Chapter 5

60 4 0
                                    

Cindy's POV

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

Cindy's POV

Isang balita na naman ang bumalot ng takot sa buong unibersidad. Si Kenneth natagpuang patay sa loob ng auditorium.

"S-sino ang may gawa nito. Hayop! Demonyo ang may gawa nito!" Sigaw ni Jess sa labas ng auditorium. Humagulgol kaming lahat na magkakaibigan habang inilalabas ang bangkay ni Ken.

Katulad ng kay Sir Treaty, basag ang bungo ni Kenneth at halos hindi na makilala dahil sa laki ng damage nito sa mukha niya.

Talagang hayup ang gumawa nito sa kanya!

"Tito...ibig sabihin...Hindi!" Narinig namin ang sigaw ni Joshua habang kausap si Tito Zac malapit sa lugar kung saan kinuha ang bangkay ni Kenneth.

Lumapit si Joshua sa aming umiiyak.

"What, Josh?" Umiiyak na tanong ni Chloe.

"Yung pumatay kay Sir, parehas lang ng pumatay kay Kenneth. Nakita sa autopsy kay Sir Treaty na may hiwa siyang lima. Same sizes sa may kanang bewang. Nakita nila Tito Zac na meron din si Kenneth."

"Ano? What the!" Napatakip nalang ng bibig si Kate.

"Anong hiwa? Like barcode?" Kumunot noo si Bry.

Tumango naman si Josh, "Oo, parang barcode."

"May suspect na ba? Yung CCTV sa gate? Or dito sa hallway?" Tanong ni Vin.

Umiling si kuya Joshua, "Wala pa silang results. In-examine pa daw. Hindi nila alam kung paanong nakalusot sa guard yung killer at si Kenneth. Sabi kasi ni Tito, based sa itsura dito siya p-pinatay." Naluha si Josh habang nagsasalita siya.

"Ibig sabihin buhay pa si Kenneth nung dinala ditto?" Sabi ko. Tumango naman si Joshua.

"At ibig sabihin lang din 'non kung nakalusot ang killer sa guard, ibig sabihin tiga dito din siya. It means, one of co-teachers ni Sir, or students, baka worker, or student lang din." Bryal added.

"This is too much! Why?" Umiyak paalis si Kate kaya hinabol namin siya. Pero nakita namin na nakasalubong niya si Lloyd at hinabol siya nito.

Kate's POV

"Kate? Kate!"

Tumakbo akong hingal na hingal papunta sa may likod ng school. Iyak ako ng iyak. Nilapitan ako ni Lloyd at niyakap niya ako.

"Kate, tama na."

"Why are they targeting us? Wala namang ginagawang masama si Kenneth! Kahit si Sir Treaty! Why do they kill innocent people?" Humagulgol ako sa harap ni Lloyd.

Galit na galit ako sa mga nangyayari! They don't deserve to die!

Umiling siya sa akin, "H-hindi ko alam."

Joshua's POV

Tatlong araw pagkatapos namatay si Ken ay nagsabi ako sa group chat namin na magkakaroon kami ng meeting sa bahay.

"I gathered all of you here today kasi gusto ko na matapos ito. We will do the investigation all over again. I think the killer is targeting us." I said to them.

Walang sumagot sa kanila. Lahat lang sila ay nakayuko lang at namumugto pa ang mata kaya nagpatuoy nalang ako.

"Kenneth called me the night before he died. He's asking for me na pumunta sa bahay nila pero hindi ako pumunta." I said.

I heard them sounded so confused. "Bakit hindi mo sinabi kaagad? At bakit hindi ka pumunta?" Tanong ni Bryal.

"Hindi ako pinayagan kasi anong oras na 'iyon. Halos madaling araw na. Alam niyo naman na mahigpit ang mommy ko."

"What if humihingi siya ng tulong sayo?" Nakataas na kilay na tanong sa akin ni Cindy

"He doesn't sound in danger. He said calmly na pumunta ako sa bahay nila. Sabi niya may sasabihin siya." Sagot ko at napatango naman siya.

