Jonas

5K 74 10
                                    

*Flashback*

"Jonas, ikaw ang pinaka pinagkakatiwalaan kong kaibigan. Napaka buti mo samin ni Amanda at hindi ko alam kung pano kita pasasalamatan!" ani ni Rodan

"Hindi mo na kailangan problemahin iyon dahil alam mo namang pamilya na ang turing ko sainyo. kapatid na ang tingin ko sainyong dalawa, magkakasama tayong tumanda, at lalo pa ngayon na nabiyayaan na kayo ng anak, masaya ako at nadagdagan ang pamilya natin. Hindi man tayo kumpleto pero, kuntento tayo, Rodan." sagot ko

Ngumiti si Rodan at ininom ang hawak hawak niyang beer. Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Alam mo, kung kaya ko lang mabigyan si Chlea ng mas magandang buhay. Malayo siya sa lahat ng kaguluhang to? lahat ibibigay ko. Pinapangako kong magiging mabuti akong ama at asawa sakanila ni Amanda. Gusto ko silang ilayo sa lahat ng to."

Tinignan ko ng mabuti ang aking kaibigan habang nakatitig siya sa kawalan. Halata kong malalim ang nasa isip niya at nakikita ko din ang kaba sa kaniyang mga mata para sa kaniyang pamilya. Malaki ang tungkulin niya sa bawat Lobo at Bampira dahil siya ang pinuno namin dito sa camp.

"Masyado ka namang nag aalala, Rodan! Ikaw pa? Wala akong kahit anong pag aalangan na magiging mabuti kang ama. Isipin mo nalang pag umabot na si Chlea sa takdang edad na pepwede na niyang mahanap ang kaniyang Beloved, eh, siguradong bantay sarado ka sa lahat ng magtatangkang lobo at Bampira na lalapit sa kaniya!" biro ko.

"Takot lang nila!" sagot nito.

Ngumiti ako at tinapik ang kaibigan sa likod.

"Rodan! Rodan!"

Lumingon kaming pareho at nakita si Magnus na tumatakbo papalapit samin. Tumayo kami at sinalubong siya.

"Bakit, anong problema?" Tanong ni Rodan.

"Rodan, si Amanda!" hikahos na sinabi ni Magnus habang naghahabol ito ng hininga.

Walang ano ano ay nag glide pabalik si Rodan sa kanilang bahay. Sumunod kami ni Magnus sa kaniya.

"Magnus, anong nangyari?" Tanong ko.

"May mga mandirigmang natagpuan si Amanda na walang malay malapit sa gubat. Yakap yakap niya si Chlea at mahimbing ang tulog nito. 

Bago pa ako makapagsalita uli ay narinig ko ang malakas na sigaw ni Rodan. Tumakbo ako sa loob at nakitang yakap yakap niya ang asawa habang umiiyak. Duguan si Amanda at napaluhod ako sa sahig nang makitang hindi ko na siya naabutang buhay.

Napalingon ako sa aking kanan at kitang kita si Chlea na mahimbing padin ang tulog sa kaniyang crib. Ibinalik ko ang aking atensyon sa kaibigang Lobo na nagdadalamhati at ipinatong ang aking kamay sa kaniyang balikat.

"Si Gardo ang may gawa nito. Yun na ang mga huling salita ni Amanda sakin. Tinangka niyang kunin si Chlea at si Amanda ang nagligtas sakanya. Magbabayad si Gardo. Magbabayad siya!" ani ni Rodan.

Puno ng galit ang kaniyang boses.  Hinigpitan niya ang yakap sa nasawi niyang asawa habang pagluluksa ang aking nararamdaman sa pagka wala ng aking matalik na kaibigan.

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon