*****

4.6K 75 6
                                    

Masyadong dilikado kapag ginamit ko ang bilis bampira ko para itakas si Brett.

Hahabulin lang kami ng mga creature hunters at may posibilidad na may masaktan pang iba. Hindi din ito magandang ideya sa dami ng tao. Hindi kami pwedeng matuklasan.

Nakatitig sakin si Brett habang papalapit samin ang Lobong creature hunter. Alam kong napapansin niya sa akin ang panic na unti unting nabubuo sa aking mga mata. Dahan dahang naglalakad ang Lobo papalapit samin. Alam kong kailangan kong mailayo si Brett dito kailangan kong makaisip ng....

"Chlea.." ani ni Brett

Napatingin ako sakanya at walang pag aalinlangan ay bigla niya akong hinalikan! Nanlaki ang aking mga mata at nakita kong nakapikit siya. Naka bukas ang hybrid vision ko at nakita ko ang ugat sa gilid ng kaniyang noo ay pumipintig na ibigsabihin ay mabilis ang tibok ng kaniyang puso. Buti nalang at wala siyang Vampire vision kundi baka makita niya din ang mga ugat kong pumipintig na parang sasabog sa bilis ng talbog ng puso ko.

Napansin ko din na unti unti niyang itinakip ang kamay niya sa aming magkalapit na mukha. Napansin ko din na napatigil ang creature hunter sa paglakad palapit saamin. Naiintindihan ko na ang ginagawa ni Brett, imbis na siya ang protektahan ko, ay AKO ang pinoprotektahan niya.

Ako ang tinatakpan niya. Naka yuko siya dahil magkadikit padin ang aming mga labi. Ginugulo niya ang creature hunter. Kitang kita ko sa gilid ng aking mga mata ang bahid ng pagtataka ng lobo sa kaniyang mukha.

"Arneo! Halika na at wala kang mahahanap diyan! Wag tayong magaksaya ng panahon!"

Napalingon ang creature hunter sa babaeng tumawag sa kaniyang atensyon. Isang Bampirang Creature Hunter ang nakatayo sa may bukana ng hallway. Nakatalukbong ito ng kaniyang hoodie kaya hindi makita ang buong mukha nito. Parang pamilyar ang boses ng babae, pero sa ngayon ay wala akong oras para pagisipan pa iyon. Bumalik ang tingin ko sa lobo. Lumingon ito sa aming direksyon at tumalikod. Naglakad ito papalayo hanggang nakalabas na ito ng hallway.

Ibinalik ko ang mga tingin ko kay Brett. Nakatitig siya sa aking mga mata at seryoso ang kaniyang facial expression. Nararamdaman ko ang pag init sa aking mukha habang nakatitig siya sakin.

"Chlea, Namumula ka ba?" ani ni Brett

Nagulat ako sa sinabi niya at itinulak siya palayo at sinapak sa mukha.

"Aray! What was that for!?"

"Ano sa tingin mong ginagawa mo? adik ka ba?! Ba't mo ginawa yun?!" sigaw ko

"It worked naman, diba? naguluhan yung lalaking papalapit kanina! Hindi niya na itinuloy! kaya you should be thanking me!" sagot niya habang minamasahe ang kaniyang panga.

"Well, I didn't need your help! Hindi ba obvious na ako ang tumutulong sayo dito?!" sagot ko

Tumayo si Brett.

"Eh ba't ka namumula?" tanong niya.

Isang maliit na ngiti ang nabuo sa kaniyang mga labi.

Wala akong magawa kundi magkunwaring wala akong pakealam

"Halika na! Andami mo pang tinatanong pag inulit mo uli yun ibibitin kita patiwarik hanggang sa ikaw ang mamula!" sigaw ko sabay lakad palabas ng Hallway.

Sa totoo lang hiyang hiya ako dahil napansin niya ang pamumula ko. Hanggang sa makarating sa dulo ng Hallway ay ramdam ko padin ang init sa aking mukha.

Wala pang nakakahalik sakin. Sa totoo lang naimagine ko yung sarili ko na magkaka first kiss sa isang romantic na lugar at sa isang romantic na scenario. Hindi habang nasa gitna ng pagtakas sa mga gustong gamitin ako para ubusin ang buong lahi ko.

Kapag minamalas ka nga naman talaga. Wala ata akong karapatan magkaroon ng Romantic moment! Haaay...

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Where stories live. Discover now