Chapter 9

45 4 0
                                    

Lloyd's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lloyd's POV

"Isang guro ang natagpuang patay sa loob ng auditorium ng unibersidad na nasa aking likuran..."

Iniwas ko ang tingin ko sa mga media na nagkukumpulan sa labas ng school. Nabalitaan ko kay Vin na namatay na daw si Miss Sanchez. 'Ayun sa balita ay ito rin ang pumatay sa iba.

"Miss? Pwede ka ba naming mainterview? Teacher mo ba yung biktima?"

Napalingon ako sa isa 'pang media na nasa labas. Nakita ko si Kate ang pinupuntirya nila. Kaya kaagad akong lumabas at lumapit kay Kate.

"Tigilan niyo siya! Umalis na kayo!" Sigaw ko sa mga media. Niyakap ko si Kate at sinamahan papasok ng school.

Dinala ko siya sa may cafeteria at binilihan ko siya ng bottled water. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Kinuha niya ang bottled water at uminom ng kaonti, "With the media? I'm fine. Pero sa lahat ng nangyayari, no."

"Another innocent victim has been killed. Hanggang kelan ba?" Napahagulgol siya. Tinabihan ko siya at niyakap.

"Kate, Lloyd." Dumating bigla si Cindy habang nakakunot noo. Tumabi siya sa'amin, kaya napaayos ng upo si Kate at nagpunas ng luha.

"Those media!" Padabog niyang nilapag ang bag niya sa lamesa. "Kanina pa sila sa labas ng school. Halos naipit na ako dahil gusto nila makakuha ng scoop about Miss Sanchez's case. Yung isa pa nga, sinabi na baka daw gumaganti yung killer dahil kay Bella. Urgh!"

"What?" Napakunot noo ako sa narinig ko.

Humarap siya sa'amin bigla, "I have a strong feeling na one of us is the killer."

Napakunot noo si Kate, "What? Bakit mo naman naisip 'iyan?"

"Because look, the killer is targeting us. Our mentor, then the witnesses, Kenneth and Miss Sanchez. It looks like, the killer wants to hide the truth."

"Bakit naman tayo ang target ng killer? What's the motive?" Kate asks.

"IHindi ko alam." Sabi ni Cindy at tumingin ito sa amin ni Kate, "Wala na ba kamag-anak si Bella dito sa school?"

"Maliban kay Ken, wala na." Sabi ni Kate at napayuko ito.

"Lloyd, what do you think? Feeling ko talaga isa sa atin ang may gawa nito," Sabi ni Cindy. Nag kalumbaba siya sa may lamesa.

"Anong sa atin? Hindi nga ako kasama sa group niyo di'ba? Sinali ko lang sarili ko dahil--" Biglang nagsalita si Kate kaya napatigil ako

"Kung hindi ka kasali eh, bakit ka nandito? Siguro ikaw yung killer 'no?"

Bigla kaming nagulat ni Cindy. Sinamaan ako ng tingin ni Kate at dinuro.

"Hoy," Tinabig ko yung kamay niya. "Kaya ako sumali dahil pinakulong niyo ako di'ba? At isa pa, dahil sa group niyo namatay si..." Hindi ko na itinuloy dahil pinandilatan ako ni Cindy. Napatingin ako kay Kate at napaiwas ito.

The Mysterious Case of Mr. Treaty (Published Under TDP!)Where stories live. Discover now