Chapter 4

52 6 0
                                    

Jessica's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Jessica's POV

Humarap muna ako sa salamin bago pumasok. Inayos ko ang aking buhok na medjo wavy at itinali ito ng ponytail.

Naalala ko si sir na lagi akong sinasabihan na hindi bagay sa akin ang nakalugay ang buhok dahil sagabal daw ito sa mag rereview ko at nakakain niya daw ito kapag humahangin at magkatabi kami.

Napa-ngiti ako bago ako lumabas ng bahay.

"Kenneth!" Napadaan ako sa may gate 2 ng school dahil mas malapit ito sa babaan ko. Nakita ko si Kenneth sa may guard house.

Napatingin siya sa akin at napakunot noo, "Jessica?"

Napangiti ako, "Kenneth?" Pabirong sabi ko sa kanya. ""Naiwan mo na naman ID mo?"

Kumunot noo siya ulit sa akin at napangiti ng bahagya. "Oo eh. Late na kasi ako. Kaso mas lalo akong nalate dahil sa ID ko." Sabi niya.

Pagkatapos niyang pumirma sa guard ay naglakad na kaagad siya. Halatang umiiwas siya sa akin.

Sa totoo lang ay nakokonsensya ako dahil pinagbintanggan ko si Kenneth sa pagkamatay ni Sir Treaty. Gusto ko sanang mag sorry sa kanya, pero next time na lang.

"Sabay na ako sayo." Sinabayan ko siya sa paglakad. Tumango lang siya sa akin.

Sa tapat ng laboratory, nakasalubong namin si Kate at Vin. Mukhang nagmamadali sila. Kaya napahinto kami ni Ken.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Ken sa kanila.

"Kami ang inutussn ni Joshua na pumunta sa opisina ni Tito Zac. Itanong daw kung may lead na sa kaso ni Sir Treaty. May project pa ata kasi sila ni Chloe at Bryal sa History."

"Sama ako!" Nagprisinta bigla si Kenneth. "Late naman na ako kaya, di nalang ako papasok."

Pumayag naman sila Kate at Vin. Ngumiti nalang ako sa kanila at nag sabi na hindi ako pwede kasi may gagawin pa kami ng kagroup ko sa thesis.

Tinignan ko lang sila habang paalis sila ng school.

Sana makapag sorry na ako kay Kenneth. Alam ko naiilang siya sa akin.

Kenneth's POV

I'm Kenneth. Since 4th year high school naging scholar na ako ni Sir Treaty. Ang pagkawala niya ay isang malaking kawalan sa aming lahat lalo na sa The Red Stars.

Ang kurso ko dati ay Engineering pero bumagsak ako. Akala ko hindi ko na kayang bumangon ulit. Nag shift ako sa Social Worker at doon ako mas gumaling sa pag-aaral. Hindi naniwala sa akin ang pamilya ko na kaya ko makapagtapos kahit working student ako. Si Sir lang ang naniwala sa akin.

Alam ko na hindi ako ang pumatay kay Sir Treaty. Aaminin ko na talagang nagtampo ako kay Sir nung pinili niya si Jessica para maging representative sa Cebu, pero hindi 'iyon magiging dahilan para pumatay ako ng tao lalo na kung si Sir.

The Mysterious Case of Mr. Treaty (Published Under TDP!)Where stories live. Discover now