Chapter 2

85 3 0
                                    

Joshua's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Joshua's POV

After ma-i-cremate ni sir bumalik na kami. Desidido na ako na itayo muli ang The Red Stars. Whatever it takes, kailangan malaman kung sino pumatay kay sir.

Pinatawag ko silang lahat sa bahay namin for a meeting.

"So, ano? Wala si Kate. Hindi yata darating." Nakasilip sa bintana ng bahay si Vin.

Maliban sa auditorium sa school, ang meeting place namin ay ang bahay ko.

Napailing ako. "Alam naman natin ang pinagdaanan ni Kate. Bella was her best friend. She has reasons para hindi siputin ang meeting na ito."

"Paano tayo magsisimula?" Tanong ni Chloe.

Inilatag ko sa harapan nila ang listahan ng mga suspects. Pinag-isipan ko ng mabuti ang nilagay ko rito at ito ang mga posibleng may kinalaman sa pagkamatay ni sir.

"Ako? Bakit ako?" Marahang tanong ni Kenneth. Kasama kasi siya sa suspects.

"Sinabi ko sa inyo, wala akong alam. Ikaw kasi Jessica kung ano ano pinagbibintang mo sa'akin." Tinuro niya si Jessica.

"Totoo naman diba? Ikaw ang huling kasama ni sir." Pag bwelta ni Jessica.

"Guys, tama na." Pagpigil namin sa kanila.

Ilang segundo lang ay biglang dumating si Kate. Dala niya ang isang kape mula sa isang sikat na coffee shop at saka ito umpo sa tabi ni Cindy.

"Sorry, I'm late. What did I miss?" Sabi niya sa amin.

Lahat kami ay nakatingin sa kanya. "What? Oo, nandito ako because I realized that Bella is gone. I should move on. And I'm doing this for Sir Treaty." Mataray niyang sabi at bahagya pa niya akong inirapan.

Napangiti ako. "Edi kung ganoon, buo na ulit ang ating team." Tinginan ko si Kenneth at Jessica. "Pwede ba wag na kayo mag away?"

"Eh bakit kasi ako?" Naiinis na sabi ni Kenneth.

"Of course, ikaw ang huling kasama ni Sir - sabi ni Jessica." Sabi ko, "And besides hindi naman porket nandito ka sa listahan ay ikaw na talaga pumatay kay sir. We're giving you the benefit of the doubt."

Tinignan lang niya ako kaya nagpatuloy na ako.

"Tell us, Kenneth. What happened that day?"

Napakunot noo siya. "Are you investigating me?"

"Sumagot ka nalang. Tsk." Sabi ni Vin na halatang naiinip na.

"Wala akong kasalanan." Panimula ni Kenneth.


Kenneth's POV

Magfa-five na ng hapon. Tinext ako ng aking kapatid na sunduin ko na siya mula sa mall - kung saan nandoon sila ng mga kaibigan niya.

The Mysterious Case of Mr. Treaty (Published Under TDP!)Where stories live. Discover now