Claire

4.8K 70 2
                                    

Sinundan ko ng tingin si Brett hanggang maka baba na siya ng tuluyan.

"Chlea, Okay lang yan he'll eventually get over it."

"Sana nga. Kahit ako naguguluhan eh! How could Ashton be a hybrid? Skyrem din kaya siya?"

Umiling lang ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya dahil nahahalata ko sa kaniyang mata ang pag aalala. Ayoko naman dagdagan pa yung takot at stress na nararamdaman niya right now.

Skyrem.

Si Chlea lang ang alam kong nabubuhay na Skyrem. Ayon kay Hunter, hindi lahat ng generation may nabubuhay na Skyrem, most of the time, lumalaktaw to. Ang straight descendants lang ng original vampires at werewolves na royal blood ang nagdadala nito. pero gaya nga ng sabi ni Hunter, lumalaktaw.  May posibilidad na lamang padin si Chlea kay Ashton kahit pareho silang Hybrid pero, kakailanganin padin ni Chlea mag train ng sobra sobra. Kailangan niyang ma unlock ang full potential ng isang Skyrem.

So far, ang pag detect ng energy levels  palang ang kaya niyang gawin.

Napansin siguro ni Chlea na hindi ko alam ang isasagot ko sakanya.. ngumiti lang siya sakin.

"Alam mo, Claire? naguguluhan ako. After this hindi ko alam kung matatanggap pa ba ako ni Brett. Alam kong mali na magkagusto ako sa isang Mortal. Mabagal ang aging process natin at ayoko din makitang unti unti siyang tumatanda." ani ni Chlea

"I understand. Pero just give it time. Andito naman kami ni Hunter para sayo. At alam kong hindi hindi ka papabayaan ni Hunter, Chlea. Susuportahan ko kayo kahit anong mangyari! "

Tumingin lang siya sakin at nilipat ang kaniyang atensyon sa langit.  Since malayo kami sa siyudad, kitang kita mo ang mga bituin.

Halatang may iniisip siya ng mabuti. Ibinalik ni Chlea sakin ang kaniyang tingin.

"Uhm, Claire, wala ka ba talagang nararamdaman or napapansin or kahit nakikita or something? Kailangan ba kitang batukan kahit konti?"

"Halah? Ako? May atraso ba ko sayo?" gulat kong sinabi

"Wala! Chill ka lang wala kang atraso! Sobrang, Labo mo lang talaga. Wala ka talagang napapansin?" dagdag nito

"May dapat ba kong mapansin?" tanong ko.

"Pag nagpakita or nagparamdam ba sayo Claire, mapapansin mo na?" sagot niya

Napaisip ako ng mabuti. Nilipat ko ang tingin ko sa sahig at super concentrate ako sa pag aalala. May nakalimutan ba ko?? anong pinagsasasabi nito ni Chlea?

Tumingin ako uli sakanya at napansing naka ngiti siya sakin.

"Jinojoke mo bako Chlea? Pinapraning mo ko ano?"

Hindi siya sumagot at nakangiti lang siya.

"Hello? Earth to Chlea???" dagdag ko

Naglakad siya papunta sakin at bigla niya akong niyakap.

"Looks like you're up, Claire!" ani nito at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hoy Chlea! san ka pupun..."

Napatigil ako ng si Hunter ang tumumbad sa aking mga mata paglingon ko.


"She's all yours, bro!"

ani ni Chlea kay Hunter at tinapik niya ito sa balikat bago ito naglakad paalis.

Nakatingin lang sakin si Hunter.

"Hunter, is everything okay?"tanong ko.

Ngumiti siya sakin. Ngayon ko lang nakita si Hunter ngumiti ng ganito. Parang kinakabahan pero masaya ang bakas sa kaniyang mukha. Weird, ba't nakatingin lang siya sakin?


" Uhm, Why are you looking at me like that? may dumi ba ako sa mukha?" kinapa ko ang mukha ko baka may dumi ba ko sa pisngi or what.
Naglakad palapit si Hunter saakin at biglang hinawakan niya ang aking mga kamay na nakapatong padin saaking pisngi. Binaba niya ang mga ito at Bigla niya akong kinulong sa isang mahigpit na Yakap.


Nanlaki ang mga mata ko at wala akong masabi. Feeling ko naka semento ang paa ko sa sahig at parang nag papanic ang mga laman loob ko. Para akong na stroke sa loob ng yakap ni Hunter.
Nagsimulang na siyang magsalita bago pako tuluyang manlambot.

"I almost lost you today.." pabulong nitong sinabi.


Nakayakap padin siya sakin at hindi siya bumibitaw.

"Please just..let me hold you like this for a bit" dagdag nito.

Nakatayo lang kami sa gitna ng terrace habang yakap yakap ako ni Hunter. Mas matangkad siya sakin kaya feeling ko mukha akong batang hindi makagalaw. Pagkatapos ng ilang saglit, bumitaw siya at hinarap ako. Pinatong  niya ang kamay niya sa aking balikat.

."Claire..uhm..I ...I have to tell you something.."

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora