyd? Nasaan ka? Na-receive mo ba yung video?"

Napakunot noo ako, "Anong video?"

"I'll send it to you. We need to find, Cindy!"

Cindy? Ano nangyari kay Cindy?

Tinignan ko kaagad ang sinend sa akin ni Chloe at ang laking gulat ko ng makita ko na nakatali ang kamay at paa ni Cindy. May duct tape din ang bibig nito. Nasa isang madilim na kwarto siya.

Napatingin kaagad ako sa lumang bahay nila Kate.

Parang alam ko na kung nasaan si Cindy.

Tatawagan ko n asana sila Tito Zac nang may marinig akong malakas na pagputok mula sa lumang bahay nila Bella.


Cindy's POV

Nanginginig ako sa takot nang simulan ni Kate ang video. Gusto ko magsalita pero hindi ko magawa dahil naka duct tape na naman ang bibig ko. Mauubusan na rin yata ako ng dugo dahil sa mga sugat ko sa kamay dahil pilit ko pa rin itong inaalis.

"Vin, alisin mo na yung camera." Utos ni Kate kay Vin.

Umupo si Kate sa harapan ko at tinitigan ako, "Gusto mo ba malaman kung paano ko pinatay si Sir?"

Umiling pero sa takot. Nagpatuloy lang ang luha ko sa pag-agos.

Tumawa siya sa akin, "Ikukwento ko kahit na ayaw mo." Ngumiti siya sa akin. Gusto ko takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa dahil nakatali ako. Umiyak nalang ako.

"Pinlano ko kasi 'iyun. Si Vin ang naging hudyat ko para makapasok sa loob. Si Vin din ang tumulong sa akin para mag-isip si Sir na may tumatawag sa kanya, ilang gabi bago namin siya pinatay. Sinakto namin aalis si Jess at si Ken para wala talagang kasama si Sir sa opisina niya."

Natatawa si Kate para siyang nag kukwento ng pambatang istorya sa akin.

"Mabilis lang, isang lason lang na nagpatigil sa puso ni Sir ang ibinaon ko sa leeg niya. Mabilis lang din akong nakalabas sa banyo at doon ko nahulog ang injection na pinantusok ko. Kaya diba may nakita silang dugo pero hindi ako ganoon ka-inutil, of course, it's part of the plan. Hindi niyo lang alam kasi napaka-galing ko."

Muli siyang tumawa ng napaka-lakas.

"Kate, nasend ko na sa kanila ang video." Sabi ni Vin.

Ngumiti si Kate sa kanya. Mabilis itong bumunot ng baril mula sa likuran niya at pinaputok sa ulo ni Vin.

Nanginig ako sa takot at hindi ko alam ang gagawin ko. Natulala ako nang marinig ko ang pagbagsak ni Vin sa likuran ko.

"Isa ka pa..." Malamig na saad ni Kate nang lapitan niya si Vin. "You were useful before pero hindi na ngayon. I asked you kasi na wag gagalawin si Cindy pero napaka-kulit mo. But at the same time, it will be very convenient for you kasi hindi ka makukulong, Vin."

Ako? Bakit hindi niya ako gustong ipapatay? Bakit?

"Nung nawala si Bella, ikaw Cindy ang pumalit sa kanya." Naglakad pabalik sa harapan ko si Kate. Hawak niya sa madugo niyang kamay ang baril na ginamit niya sa pagpatay kay Vin.

"Okay lang sa akin na hindi kita patayin kasi ititnuturing mo akong kaibigan pero natatakot ka na sa akin. Hindi ba?" Tinignan niya ako at hinawi pa ang buhok na humaharang mula sa mukha ko.

Dahan-dahan niyang tinggal ang duct tape ko sa bibig, "Tama na, Kate! Huwag ka nang pumatay! Please!"

"Hindi na." Umiling siya ng paulit-ulit. "Napatay ko naman na si Sir. Okay na ako. Hinihintay ko nalang na iligtas ka ni Lloyd."

Napakunot noo ako, "Bakit si Lloyd?"

"He's outside. He keeps on following me for days. I guess he heard the gunshot. Alam ko na tatawagan na niya sila Tito Zac. Let's just wait."

Hindi ako makapaniwal sa naririnig ko mula kay Kate. Tinitigan ko lang siya habang nakatingin siya sa pintuan ng kwarto. Inilapag na niya rin ang baril at pinunasan ang mga dugo sa kamay niya.

She's just silently waiting for them to capture her. It was like, alam na niya makukulong lang din siya. And her plan to kill Sir Treaty has been successfully done.

"I'm sorry Kate," Tinignan ko siya pero hindi siya tumingin sa akin. "Hindi ka namin napansin na hindi ka okay. Hindi namin nahalata na may masama palang ginagawa sa'yo si Sir. Nung lilipat ka nang school, akala namin dahil lang sa pagiging spoiled brat mo kaya ka lilipat. We never even asked you if you're okay nung nawala si Bella. I'm so sorry."

"That's the problem, Cindy. Hindi na marunong makiramdam ang tao. Hindi na naiisip kung may nasasaktan sila. I don't mind anyway. Namanhid na lang din ako at nasanay. And besides, this will be the end of my story."

Narinig ko na ang boses nila Chloe mula sa labas. Pati ang mga yabag nila.

Ngumiti si Kate sa akin at sinabing, "I'm okay now."

Hindi ko na tinignan kung paano siya kinuha nila Tito Zac. Nablanko na ako habang tinutulungan akong tumayo nila Josh. Narinig ko nalang din ang sigaw nila Jess nang makita ang bangkay ni Vin sa likuran ko.

Natulala nalang ako dahil hindi ko lubos maisip na may kaibigan pala kaming kailangan ng tulong pero all this time, wala kaming alam. To the point na kailangan na niyang patayin si Sir para lang mawala ang nararamdaman niyang sakit.

Naiba sana ang takbo ng buhay ni Kate at ng ibang kaibigan namin, kung natutunan lang naming makiramdam.


END OF CHAPTER 17

The Mysterious Case of Mr. Treaty (Published Under TDP!)Where stories live. Discover now