"What if yung sasabihin niya is dahil nakilala na niya yung killer?" Sabi naman ni Jess

"I don't know." I said while massaging my nose bridge.

"Pero kahit pa!" Tumayo bigla si Kate, "Sana pinuntahan mo siya kahit saglit lang."

Pinilit ko kumalma kahit na alam ko na sa tono niya ay sinisisi niya ako sa nangyari, "Hindi talaga ako papayagan ng ganoong oras."

"Pero pag kay Chloe kahit magdamag, okay lang?"

Napakunot noo ako, "Ano?"

"Guys," Pumagitna na sa amin si Bry

"Bakit? Kung si Chloe siguro tumawag sa'yo nung gabing 'iyon, for sure pupuntahan mo siya kahit madaling araw pa at kahit na hindi ka payagan ng mommy mo!"

"Excuse me?" Tumayo bigla si Chloe at tinignan ng masama si Kate, "Anong gusto mo palabasin?"

Sasagot pa sana si Kate pero biglang nag ring ang phone ko kaya natigil sila sa pagtatalo.

"Hello Tito. Ano pong balita?"

"May nakitang pumasok sa bahay ng kaibigan mo sa cctv sa kanto nila. You need to see this now."

Kaagad kaming nagpunta sa opisina ni Tito Zac para alamin ang nakita sa cctv. Sa akin sumabay si Chloe. Si Kate at Chloe naman ay kay Vin. Si Jess ay kay Bryal.

May ilang mga tao na nasa information desk pag dating namin. Buti na lang at nakilala ako nang isa sa mga katrabaho ni Tito at pinapasok kaagad kami sa loob.

Kumatok muna ako sa pinto ng opisina ni Tito. Sumenyas naman kaagad siya na pumasok kami. Pinaupo niya kami at hinarap sa amin ang isang laptop.

"Tito, sino po ang nakita niyo sa cctv?" Tanong ko kaagad.

"Panoorin niyo."

Tapat ito ng bahay nila Ken. Wala naman kakaiba kung hindi nakabukas lang ang ilaw sa taas na kwarto. 'Iyon daw ang kwarto ni Ken. Pagkatapos ay nakita namin sa cctv around 2:30 ng umaga ay may sasakyan na huminto sa bahay nila Kenneth.

"Si Lloyd?" Napaatras kami ng makita namin si Lloyd sa cctv. Napatingin kami lahat kay Vin.

Finas-forward ni Tito ang video, "Sumakay si Kenneth sa kotse ni Lloyd. At pumunta sila sa university. Nakita yan sa cctv sa guard house."

"Oh my god! Si Lloyd ang killer?" Napatakip ng bibig si Kate.

"H-hindi kaya gumaganti siya dahil sa pagkamatay ni Bella?" Sabi ni Bryal.

"Possible." Sabi ko.

"Alam niyo ba kung nasaan siya?" Tanong sa'amin ni Tito Zac.

"Wait. I-call ko siya." Sabi ni Vin.

Ilang minuto ay bumalik siya. At sinabing hindi niya daw ma-contact si Lloyd. Sinabi naming tutulong kami sa paghahanap. Naghiwa-hiwalay kami. Bumalik kami ni Chloe at Bryal sa school. Si Kate, Vin at Cindy sa bahay naman nila Vin. Si Jess naman ay magpupunta daw muna sa bahay nila dahil kailangan na daw siya ng lola niya.

"Wala siya dito sa school." Sabi ko kay Vin na nasa kabilang linya.

"Wala rin dito sa bahay. Ang sabi ng maid namin umalis daw kaninang madaling araw. Hindi pa daw bumalik. Nandito lahat ng gamit niya."

Napahinga ako ng malalim. "Kung siya ang killer dapat mahanap natin siya, as soon as possible. We need back-up."

END OF CHAPTER 5

The Mysterious Case of Mr. Treaty (Published Under TDP!)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz