Chapter 6

53 4 0
                                    

Vin's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Vin's POV

Nakatingin lang ako sa may labas ng sasakyan habang hinihintay namin ang tawag ni Josh. Nanlalamig ang mga kamay ko. Napapaisip ako kung si kuya ba talaga ang killer. Alam ko na hindi kami nagkakasundo ni kuya at kahit kailan hindi ko siya ginustong maging kapatid pero kilala ko siya at alam ko na hindi niya magagawa 'iyon.

Pero paano nga kung siya?

"Hindi ko alam. I'm so stupid! Hindi ko 'manlang naramdaman na nasa paligid ko na pala ang killer. I should have known." Inis na inis 'kong sabi.

"Vin," Hinawakan ako sa balikat ni Kate. "Lahat tayo, lalo na ako. He's my thesis partner. I should take his words seriously nung pinaghinalaan ko siya."

Napakunot noo ako, "You did?"

Tumango siya sa akin, "Yes, pero hindi pa naman napapatunayan na siya ang pumatay di'ba kaya wag ka muna mag-isip ng kung ano-ano."

Huminga ako ng malalim at tumango kay Kate.

"Sige, kuya Joshua. Papunta na kami." Tinignan namin si Cindy na kakasakay sa sasakyan. "Nakita na daw nila si Lloyd. Dinala na nila sa presinto." Sabi niya.

Napatingin lang ako sa manibela.

"Vin?" Hinawakan ni Kate yung kamay ko, "Nanlalamig yung kamay mo. Ako na magda-drive!" Sabi niya pero umiling ako.

"Ako na." Huminga muna ako ng malalim bago ko sinimulan magmaneho.

Sinalubong kami ni nang makarating kami sa presinto. Naabutan namin na tinatanong na siya sa interrogation room. Pinapasok kami sa may kabilang kwarto kung saan nakikita namin siya.

"Bakit ka pumunta sa bahay nila Kenneth ng madaling araw na yun?" Tanong nung imbestigador kay kuya.

"Tinawagan niya ang kapatid ko, si Vin. Ako ang nakasagot."

Napakunot noo ako. Kaagad ko tinignan ang call history ko. "Joshua, tinawagan nga ako ni Kenneth. Totoo sinasabi ni kuya." Pinakita ko sa kanila ang call history ko.

"Ano ang sinabi niya kung bakit ka pumunta sa bahay nila?" Tanong ulit nung imbestigador

"Ang sabi niya may sasabihin siya sa kapatid ko tungkol sa project nila. Hindi ako naniwala. I insist to know kung bakit he's calling my brother that time. He said na he has an idea kung sino ang killer. So I went to his home."

"Kenneth knows the killer, that's why he was killed." Napatakip ng bibig si Chloe.

"Anong sabi sayo ni Kenneth about the killer?"

"He told me that the killer of Sir Treaty was already inside the faculty room. Kaya mabilis lang itong nakalabas ng scene."

Nagkatinginan kaming lahat.

"Pagkatapos? Sino daw ang killer?"

"Hindi niya nabanggit sa akin. Someone called him on the phone. After that, he said na pupunta daw siya ng university. Sinabi ko samahan ko siya."

"Pagkatapos doon mo siya pinatay? Hindi na bago mga dahilan mo iho." Natatawang sabi ng investigator.

"I'm not lying. Kahit tignan niyo pa sa cctv."

"Na-check na namin. Ikaw ang nagdala sa kanya sa university niyo. Doon mo siya pinatay. Diba?"

"No! I didn't killed him. He insisted na magpunta sa faculty room mag-isa. I told him that I'll wait, pero ayaw niya. Nag-decide ako na umalis. But I told him na hihintayin ko siya sa coffee shop malapit sa school. Nakita niyo ba yung cctv doon?"

Napakunot noo yung nagiimbestiga at napatingin siya sa side namin, "Coffee shop? Kaya ka ba nasa coffee shop ka kaninang nahuli ka?"

"Yes! Look at me. I'm still wearing my pajamas. Sa tingin mo ba pupunta ako ng coffee shop ng naka-ganito?"

Isang oras din ang hinintay namin bago dumating ang cctv galing sa coffee shop kung saan nakita si kuya kanina. For the mean time, he's locked up in jail.

"I can't believe what's happening." Kate curved her body to her lap parang umiiyak na bata.

"I'm sorry guys. Hindi ko alam that Kenneth called me last night. Sana hindi pa siya patay. I feel terrible. Lalo na at si kuya ang suspect." Sabi ko sa kanila.

"It's not your fault, Vin." Tinapik ni Josh ang balikat ko.

"Ipapadala ko ito sa mas mataas na opisina para mas masuri ang kaso niyo. Sa ngayon kasi mas pinagtutuunan ng pansin ng kapulisan ang naging massacre na nangyari sa kabilang city. Ako lang at ang team ko ang may hawak ng kaso niyo." Sabi ni Tito Zac.

"Malaking tulong po kayo, Tito." Sagot ni Chloe kay Tito..

"Sir Zac, we checked the cctv footage sa coffee shop. Nandoon siya from 3:30 ng umaga. Hindi siya umalis hanggang kaninang nahuli namin siya. Everything he said seems accurate." Sabi ng imbestigator kay Tito Zac.

"If not kuya Lloyd, then who is the killer?"

END OF CHAPTER 6

The Mysterious Case of Mr. Treaty (Published Under TDP!)Where stories live. Discover now