Brett

4.9K 69 1
                                    

Hindi ko maintindihan mga pinagsasasabi sakin ni Carmela. May nag bully daw sakanyang dalawang babae sa girls room. Knowing yung ugali niyang siya ang mahilig mang power trip dito, malamang siya ang nang bully!

Nagkatinginan nalang kami ni Ash. Nakaupo siya sa harapan ko kumakain ng taco. Pareho naming hindi pinaniniwalaan ang sinasabi ni Carmela.

Haay, dapat matagal nakong nakipag break sa babaeng to. Pagkauwi ko sa bahay nung birthday ni Dad 3 months ago, sobrang wala akong maalala. Hindi ko din alam kung saan kami nang galing ni Ash at pareho kaming mukhang nagswimming sa Tomato Sauce.

"Babe! She hurt me! You have to do something about it! She hit my face!" ani ni Carmela

"Carmela, wala ka namang galos sa kahit saang parte ng mukha mo. I'm sure it was just an accident and you're just over reacting." sagot ko.

"No! She did it on purpose! ikaw ang boyfriend ko dapat pinagtatanggol mo ako!"

"Bro, just do what she says. Maybe she'll shut up if you do." ani ni Ash

"Fine, Carmela. Nasan ba yung sinasabi mong nanakit sayo?"

"There! There they are!"

Napalingon ako sa itinuro ni Carmela. May tatlong taong nakaupo sa may garden ng school. Tumingin ako kay Ash na saktong kakatapos lang kumain.

"Bro, sumama ka na. Carmela,  just stay here."

Pupuntahan ko na baka sakaling tumahimik natong babaeng to. Kakausapin ko lang saglit tapos lalayasan na namin ni Ash si Carmela.

Naglakad kami papunta sa garden. Medyo malapit na kami nang maaninag ko ang itinuro sakin ni Carmela. Dalawang babae at isang lalaki ang nakaupo sa gilid ng circle na nakapalibot sa mga bulaklak at pond.

"Anong plano mong sabihin sakanila? eh obvious naman na Carmela's lying." tanong ni Ash

"Wala. Just pretend na kinausap natin sila, magtatanong lang tayo tapos aalis na agad. Para matapos na yung pag iinarte ni Carmela."

Naglakad ako papalapit hanggang sa nakatayo nako sa may likod ng isa sakanila. Ang rude ko naman ata pag inistorbo ko sila out of no where pero hindi ko na matitiis ang pagiinarte ni Carmela kaya mag sosorry nalang siguro ako after ko sila kausapin.

 Paano ko kaya makukuha atensyon nito?

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Where stories live. Discover now